May sasabihin po ako sa author's note. Hehe.
♥♥♥♥♥♥♥
JAM's POV
Pagkatapos ng lahat ng pangyayari sa buhay namin, naging maayos naman ang lahat. Halos lahat kami sa barkada ay lumagay na sa tahimik.
Si Max at si Cliff, akalain mo ba naman magkakatuluyan. Hindi pa aamin si Cliff kung hindi pa kami gagawa ng paraan. Pinagselos lang naman namin siya. Hindi rin alam ni Max na isinet-up namin silang dalawa kaya naman super saya niya sa paglandi dun sa kabatch namin nung highschool na inutusan naming landiin din si Max. Pero ayun na nga.
Si ate Sab at Marc sa States kinasal. Sosyal di ba?
Alam naman na natin ang ending ni Mara at James.
Si Lex naman nakapag-asawa ng half foreigner. Nagtratrabaho na rin siya bilang principal sa pinasukan namin nung high school.
Si Ivan, palagi niyang jinojoke yung kakambal niyang si Alice.
FLASHBACK..
"I hate you, KUYA!"
"Bakit ako? Ako ba yung nagpropose sa iba?"
"He! Basta! Nakakainis ka!"
"Nakakainis ka rin. Kaya hindi ikaw ang nagustuhan ni Paolo eh. Ganyan kasi ugali mo. Pumasok ka na nga sa kumbento para magtino!"
"Bakit ganun??? HUHUHU~~~"
END OF FLASHBACK...
Remember Paolo? Nagpropose na siya sa iba. Koreana siya. Lagi tuloy emo si Alice. Bitter sa aming lahat kaya bumalik ng US pero balita ko may dinedate daw yun ngayon.
Si Jasper naman ay nakakalaro na sa NBA. Bihira na nga siyang makausap eh kasi sobrang busy. Last time siyang umuwi nung binyag ni Cassiel. Siya ang ninong at si AA ang ninang. Lahat ng umapi sa akin at nang-agaw kay Ivan nung high school at college ay kasama. Bati na kaming lahat.
Nung pinanganak ko si Cassiel, si Ivan na ang naging pinaka-proud na daddy sa buong mundo. Sabi niya, "Paglaki niya tuturuan ko siya ng mga moves ko sa mga babae. Haha!" Binatukan ko nga. Sobrang excited siya sa pagiging daddy. Minsan naman, pinagseselosan pa niya yung baby namin kasi lagi ko siyang katabi sa pagtulog samantalang siya ay sa ibang kwarto. Napakalikot niyang matulog. Baka siya pa ang makapatay sa baby namin.
Napatawad ko na yung daddy ni AA. Pero nakulong pa rin siya dahil kailangan niyang panagutan sa batas yung mga ginawa niya lalo na sa daddy ko. Kapag dumadalaw si AA sa kulungan, sinasamahan ko siya minsan. Naging best friend ko rin naman siya kahit papano.
Masaya na kaming lahat ngayon. Nagpapasalamat ako kasi walng nangyari na sobrang masama sa aming lahat. Alam kong hindi pa to ang happy ending pero sa ngayon oras na para solohin naman namin ang sarili naming mundo.
Oras na rin ng aming pagtulog.
"Ivan, patayin mo na yung tv please! Tara na matulog."
"Ang sama mo naman. Hindi mo man lang suportahan ang ex-admirer mo."
Oo nga pala, may sariling tv kami sa room namin at ngayon nanunood siya ng game ng nba. Team kasi ngayon ni Jasper ang lalaban para sa championship na.
BINABASA MO ANG
Perfect Two
RomanceSi JAM ay umuwi sa Pilipinas para ipagpatuloy ang buhay niya kahit wala na ang mga magulang niya. Bagong buhay, bagong mundo. Magiging kaibigan niya ang tatlong loka-loka. Magiging kabarkada niya ang apat na lalaking may magkakaibang ugali na miyemb...