Surprised

142 1 0
                                    

Sa tatlong araw na magkasama kami ni DJ ang dami na nangyari. Sa mga araw na yun parang siguradong sigurado na siya sa nararamdaman niya. Ako ba?

Hanngang ngayon ayun pa din ang tinatanong ko sa sarili ko kung tama ba yung naging sagot ko sa tanong niya during the party. I never had that moment in my life. Oo may mga nanliligaw sa akin at mga nirereto sila Mama at Tita pero the way he asked me it was the romantic one. Our date was the moment I never thought I would have in my life. Hindi ko nga inaasahan na darating siya sa buhay ko. Simula nang binigyan ako ni God ng bagong buhay Ng binigay niya si Ella sa buhay ko dun ko naranasan ang mga bagay na hindi ko pa naranasan ng may sakit pa ko. Tulad ng nararanasan ko ngayon. Ang maranasang may nagmamahal bukod sa magulang at kaibigan ko.

From the time na natapunan niya ko ng ice cream, hindi ko inaasahan na darating yung point na tatanungin niya ko ng panliligaw at ng mga ginagawa niya na never ko pa naexperience.

Flashback.

“Kung hindi ka pa handang sumagot ngayon ok lang. Kung gusto mo maging kaibigan lang ang turing mo sakin it’s ok. Hindi ko naman pinlano na maging ganito kabilis ang nararamdaman ko sayo. Biglang isang araw pag gising ko na lang handa na ko magmahal ulit.”

“DJ. Don’t say that. Marami ka pang hindi nalalaman.”

“Alam ko, kaya nga lagi kami magkasama ni Cshei kasi gusto ko marami akong malaman sayo. At alam ko habang dinidiscover ko kung sino ang isang Kathryn Chadria Bernardo mas lalo ko nahuhulog sa kanya. Kasi mas bumibilib ako sa mga katangian mo na hindi ko pa nakikita.”

“Pero…”

“shhhh.!” He shut me. Hindi niya na daw kailangan malaman pa kung anung sagot ko dahil kahit anu pa yon ipapagpapatuloy niya lang un panliligaw niya. We just stay like that in the center. Minsan pag nagkakatinginan parang may awkward feeling ulit. Pero we just smile at each other.

The moment na sinabi niya na gusto niya ko ligawan marami ang tumatakbo sa isip ko. At hanggang ngayon hindi pa din mag sink in sa utak ko. Akala ko ba palabas lang lahat bakit kelangan pa niya totohanin. Andito na ko ngayon sa  table nilalaro ang straw ng inumin ko habang patuloy na inaanalyze kung anu nagpabago sa takbo ng isip ni DJ para ligawan ako. Teka nasan na nga ba yun. Sabi niya may kukunin lang daw siya.

“Huy Sis!.”

“Ay tipaklong ka. Anu ba naman yan Cshei kailangan ba nangugulat. Alam mo na ngang naguguluhan na ko eh.”

“Eh bakit hindi pa natin sagarin yung panggugulo to the highest level. Halika! May pupuntahan tayo.”

“Ha? Nakow ayoko nga pagod na ko ngayon pa lang. Wala na ko balak sumayaw pa.”

“Sissy naman eh panira ka ng moment alam mo un. Sumama ka na lang pwede?.”

Hinila niya na lang ako. As usual anu pa nga ba ang magagawa ko. Tanong ako ng tanong ayaw naman sumagot. Secret daw, basta hintayin ko na lang daw. May patakip takip pa ng matang nalalaman. Hindi kaya pakulo na naman to ni DJ.

“Anu ba sis baka kung san mo ko dadalhin. Siguro may binabalak na naman kayo ni…………”

Hindi ko na natuloy kasi ang ang alam ko lang ang ganda. Tinanggal ni Cshei yung pagkakatakip niya sa mata ko. As in ang ganda ng garden. Remember where I and DJ went nung nalaman ko na nagpanggap siya na kami sa harap ni Madam. Kung nung una naamaze na ko sa view at ganda nito ngayon mas lalo pa dahil nakaayos siya ng candle light dinner. Parang kay John lloyd and Bea ko lang nakikita yung mga ganitong set up, sa mga pelikula lang. Pero ngayon nasa harap ko na.

“Lumakad ka na sis. Kanina ka pa niya hinihintay. A for effort di ba. Sana sakin din may ibigay si Lord na ganyan manliligaw.”

Natawa naman ako dun. Eto sinisiko siko ako na pumunta na sa lalaking nakatayo sa side ng table. A man who untill now ginugulo ung utak ko.

♥Fated to Love You♥_KathNiel FanfictionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon