Consistent

145 3 2
                                    

Late na pala ko. May usapan nga pala kami na sabay kami pupunta sa school. Pababa na ko ng hagdan ng maalala ko na naman yung mga pangyayari kung bakit sabay kami pupunta ng school ngayon.

Flashback

It’s almost 8PM pero tumawag si Lelay and Magui sakin may sasabihin daw sila. Pumunta lang daw ako sa park inside the subdivision. I called Tita Alicia and she said andun nga daw yung dalawa kasama si Kats. At first nakakapagtaka kasi pumayag agad si Mama and there is something in her smile.

“Nak tumawag si Alicia tinatanong kung papunta ka na daw ba.? Txt Kats if your on your way.” Sigaw ni Yaya Lorna na siyang sumagot ng telepono. Habang pababa ako ng hagdan.

“Ay oo nga pala yung phone ko naiwan ko.”

After I got my phone nagpaalam na ko kay Papa na kasalukuyang nanunuod ng Basketball Game ngayon. Hmmm. In fairness wala ngayon ang magugulo dito, karaniwan kasi sila DJ nakikinuod dito sa bahay pag may laro.

“Pa wala ka po kapustahan ngayon sa game?”

“Ah oo, may importanteng pinuntahan sila eh. May inaayos daw sila magbabarkada.”

“yes dad, nasa bayan po ata si DJ ngayon sabi niya eh.”

“Oh? Baka naman may surprise para sa yo.”

“Dad naman. Gagaya ka pa kay Mama. Sige bye na po dad.” Sabay beso kay Papa.

“Ok sige ingat. Enjoy your night.”

Hm? Hindi ko masyado narinig yung last part malapit na kasi ko sa pintuan palabas kaya di ko na narinig sinabi ni Papa. Tinxt ko na si JC na on the way na ko. Hindi naman nagrereply. Baka nainip na sakin.

**

Pagdating sa park parang ang unti naman ng tao. Actually wala ngang tao kung hindi ang tindera ng lobo, ng ice cream at ng bulaklak lang. In fairness gabi na andito pa sila. Tatawagan ko na sana si JC ng biglang may kumuhit sa likod ko.

“Ay kabayo!.” Gulat na gulat kong paglingon sa batang kumuhit sa akin. And yes it was Lelay who was currently holding a pink baloon. Ngiting ngiti nga siya dahil sa reaksyon ko at dahil na din siguro sa mga pakulong ginagawa nila. Hindi ko na kailangan tanungin dahil sigurado na isa na naman to sa surprises niya.

“Take this Ate Kath, and I hope you could also take my Kuya’s heart. Hi hi hi hi!” Kitang kita mo ang mga ngipin na siya naman kinangiti ko. Ang cute cute ng batang ito. Manang mana sa Kuya niya.

Pagkuha ko ng baloon at pagkiss kay Lelay another baloon was given to me, bigger than the first. It was given by the vendor who is currently holding a bunch of balloons with different colors.  Alam niya talaga anu ang mga gusto ko. Magaling talaga siya magresearch.

“Ma’am kunin mo na po itong isa pa. Tapos pumunta ka kay Kuya Carding kasi alam ko paborito mo din ang dirty ice cream “ kasabay nito ang isang napakalaking ngiti mula kay Mang Rudy. Kilala ko na siya. Hahaha. Actually lagi ako napunta dito sa park dahil nga di ba wala naman akong kaibigan.

Pagtingin ko sa likod para isama si Lelay nawala na ito. Alam kong kasama ito sa mga pakulo niya.

“Oh Kuya Carding gabi na andito ka pa?”

“Hehehe! Oo nga Kathy eh, Alam mo na malaki ang binayad sa kin ng manliligaw mo eh. Ayaw mo pa kasi sagutin.” Kwento ni Kuya habang nagsasalop ng ice cream. Hindi ko naman mapigilan ang kiligin.

“Hay naku Kuya pati ikaw boto ka sa kanya ha.”

“Oo naman matagal ka ng mag-isa baka siya na yun sagot para pumunta ka dito lagi ng may kasama. Oh eto”

♥Fated to Love You♥_KathNiel FanfictionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon