tambakan

3.7K 102 1
                                        

A/N: this is my first time to write in pure Filipino. Ang hirap! Hahahahaha!! Please forgive my mistakes...


=  =  =  =  =  =  =  =  =  =  =  = =  =  =  =  =


"Ano ka ba naman Ricardo!" sigaw ni Meng.

"Eh ano bang pinuputok ng buche mo?...makasigaw ka dyan, daig mo pa Nanay ko e....!" sagot ni Rj habang nakalingon kay Meng.

"Di kasi tumitingin sa paligid..."

"Ang laki-laki ng trak ko po! Ikaw dyan dapat ang tumabi....tumingin ka nga sa paligid mo o? Yung mga kasama mo, andun sa malayo! Ikaw lang ang andito...."

"Eh sa mas marami akong nakukuha dito....nagkalkal na rin ako dun kanina...." sabi ni Meng habang tinuturo ang mga kasama sa kabilang banda ng tambakan. "Atsaka....dito....bago pa ang dala nyo....PRES na PRES pa!"

Napailing nalang si Rj at pinaandar ang trak nya para i-garahe.

Nasa daanan papunta sa bahay ni Meng ang poso kung saan halos lahat ng mga kapit-bahay nya ay nag-iigib ng tubig. Sa di kalayuan madalas maligo at maghugas ang mga drayber ng trak ng basura, isa si Rj sa mga drayber ng trak.

"Hi Meng!" laging bati ni Rj tuwing dumadaan ni Meng.

"Hi mo sarili mo!" sagot ni Meng sabay dila kay Rj.

"Sungit!" sagot ni Rj ng nakangiti at napapailing.

"Rj!....merienda!" tawag ni Aling Kalai. Inabutan nya si Rj ng monay.

"Uy! Salamat po Aling Kalai! Pwede pong makahingi din ng isang coke?"

"O eto..." sabay abot ng isang bote ng coke.

"Kuya! Pahingi!" sabi ni Lyn-Lyn habang papalapit kay Rj.

"Aling Kalai, bigyan nyo po etong si Lyn-Lyn at Joan ng tig-iisang tinapay....ilista nyo nalang po."

"Salamat Kuya!" sabi ng dalawang bata.

"Ok! O, wag maglalayo...dyan lang kayo maglaro, ha?"

"Opo!"

Kinagabihan, pagkatapos ng hapunan, "Magandang gabi po, Mang Geb, andyan po ba si Meng?"

"O, Rj! Pasok !....Menggay! Andito si Rj!...maupo ka!...Kumain ka na ba?" Tanong ni Nanay Tess habang sumisilip sa likod ng kurtina ng kusina.

"Ay opo...salamat po...."

"Menggay!....ano ba?...andito si Rj!" tawag ni Tatay Geb.

"...ano ba 'Tay?!...makikinood ako ng TV kina Tess...ang guapo nung bida nung bagong teleserye....yung Alden Richards...." sabi ni Meng paglabas ng kwarto.

"Ahh talaga ba anak?....balita ko kasama nya dun yung Maine Mendoza...." tanong ni Aling Tess.

"Gud ebning, Meng..." sabi ni Rj.

"O...andito ka?..."

"wala lang...sabay tayo pumunta kina Tuhod...."

"...ikaw? manonood ka rin ng teleserye?..." natatawang sagot ni Meng.

"...Oo..."

"O siya... umalis na kayong dalawa..." sabi ni Tatay Geb.

"O sige po 'Tay...alis po muna kami..."

"...sige po, Mang Geb...Aling Tess....alis po muna kami ni Meng....hahatid ko po sya mamaya...."

"O sige, Tisoy....wag masyadong magpagabi, ha?" paalala ni Nanay Tess.

"Opo..."

Habang naglalakad ang dalawa, dahan-dahang itinaas ni Rj ang kamay nya para makaakbay kay Meng.

"Oy! Wag ka nga!" sabay kibit ng balikat si Meng.

"Bakit naman?"

"May makakita pa sa atin..."

"Ayaw mo?....eh nililigawan naman talaga kita ah..."

"Oo....pero...."

"...pero ano...."

"....nahihiya pa ako e....."

"...halika nga rito...." sabay kuha ng kamay ni Meng at hinalikan ito sa kamay. "O sige....mag-aantay ako hanggang ready ka...."

uncolored (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon