Club

110K 1.9K 11
                                    

Hindi parin ako tinitigilan ni Justin tungkol sa teacher ni Julio hanggang makarating kami ng bahay nila. Aminado naman akong maganda si Ma'am pero hindi nun mapapalitan ang pagmamahal ko kay Zooey.

Syempre hindi nila alam ang tungkol kay Zooey dahil alam kong hindi sila papayag, lalo na si Luisa dahil babae siya. Pero nakilala na nila si Zooey noong di ko pa alam na may asawa pala ito ipinakilala ko siya sakanila boto pa nga sila dito eh.

Pero nung nalaman kong may asawa na siya, tinapos ko din naman agad at nakita nila ang paghihirap ko noon dahil sakanya. Pero ang di nila alam nakipag balikan ako sakanya kahit alam kong may asawa siya.

"Iniisip mo ba si Ma'am?" Justin asked breaking my deep thought.

"Hindi nu." Pagtatangi ko.

"Bakit di mo pormahan yun?"

"Ayaw kong agawan si Julio." Pagbibiro ko para naman tigilan na niya ko kay Ma'am. "Iinum ba tayo o aasarin mo lang ako kay Ma'am?"

"Oo na sige na. Papatulugin ko muna si Julio, mahirap na baka masermunan ako ni Luisa alam mo naman yun pag nagalit." Tama! Grabe pa naman manermon yun si Luisa daig pa ang nanay.

"Sige, bilisan mo ah." He just nodded his head. Pumunta na sila ng kwarto ni Julio at ako, nag stay muna sa Sala habang dinadahan dahan ang paginum ng beer. Iba na talaga pag pamilyado na ang barkada mahirap ng yayain.

Ilang minuto din ata ang lumipas ng finally napatulog na niya si Julio kaya sinamahan na niya kong uminum sa Sala. Plano naming uminum ng kunti dahil may trabaho pa ko mamaya sa Club na pagmamayari ko.

"I'm home!" Luisa's echoing inside the house. Lumapit sakanya ang asawa niya at nagkiss sila, malamang.

"Damon, nandito ka pala." She said after seeing me.

"Niyaya ako ni Justin eh." Lumapit ako sakanya para ibeso siya tsaka umupo ulit sa couch para uminum.

"How's life? No girlfriend?" She asked. Umupo na din sila at sinamahan kami ni Justin.

"Wala eh." I lied. Kahit matalik ko silang kaibigan ayaw ko padin nilang malaman kung gaano ka complicated ang lovelife ko ngayon.

"Sinabihan ko ngang pormahan niya yung teacher ni Julio eh." Pagbibiro ni Justin. Heto na naman siya! Pambihira talaga.

"Si teacher Amber?" Pagtataka ni Luisa. Justin nodded to her, smirking. "Balita ko single yun, bakit di mo subukan? Maganda naman siya ah, mabait pa. Tsaka di ka ba nahihiya ikaw nalang single satin." Sinakyan pa talaga niya ang kabaliwan ng asawa niya.

"Paano naman kasi inasawa niyo isat isa kaya malamang ako nalang ang single."

"You can't blame me." Justin said, winking on his wife. Edi kayo na!

"That's not my point. My point  is naunahan ka pa nga ni Laura mag pakasal." Luisa said, making Justin laughed.

"Eh sa wala pa kong mahanap eh." Nahanap ko na siya kasal na nga lang siya sa iba.

"Don't tell me pare di ka padin maka get over dun sa babaeng may asawa na?" Seryosong sabi ni Justin.

"Hindi nu!" I lied again. Hindi ko man gustong mag sinungaling sa kaibigan ko wala naman akong magawa.

"My god Damon, umayos ka nga. Kalimutan mo na yung walang kwentang babaeng yun." Luisa said, irritated.

"Alam ko, alam ko." Sabi ko sabay inum. I stand as i finished my last beer. "Paano mauna na ko, pupunta pa kong Club." They just nodded. Bumeso muna ko kay Luisa at nag shake hands naman kami ni Justin ng kami lang nakakaalam bago tuluyang mag paalam sa mag asawa.

Umuwi muna ako Unit ko para makapag bihis tsaka dumiretso sa Outloud Club. Sinimulan ko ang trabaho ko sa pag inventory, dahil 6pm pa naman ang bukas ng Club hanggang 5am ng madaling araw pero ang uwian ng mga employees ko ay 6am para may isang oras pa para sa paglilinis.

Natapos ako sa pag inventory at dumiretso na ko sa Bar Station para dun pag masdan ang paligid at tumulong na din sa Bartender na mag bigay ng order nung nga costumer.

Ganito gabi gabi ang buhay ko, mapapanuod ko ang mga taong nagsasaya sa buhay, nakikipag flirt sa taong di naman nila kilala, nakikipag palitan ng number and honestly dito ko nakilala si Zooey. Naging regular costumer ko siya at lagi ko nalang nakikitang malungkot ang mga mata niya noon kaya siguro nahulog ako sakanya.

Isang babaeng pamilyar ang lumapit sa Bar Station, hindi siya pamilyar dahil regular costumer siya dito dahil di naman talaga. Pamilyar siya dahil, siya yung teacher ni Julio na nakilala ko kaninang umaga.

"Hi, meron bang maiinum dyan na hindi agad ako malalasing?" Tanong niya.

"Ma'am?" Tumingin siya sakin at tila nagtataka sa tinawag ko sakanya. Di ba niya ko naaalala? "Uhm.. ako yung kasama kanina nung Papa ni Julio sa pag sundo sakanya."

"Oh!! Now i know kung bakit ka pamilyar, Hi."

"Hi." I said grinning. Parang kanina lang inaasar nila to sakin at ngayon nag pakita na naman siya, at mas maganda siya ngayon. Simple parin siyang tignan dahil sa plain white dress niya, at simple make up, ngayon mataas ang pagkakapusod niya sa buhok niya na nakadagdag sa ganda niya. She's simple but hot.

Inabutan ko siya ng beer. "Try that, mababa lang alcohol percent niyan."

"Okay, salamat."

"Who's with you?" I asked, curiously. "Sorry ha, pero wala kasi sa itsura mo na pumupunta ka sa mga Club." I added.

She chuckled. "Compliment ba yun?" She asked amused.

"Yah."

"Well kasi yung kaibigan ko hinila ako dito, alam mo na.. broken hearted kasi."

"Napilitan ka?" Natatawa kong tanong.

"Parang ganun na nga." She said laughing, softly. How does she manage to stay pretty when laughing? Woe!

His Secret AFFAIRTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon