Mr. Rodriguez

55.1K 1.5K 59
                                    

Amber-

Nang makarating ako ng Apartment ko, dumiretso ako ng kwarto ko at ibinagsak ang katawan ko sa kama ko.

Napagod ako hindi lang dahil sa trabaho, napagod ako dahil din sa mga nangyari kanina sa school, sa biglaang pag bisita ni Zooey at mga komprontasyon namin.

Kinuha ko yung cellphone ko at tinawagan si Majah, gusto ko ng kausap or pwedeng kainuman din.

"Hello, beb?" She answered it.

"Nasaan ka? Free ka ba ngayon? Gusto mong uminum?"

"May nangyari ba? Bakit gusto mong uminum?" Pagtataka niya.

"Wala lang, gusto ko lang uminum."

"Tss beb, sakin ka pa ba magsisinungaling? Ni hindi ka nga mayayang uminum kung di ka pipilitin tapos ngayon magyayaya ka? Nag break na ba kayo ni Damon?"

"No, hindi!" Hindi naman talaga eh. "Medyo may hindi lang pinagkakasunduan ngayon."

"Mmm.. okay, pupunta na ko dyan." Pag kasabi niya nun, ibinaba na niya yung tawag.

Dahil alam kong matatagalan pa bago siya makarating, i decided na bumili muna ng beer na iinumin namin sa isang store na malapit lang dito. Dahil biglaan lang tong pagyayaya ko kaya kailangan ko pang bumili ng alak.

Bumangon na ko ng kama, tinignan muna ang itsura sa salamin at nang maassured kong mukha pa naman akong tao kahit maga na yung mga mata kakaiyak, gora pa din.

Lumabas na ko ng kwarto bitbit lang ang wallet at susi ng kotse ko then naglakad na diretso palabas ng Apartment ko.

Bago ko pa man mabuksan ang kotse ko may isang magarang sasakyan ang huminto malapit sa kotse ko. May isang lalakeng bumaba sa kotseng yun at napaka pormal niyang manamit, ganun din ang tindig at itsura niya.

Nakatitig siya sakin na parang kilala niya ko samantalang ako walang idea kung sino siya. Nag bow siya sakin kaya ako parang nahawa sa ginawa niya at nag bow ng bahagya.

"Miss Amber Tuazon?" He formally asked confirming my name.

"Yah, ako yun."

"Mr. Rodriguez, wants to see you."

"Who?" I asked confused. Sino naman yun?

"Me!" Isang pang lalake ang bumaba sa magarang kotseng yun at di maiwasang mabigla na makita sa harap ko ngayon ang youngest billionaire ng bansa at the same time maguluhan. Anong kailang sakin ni Ian Rodriguez? Asawa ni Zooey.

"Sorry to bother you at this hour Miss Tuazon, may i talk to you in private?" He formally said.

"Alam kong mas busy ka pa sakin Mr. Rodriquez kaya di ko alam kung bakit gusto mo kong kausapin."

"I think alam mo kung bakit."

Yah, It's about his wife and my boyfriend.

"Okay, dun tayo sa loob." Nag lakad ako papunta sa Apartment at naramdaman ko ang pag sunod ni Mr. Rodriguez.

Sa pag pasok namin dumiretso kami sa sala at inofferan ko siyang umupo.

"Do you want water Mr. Rodriguez?" I offered formally.

"No, please seat." I do as i told. Hindi ako makapaniwalang may uupong Bilyonaryo sa couch ko. Medyo nakaka intimidate dahil, kilala siyang tao at talaga namang malakas ang tindig. Feeling ko siya yung tipong, hindi tumatangap ng pagkakamali.

He's handsome, more handsome in person that's why i don't understand kung bakit mas pinili ni Zooey na maghanap ng iba?

"So, anong paguusapan natin Mr. Rodriguez?" I started to ask kasi tahimik lang siya at nakatitig lang sakin.

"Base on your eyes, kakagaling mo lang sa pag iyak Ms. Tuazon."

"Pwede bang mag proceed nalang tayo sa totoong pakay mo Mr. Rodriguez?" I dryly said. Ano bang pakialam niya kung kakagaling ko lang sa pag iyak? Kung binantayan niya kasi sana yung asawa niya edi sana hindi ganito yung mata ko.

"Okay, this is about my wife and your boyfriend. We both know na nag karoon sila ng Affair ng asawa ko. I'm planning to file a case for both of them, pwede mo ba kong tulungan?"

"Ayoko!" I snapped. Nasaktan nga siguro ako ni Damon pero, hinding hindi ko siya hahayaang makulong dahil sa kabaliwan ng bruhang si Zooey.

"Why?"

"First, mahal ko si Damon. Second, Zooey said na hindi mo itutuloy yun dahil sa pride at reputation mo. So ano yun nag bago ka nalang ng isip? Hindi ko alam na pabago bago pala ng isip ang Youngest Billionaire ng bansa."

He smiles, amused. "You're very smart Ms. Tuazon." Anong ikinatalino ko sa sinabi ko?

"Okay, aaminin ko hindi talaga ako mag fi'file ng case.. its just a waste of time for me. Zooey and i were done, i gave the freedom she wants."

"Kung ganun ano pang kailangan mo sakin? Bakit mo inaksaya ang oras mo para lang kausapin ako?"

"I'm just curious about you, Zooey really hated you kasi mas pinipili ka nung lalake niya kesa sakanya. And now, i understand why."

"What do you mean?"

"You're beautiful Ms. Tuazon, really beautiful." He said staring deeply at my eyes, his stares makes me feel uncomfortable. Nakadagdag pa yung sinabi niya sa pagkailang ko.

"Can i ask a private question Mr. Rodriguez?" I asked avoiding his stares.

"Yah, sure!" He said shrugging.

"Anong ginagawa mo na nagiging dahilan para masaktan si Zooey at mag hanap siya ng iba?"

Napa sandal siya sa sandalan ng couch ko at nag cross legs. Tumitig siya sakin na tila iniisip kung sasagutin ba niya yung tanong ko o hindi habang hinahaplos ng kamay niya ang labi niya.

"Uh.. she can't gave me a child, i uh.. maybe laging nababangit yun kaya nasasaktan siya."

I chuckled bitterly. "Sorry to be rude Mr. Rodriguez pero.. di kaya naging selfish ka din sa asawa mo kasi imbes na damayan mo siya o intindihin na di ka niya mabigyan ng anak, ipinapa mukha mo pa yun?"

"Are you scolding me, Ms. Tuazon?" He asked amused.

"Yah, maybe." I frankly said.

He laughed, softly. "You are very interesting woman, Ms. Tuazon."

"Hindi ko alam kung bakit naisip mong interesting ako, isa lang naman akong preschool teacher."

He smiles. "Kaya ka nga siguro naging interesting dahil sa pagiging preschool teacher mo." He stands fixing his tuxedo.

"I have to go, i hope mag kita ulit tayo." He offered a hand shake.

I stand giving him the hand shake. "I'm not sure of that." Sabi ko habang hinihila ko yung kamay ko mula sa pagkaka shake hands namin pero ayaw niya yung bitawan.

"Why?"

"Ikaw na ang nag sabi, busy kang tao."

"I'm sure makakahanap ako ng time para sayo."

"Don't bother!" I dryly said.

Dahan dahan niyang inangat yung kamay ko papalapit sa labi niya at hinalikan ito ng hindi inaalis ang tingin sa mga mata ko. "I hope, this isn't a goodbye Ms. Tuazon."

"This is a goodbye Mr. Rodriguez."

He finally let go of my hand and just smiled, amusingly at me. "Hindi para sakin." Makahulugan niyang sabi. Pagkasabi niya nun nag lakad na siya palabas ng Apartment ko.

--

Shemay, nag enjoy ako sa POV ni Amber. Haha!

Keep voting babies.

His Secret AFFAIRTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon