Threaten

58.1K 1.5K 46
                                    

Kumakain na kami ng mahal ko ng breakfast, as expected ang sarap niyang mag luto tulad kung gaano siya kasarap mag mahal.

Alam ko ang korni nun pero di niyo ko masisisi dahil in love eh.

Hindi ko inaalis ang tingin ang sa pinaka magandang babaeng nakita ko at alam kong naiilang siya sa ginagawa kong to dahil halata yun sakanya.

Hinawi niya yung mukha ko dahil sa ilang pero binalik ko lang ulit ang tingin sakanya.

"Damon mag focus ka nga sa kinakain mo." Utos niya.

"Mas gusto kong mag focus sayo."

"Di ka mabubusog ng kakatitig sakin."

"Nabubusog naman sa pagmamahal mo eh."

She laughed. "Ang korni na!"

"In love lang." Inilapit ko yung labi ko sa labi niya at hinalikan siya sa labi ng hindi naman ganun katagal pero di rin naman ganun kabilis.

She pushes my chest. "Ano ba, kumakain tayo." Pagpapaalala niya.

I grin. "Busog pa naman ako eh, kaya maglalambing nalang muna ako."

"Well, ako gutom kaya behave muna!"

"Sige." Ipinatong ko yung braso ko sa sandalan ng upuan niya at tinitigan nalang ulit siya. Sabi niya behave muna edi titig nalang muna ako sakanya ng behave lang.

"Damon! Di ako makakain." She scolded.

"Bakit wala naman akong ginagawa ah?" Painosente kong tanong.

"Nakakatitig ka!"

I laughed. "Okay, eto na mag bebehave na po." Tumingin nalang ako sa pag kain kong hindi pa nangangalahati dahil mas inuuna kong mangulit sa future wife ko kesa ang kumain. Masaya akong pumayag na siya sakin mag pakasal, kasi sa totoo lang akala ko tatangi siya lalo na't kagabi lang biglang sumulpot na naman si Zooey at nang gulo.

Natutuwa ako at naeexcite sa ideang magiging Mrs. Lawrence ko na siya, pero bago yun syempre diba kailangan ng singsing? Meron naman na ko nun nasa office ko nga lang.

"My Angel.." I called her.

"Hmm?" She just hummed, chewing.

"Pwede mo ba kong samahan sa Club ngayon? Mag iinventory lang ako."

"Okay." She said chewing then nag focus ulit siya sa pagkain.

"Takaw."

She glared, sweetly. "I heard you." Ngumiti nalang ako para hindi mag tampo, mamaya kasi biglang nag tampo eh. Haha! Ang mga babae pa naman bigla bigla nalang nag babago ang mood.

Sinabayan ko nalang siyang kumain para makapunta na kami ng Club. Totoong mag iinventory ako dahil yun dapat ang gagawin ko kagabi kaya lang di nga ako nakapasok dahil inakit ako ng mahal ko. Haha!

Pero isasabay ko nalang din ang pag bibigay nung singsing sakanya, mamaya.

Nang matapos naman kaming kumain, pinauna na niya akong mag shower kasi daw mag huhugas muna siya.

Pumunta na ko ng kwarto ko para makapag shower na. Kinuha ko lang yung towel ko then nag lakad na ko papasok ng bathroom.

Nang matapos naman akong maligo nakita ko si Amber na nakaupo sa kama ko na kahit walang ginagawa at nakaupo lang talaga namang napakaganda.

Tumayo siya nang makita ako. "Bakit?" Tanong niya.

"Ha?" I asked confused.

"Bakit ka nakatitig?"

"Ang ganda mo lang kasi talaga." Nag lakad siya papalapit sakin habang nakangiti.

"Magpapakasal na nga ko sayo, nangbobola ka pa."

I chuckled. "Nag sasabi lang ako ng totoo my Angel." Niyakap ko siya pagkalapit niya sakin.

"Thank you dahil pumayag kang magpakasal sakin." I whispered.

"Ikaw lang yung taong gusto kong pakasalan." Napangiti ako sa narinig ko kaya niyakap ko siya ng mahigpit at hinalikan siya sa balikat niya.

Bumitaw ako sa pagkakayakap sakanya at hinawakan siya sa magkabilang pisnge. Hinalikan ko siya sa noo niya tsaka ako tumingin sa magaganda niyang mga mata.

"Mag shower ka na para makaalis na tayo." Hindi ko na rin kasi mahintay na maisuot sakanya yung singsing na binigay ko eh.

"Okay." Pagsangayon niya. Nag lakad na siya papasok ng bathroom habang ako naman nag bihis nalang muna.

Dahil mag iinventory lang naman ako kaya nag sout lang ako ng polo shirt at pants. Nang matapos akong mag bihis narinig kong nag ring yung cellphone ko. Kinuha ko yun at Unknown Number ang tumatawag..

"Hello?" I answered it. Walang sumagot sa kanilang linya kaya nag salita ulit ako. "Hello? Sino to?"

"May i speak to Ms. Tuazon?" Boses yun ng isang lalake at ngayon alam ko na kung sino siya.. si Ian. Akala niya siguro number to ni Amber kaya dito siya tumawag.

"Si Damon to, nag shashower siya at wala akong planong ipakausap sayo yung fiance ko." I rudely said.

"Fiance?"

"Yes Fiance, ikakasal na kami kaya tigilan mo na ang pagpapadala ng libro sakanya dahil di naman niya kailangan yun."

I heard him chuckled. "Are you threaten?"

"Threaten with who?"

"Threaten with me, natatakot ka bang maagaw ko sayo si Amber kaya minadali mong mag proposed sakanya?"

I chuckled sarcastically. "Dude, pakakasalan ko siya hindi dahil natatakot akong maagaw mo siya sakin kundi dahil mahal ko siya at di naman ako nangangamba na iiwan niya ko para lang sayo dahil mahal niya ko."

"Sige mukhang confident ka naman dyan sa sagot mo pero kahit fiance mo na siya di parin ako titigil." Pagkasabi niya nun binaba na niya yung tawag dahil sa sobrang inis ko sa sinabi niya binato ko sa kama ko yung cellphone ko.

Bwiset talaga! Kundi hindi si Zooey ang nanggugulo si Ian naman. Wala sana ako sa sitwastong to kung di lang ako nag pakabaliw kay Zooey eh. Bwiset talaga! Tama sila, nasa huli ang pagsisisi.

"Damon, ayos ka lang?" I heard my girlfriend said. Humarap ako sakanya at huminga ng malalim.

"Oo." Matipid kong sabi.

"May nangyari ba?" Tanong niya habang naglalakad papalapit sakin.

"Tumawag lang si Ian at di ko magustuhan yung sinabi niyang hindi ka niya titigilan kahit ikakasal na tayo."

"I see." Umupo siya sa kama at biglang sumeryoso yung mukha.

"Anong iniisip mo?" Tanong ko.

"Hindi pa tayo kasal pero may nangugulo na." She said helpless. Shit!

Umupo ako sa tabi niya at hinawakan ang kamay niya. "Kahit mangulo pa sila hindi magbabago ang desisyon kong pakasalan ka, sana ganun ka din."

"Hindi, never magbabago ang isip ko." She reassured.

Hinalikan ko yung kamay niya. "Maayos din ang lahat my Angel." Sana nga.

--

Keep voting.


His Secret AFFAIRTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon