Sing

66K 1.6K 17
                                    

Paano ko kaya siya makakausap niyan? Kung surrounded siya ng mga guardians ng bata habang kasabay niyang kumakain ang mga ito.

Ang tanong gusto ba niya kong makausap? Pagkatapos kong umiwas.

Umupo sa same table ko yung mag asawa na halatang pagod na sa party ng anak nila. "Nasaan pala sila Tita?" Tanong ko sakanila. Kasi naman wala silang family member dito.

"Wala, sa Sunday pa nilang planong pumunta. Weekday kasi ngayon eh." Luisa explained. Kung sabagay, tama siya.

"Di ba pwedeng uminum na?" Tanong ko ulit.

Sinamaan ako ng tingin ni Luisa. "Mamaya na!" She strictly said.

"Pagbigyan mo na babe, baka magiipon na yan ng lakas para makausap si Ma'am Amber." Justin jokes. Paano niya nalaman?

"Manahimik ka nalang, pare!"

"Bakit? Kailan ka pa naging torpe?" Luisa asked.

"Manahimik na nga lang kayo!" Inis kong sabi na dahilan para tumawa sila.  Siguradong hindi titigil tong nga to sa oang titrip sakin.

Napahinto sila sa pagtawa ng lumapit si Amber at magtanong. "Pwedeng malaman kung nasaan ang c.r?" Nakatitig lang ako at ineenjoy ang kagandahan niya sakanya habang siya dedma padin. Naramdaman ko ang palihim na pagsipa sakin di ko alam kung si Luisa yun o si Justin. Kung sino man yun alam kong gusto niyang iparating.

"Sasamahan na kita." I offer. Sa wakas tumingin din siya sakin. "Kabisado ko tong bahay, madalas ako dito eh." I added, smiling.

"Hindi na, salamat." Ouch! Rejected ako!

Halatang nag pigil ng tawa si Justin kaya palihim kong siyang sinipa.

"Ouch!" Luisa groans. Ooppss! Siya yung tinamaan. "Sino sainyo yun?" She asked both me and Justin. Nagkatinginan kami ni Justin at nakakaramdam na kami ng kaba dahil sa galit ni Luisa, ng re'wrestling pa naman to pag galit.

"Siya!" Sabay naming sabi at tinuro yung isat isa.

"Babe, kilala mo ko di kita magagawang saktan." Paglalambing niya sa asawa niya. Tumingin sakin ng masama si Luisa.

"Lulu kilala mo ko, takot ko lang sayo." I said raising my hands sign of my fake giving up. Pareho niya kaming piningot dalawa kaya useless ang pagpapacute naming dalawa sakanya.

"Pasensya ka na Ma'am, samahan na kita." Luisa said to Amber. She just nods to her. Nag simula na silang maglakad papasok sa bahay.

"Pare rejected ka!" Natatawang sabi ni Justin. Oo na! Oo na! Pagsigawan mo pa!

Huminto na sa pag Mamagic kuno yung Magician kaya yung mga bata parang nagkanya kanya na ng laro.

Lumapit samin si Julio na may spaghetti sauce pa sa labi. Pinunasan naman agad yun ni Justin. "Ninong kanta tayo!" Request nung bata.

"Ano namang kakantahin natin?" Natatawa kong tanong.

"Baby ni Justin Berbir." Justin and i laughed kasi di niya nabangit ng maayos yung Bieber.

"Bakit yun?" Tanong ko.

"Kinakanta kasi namin lagi yun." Justin explained.

"Oo ba sige, si Papa mo maggigitara tapos tayo kakanta. Okay ba yun?" Tanong ko sakanya. He nods smiling.

"Kukunin ko lang yung gitara." Justin said. Aakma na sana siya para tumayo pero pinigilan ko.

"Ako na pare, nasa kwarto ba ni Julio?" Tanong ko. He just nods to me. Tumayo na ko at naglakad papasok ng bahay tsaka ko naman nasalubong si Amber at Luisa.

"Saan ka pupunta?" Tanong ni Luisa.

"Uhm.. kukunin ko yung gitara, nag request na kumanta kami yung anak mo eh."

"Hulaan ko, Baby ni Justin Bieber nu?!"

"Yup."

"I knew it, sabi niya kasi magpapasikat daw siya kay Teacher." Kaya naman pala. Ngumiti ng bahagya si Amber sa narinig, kaya di ko maiwasang mahawa at ngumiti.

"Ako na ang kukuha." Luisa said. Bago pa ko makapag salita iniwan na niya kami ni Amber. Kaya di ko maiwasang makaramdam ng awkwardness sa paligid namin. Aakma na sana siya sa paglalakad para iwan ako ero hinawakan ko siya sa braso para pigilan.

"Can we talk?" I asked.

"Ano namang paguusapan natin Mr. Lawrence?" She asked. I sighed. Galit nga siya.

"Sorry kung hindi kita-" hindi ko tapos yung sasabihin ko dahil hinila niya yung braso niya.

"Pupunta na kong garden." She said without looking at me. Hinayaan ko na siya since galit naman siya at mukhang wala talaga siya sa mood na makausap ako. Sayang kasi akala ko makakusap ko na siya.

Dumating din si Luisa bitbit yung gitara tsaka kami sabay pumunta ng garden para masimulan na yung request ni Julio na kumanta. Pumunta kaming tatlo sa gitna para masimulan ang pagkanta.

May hawak kaming dalawa ni Julio na microphone, habang si Justin yung gitara. "Ready?" Justin asked us. Tumango si Julio sakanya at halatang excited.

Sinimulan na ni Justin ang pag gigitara habang sinasabayan ng palakpak ni Luisa. Tumingin ako kay Amber na sumasabay sa pagclap ng hands tulad ni Luisa habang nakatingin kay Julio. Sana naman tumingin din siya sakin.

Nag start na kami ni Julio sa pagkanta ni Justin Bieber na Baby. Naenjoy ng lahat yung pagkanta namin, pero mas enjoy yun ni Julio. The whole time sa pagkanta namin nakatingin lang ako kay Amber kasi naman nakangiti siya, kaya di ko maiwasang humanga sa view.

Napaka ganda niya talaga.

"Pare, gitarahin mo nga yung Ipagpatawad mo.." Bulong ko kay Justin. Nag thumbs up lang siya at nginitian ako ng nakakaloko.

"Julio, kakanta pa ko ayos lang ba?" Tanong ko sa bata. He just nods, smiling. Ginulo ko yung buhok niya at ngumiti din sakanya.

Tumingin ako kay Justin bilang hudyat ng pag gigitara niya. Tumingin ako ng diretso sa mga mata ni Amber na nakatingin din sakin finally, tsaka ko sinimulan ang pagkanta.

Ipagpatawad mo, aking kapangahasan.
Binibi ko, sanay maintindihan.
Alam kong kailan lang tayo nagkatagpo.
Pero parang sayo ayaw ng lumayo.
Ipagpatawad mo ako ma'y naguguluhan.

Di ka masisi, na ako ay pagtakhan.
Di na dapat ako pagtiwalaan.
Alam kong kailan lang tayo nagkatagpo pero parang sayo ayaw ng lumayo.

Ipagpatawad mo minahal kita agad.

Haa.. minahal kita agad.
Haa.. minahal kita agad.
Ipagpatawad mo.

--

A/N:

Di ko alam kung tama ang lyrics sa kantang nilagay ko so kung mali po.. pakiintindi nalang haha. Di na ko nag search eh. Anyways, salamat sa pag basa..

Vote na din po kung bet niyo.

my_love_story.

His Secret AFFAIRTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon