Television

72.3K 1.7K 11
                                    

Amber-

Pauwi na mula sa klase ang mga makukulit at energetic kong studyante nakakawala talaga ng pagod ang mga bata kahit makukulit sila siguro ganun talaga ang epekto pag mahilig ka sa bata.

"Ma'am, pwede po ba kayong makausap." Mrs. Sebastian said.

"Oo naman po, ano po bang maiptutulong ko? May problema ba si Julio?" Tanong ko.

"Wala naman. Birthday kasi bukas ng anak ko at inimbitahan namin yung mga classmates ni Julio at nahihiya mang ipasabi ng anak ko pero alam kong gusto ka niyang imbitahan. Ayos lang po bang pumunta ka?"

"Uh.. oo naman, sige."

"Salamat Ma'am." She said smiling. I just smiled back. Pinanuod ko nalang siyang lumabas ng classroom.

Umupo ako sa table ko at pinagmasdan ang kalat ng mga studyante ko.

Kung pupunta ako sa birthday ni Julio bukas ibig sabihin makikita ko si Damon dahil kaibigan to ng mga magulang ni Julio.

It's been two days since Damon invited me on a coffee. But still there's no texts or calls from him. I wonder kung bakit pa niya ko pinuntahan sa school para lang kunin yung number ko kung hindi din naman niya ko kokontakin. May nagawa kaya ako kaya di niya ko tinitext?

Hindi ko alam kung bakit  disappointed ako sa di niya pag kontak sakin. Haaay!

Siguro dahil talagang may epekto siya sakin. I don't know pero nung makausap ko siya sa Club parang ang gaan na nung pakiramdam ko sakanya hindi dahil sa gwapo siya kundi dahil ang sarap niyang kausap. Nakadagdag nalang siguro yung kagwapuhan niya na sa totoo lang nung unang beses ko palang siyang makita aminado na ko na gwapuhan ako sakanya.

Nakarinig ako ng katok mula sa labas ng classroom. Tumingin ako sa pinto at nakita ko ang kaibigan kong pumasok. "Ang lalim ata ng iniisip mo at nakatingin ka sa kawalan." Majah said.

"Pagod lang." I lied. "What brought you here?" I asked.

Kumuha siya ng upuan at excited na ipinwesto ito sa tapat ng table ko tsaka umupo. "Diba nakainuman ko Mario?" Tanong niya. Tumango lang ako sakanya. Saan naman kaya papunta to?
"He asked me on a date." Excited niyang sabi.

"Wow, tinalo mo pa si Taylor Swift sa pag momove on." Pagbibiro ko. "Sa pagkakantanda ko wala pang isang lingo nung maghiwalay kayo nung ex mo."

She rolled her eyes. "Alam mo kung madali niya lang akong pinagpalit, ganun din ako nu! Akala ba niya kawalan siya? Hindi kaya!" She bitterly said.

"Advice lang beb, kahit na alam kong hindi mo rin naman papakingan sasabihin ko padin. Kung seryoso ka kay Mario push mo yan, pero kung hindi itigil mo na. Tandaan mo kaibigan natin siya."

"Seryoso ako sakanya beb, don't worry." She winks playfully. "Eh ikaw ba? Don't tell me, wala kang napala dun sa Damon ba yun?"

"Oo si Damon nga. Ewan ko, hiningi niya number ko pero di naman niya ko kinokontak."

"Ay beb, tigilan mo na yan. He's not into you."

"He's not into me?? Eh bakit pa siya pumunta dito sa school para hingiin lang ulit yung number ko at yayayain akong mag coffee." Di ko maiwasang mainis.

"Woe!! Bakit nakakaramdam ako ng disappointment sayo?" She asked smirking.

"I don't know either."

"You like him." She said pointing me, wearing a smirks on her face.

"No!" I snapped.

"Yes!" She snapped back.

I chuckled weakly. "That's insane, paano naman ako magkakagusto sa isang lalake na dalawang araw ko palang nakilala o nakausap."

"I don't know, ikaw lang makakasagot niyan dahil ikaw ang nakasama niya."

"Kalokohan yan." Tumayo ako at sinimulan ang paglilinis. Paano naman ako magkakagusto ng ganun kabilis? Samantalang dati yung mga nanliligaw sakin inaabot na sila ng buwan parang wala lang sakin tapos si Damon two days lang meron na agad? Kalokohan!!

"What are you doing?" She asked.

"Cleaning."

"Oh.. i thought avoiding the topic."

I roll my eyes. "Can you just help me, please?!!" Irita kong sabi.

"Yes, sure." Minsan talaga di ko alam kung bakit kaibigan ko tong babaeng to, nakakaloka siya.

Natapos kami ng mabilis sa paglilinis salamat sa tulong niya. Niyaya niya kong kumain bago umuwi kaya hindi ko na tinangihan kasi wala naman akong kasabay kumain.

Pumunta lang kami sa malapit na kainan sa school at dun kami nag simulang kumain.

"Swerte naman ng asawa ni Ian Rodriguez." Maj said chewing looking at the television.

"Sino?" Tanong ko.

"Ni Ian Rodriguez, yung nasa tv." She said pointing the television using her lips. Tumingin na din ako sa t.v at bibabalita ang bagong pagbubukas ng isang Oil company under CEO Ian Carlos Rodriguez.

"Kilala mo siya?" Tanong ko.

"Yes." I look at her in shocked. For real??

"Biro lang syempre, hindi nu! Kita mong napanuod ko lang siya ngayon sa t.v, nasabi ko lang na maswerte asawa niya kasi naman ang yaman niya at gwapo pa. Buti di sumasakit ulo ng asawa niya sa ganyan kagwapong asawa."

I roll my eyes. "Problema na ng asawa niya yun."

"Siguro maganda din asawa niya."

She shrugged. "Siguro." Gwapo siya kaya malamang maganda yung asawa niya.

Natapos din kami sa wakas kumain, medyo madami akong nakain maliban sa masarap yung pagkain masarap din talagang may kasabay kumain lalo na at may kakwentuhan ka kahit mga walang kwentang bagay lang. Basta talaga si Majah ang kasama ko at kakwentuhan ko kung ano ano nalang ang napaguusapan namin.

Pero di ko padin maiwasang lumipad ang isip ko kay Damon.

--

A/N:

Hi please votes. :)

my_love_letter

His Secret AFFAIRTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon