Sick

63.7K 1.3K 36
                                    

Tumayo ako mula sa pagkakahiga at nag bihis habang natutulog pa siya tsaka ako lumabas ng kwarto para ipagpatuloy yung pagiinum ko bago pa siya dumating.

Kinuha ko din yung cellphone ko para makita kung may text mula kay Amber at di nga ko nagkamali meron nga.

*** Nakauwi na ko. ***

Even in a just simple text, she makes me smile.

Bakit ganito ang tama sakin ni Amber? Para akong nababaliw na sa tuwing maaalala lang siya ngumingiti na ko.

Naramdaman ko pagyakap ni Zooey sa likod at hinalikan ako sa pisnge. "Sino yang katext mo?" Tanong niya.

Itinabi ko nalang yung cellphone ko. "Wala lang yun, gutom ka ba?" Pagbabago ko ng topic. She shakes her head.

Pinanuod ko lang siyang kumuha ng baso at nilagyan din ito ng brandy tsaka siya umupo sa tabi ko. "Siya ba yung kasama mo sa coffee shop?" Tanong niya.

Hindi lang ako sumagot at uminum lang ng alak. "She's pretty, are you dating her?" She asked again.

Hindi ulit ako sumagot kasi totoo lang hindi ko din alam ang isasagot. Hindi ko din alam kung bakit pa namin to pinaguusapan.

"Do you like her?" She seriously asked.

"What if i do?" I asked back, looking straight at her eyes.

Hinawakan niya yung kamay ko at ipinaglapat niya yung mga palad namin.

"Ayos lang sakin ang magpakita ka ng interest sa ibang babae, Damon. Alam ko kasing nahihirapan ka na sa sitwasyon natin at alam kong unfair na sayo ang lahat. Pero sana hanggang interest lang ang mabigay mo sakanya, madamot na kung madamot Damon pero gusto ko ako lang mahal mo. Sinabi ko na sayo to noon, ikaw lang ang nagparamdam sakin ng pagmamahal at ayaw kong mawala yun."

Interest? Interest nga lang ba tong nararamdaman ko kay Amber? Interesado lang ba kong makita lagi ang mga ngiti niyang nagbibigay ngiti din sakin? Interesado nga lang ba ako sa ganda niya? Interesado lang ba akong kausap siya?? Hindi ko alam, maski ako hindi ko alam ang sagot.

"Do you still love me?" She asked.

"Yes." Mahina kong sabi. Do i? If i really do.. bakit ganito ang epekto ni Amber sakin? "Bakit di mo nalang kasi iwan ang asawa mo kung hindi ka naman niya mahal?" Tanong ko.

"Alam mong hindi pwede."

"So, ano hahayaan mo nalang saktan ka niya?"

"Let's not talk about it."

"Zooey!" I snapped.

"Damon!" She snapped back, glaring at me.

"Bakit kasi di ka na mamile saming dalawa?"

"Bullshit!!" She stands in frustration. "Alam mong wala akong pipiliin! Kung paguusapan lang na naman nating tong walang kwentang bagay na to, uuwi nalang ako!"

Nag simula na siyang maglakad papunta sa kwarto at halatang halatang inis sa sinabi ko. Lagi naman eh. Lagi siyang nagagalit kapag binibring up ko ang usapan na mamili siya, ang sakit lang kasi alam kong kaya di niya ko sinasagot ay dahil hindi ako ang pipiliin niya.

Ano ba naman kasi ang maibibigay ko sakanya? Eh ang maipagmamalaki ko lang naman yung Club ko. Yung asawa niya.. kayang ibigay ang lahat sakanya ang kahit anong gusto niya. Ako.. wala! Anong laban ng isang Damon Lawrence sa Billionaire na si Ian Rodriguez?

Hindi na siya nag abala pang magpaalam sakin basta bigla nalang siyang umalis pagkabihis niya. Sanay na ko sa mga biglaan niyang pagalis pero, nakakainis padin talaga.

Pumunta nalang ako ng kwarto ko at ibinagsak ang katawan ko sa kama ko. Ayaw kong magisip, ayaw kong mag isip dahil nasasaktan lang ako.

I stared at my ceiling trying to avoid Zooey on my head. Si Amber nalang ang iisipin ko dahil pag naiisip ko siya napapangiti ako at nawawala lahat ng pagkacomplicated ng buhay ko.

Then naramdaman ko ang antok sa paglipas ng oras.

Nagising ako at base sa diwa ko malapit ng mag tanghali dahil ganung oras niya ko ginigising. Gustuhin ko mang tumayo nanghihina ang katawan ko, masakit din ang ulo ko at tingin ko masama pakiramdam ko.

Shit!!

Bakit ngayon pa? Kung kailan makikita ko ang babaeng nag papangiti sakin. Sinubukan kong tumayo pero bwiset na katawan yan ayaw makisama.

Kinapa ko nalang yung cellphone ko sa side table ko at tinext si Amber..

*** Hi, i can't make it today. Masama kasi yung pakiramdam ko. ***

Itinabi ko nalang ulit yung cellphone ko at nagkumot nalang para makapag pahinga pa, susubukan kong pumasok padin mamayang gabi sa trabaho dahil di ko yun naasikaso kagabi.

Tsaka ko pinikit ang mga mata at luckily naramdaman ko ang antok.

Naramdaman ko ang isang maligamgam na bimpo ang tumatama sa noo, minulat ko yung mga mata ko at napaupo ako sa gulat ng makita ako ng angel.

Nananaginip ba ko? Panaginip ba to? Bakit may angel sa kwarto ko? Kukunin na ba ko Lord? Masyado na ba kong makasalanan?

"Ayos ka lang?" She asked, that angel speaks. Shit! She speaks. I blink rapidly at her. "Damon ako to si Amber." She speaks again.

"Amber?"

"Yes, ako nga." She said nodding.

"Akala ko angel."

"What?" She asked laughing, amused at the same time. Why is she laughing? I'm serious.

"Yah, you're really sick." Kinuha niya yung bimpo at pinahiga ulit ako tsaka inilagay ulit yung maligamgam na bimpo sa noo ko.

"Paano ka nakapasok?" Tanong ko.

"Pinahiram sakin ni Mrs. Sebastian yung duplicate ng susi mo sakanila. Sinabi ko kasing nagtext ka sakin na masama ang pakiramdam mo kaya nagoffer akong bisitahin ka at yun nga, pinahiram niya sakin yung susi." Paano niya nagagawang mag explain ng hindi nawawala yung kagandahan niya? Langya, may sakit nga ko. Kung ano ano ng pumapasok sa isip ko.

"Kumain ka na?" She asked. I shake my head. "Magluluto lang ako, tapos uminum ka ng gamot. Magpahinga ka muna dyan, pupunta nalang ako dito pagkatapos kong magluto." I just nodded.

"Pero bago yun, pwedeng makahiram ng Tshirt kasi natapunan ako ng shake nung papunta ako dito." She added. Dahil sa sinabi niya napatingin ako sa suot niya, mukha nga siyang gusgusin dahil sa dumi ng damit niya. Pero magandang gusgusin padin.

"I'll get you." Aakma sana akong tumayo pero pinigilan niya ko.

"No, ako na. Magpahinga ka lang dyan." Pinanuod ko lang siyang pumunta sa closet ko at nangmakakuha siya ng Grey T-shirt, ngumiti siya sakin na dahilan para ngumiti din ako.

His Secret AFFAIRTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon