Wall

56K 1.5K 19
                                    

Amber-

Hinatid ko na si Luisa at Julio sa bahay nila pagkatapos ng lunch namin. Nakatulog na din kasi si Julio dahil sa kabusugan niya eh.

Nang makarating kami, lahat kami bumaba sa kotse para kasi maalalayan namin si Luisa sa tulog niyang anak.

Kinarga niya to at humarap samin. "Gusto niyo munang pumasok?" She asked.

"Hindi na baka hinihintay na ko ni Damon." I said.

"Ang sabihin mo gusto mo lang na makasama na boyfriend mo." Majah said making Luisa laughed softly.

"Tumahimik ka nga Maj."

"Salamat at sinama niyo ko sa bonding niyo ah, sana maulit." Luisa said laughing, softly.

"Oo naman." Me and Maj answered. Bumeso lang kami sakanya tsaka sumakay na ulit ng kotse ko para masimulan na ang byahe pabalik ng school kasi nandun yung kotse ni Majah.

Masaya akong nagsundo agad si Majah at Luisa, nagbigay pa nga ng advice si Luisa kay Majah about dating a friend eh. Paano kasi naikwento ni Majah kanina sa lunch namin ang about sakanila ni Mario na kaibigan din namin.

Since Luisa married her friend, kaya siya ang nagbigay ng advice. Siguro yun ang pinagkapareho nila, pareho silang na fall sa kaibigan or pwede ding may similarities din sila sa ugali kaya nag click sila.

"Next time ulit ah!" Majah said pagkadating namin ng school.

"Okay no prob, text mo lang ako. Alam mo naman, may boyfriend na ko kaya di na ko nakakapagyaya."

"Ikaw na bonga ang lovelife." She teases making us laughed. Bumeso lang siya sakin tsaka siya bumaba ng kotse ko. Sinimulan ko din naman agad yung pagmamaneho para makasama na si Damon, feeling ko ang haba ng araw na to kaya gusto ko ng makita ang boyfriend ko at mayakap siya. Feeling ko nga miss ko na siya eh, samantalang mag kasama lang namin kami kanina. Haha!

Just like what he told me, itext ko siya pag pauwi na ko..

** Pauwi na po ako. Muah! I love you. **

Nag focus na ulit ako sa pagmamaneho, hanggang finally makarating ako sa Apartment ko.

Bumaba ako ng kotse at pumasok sa Apartment. Pag bukas na pag bukas ko palang ng pinto, si Damon na agad ang sumalubong sakin at pabuhat akong niyakap. Nang ibaba niya ko, hinalikan naman agad niya ako sa labi.

"I miss you my Angel." He said after niya kong halikan.

"I miss you too."

"How's your lunch with your friend?" Tanong niya habang kinukuha yung bag ko.

Nag simula kaming mag lakad papunta ng sala. "Masaya, kasama namin sa lunch si Julio at Luisa."

"Talaga?"

"Yup, mag kasundong magkasundo pa nga sila ni Majah eh."

He laughed. "Mabuti naman at mabilis nagkasundo yung mga kaibigan natin."

"Oo nga. By the way, nakita din namin si Zooey kanina."

His smiles slowly fades. "T'talaga? May sinabi ba siya?"

"Mmm.. wala naman, kinamusta ka lang."

"I see." Bigla na naman siyang sumeryoso.

"Ayos ka lang?" Tanong ko at hinawakan ang kamay niya.

Huminga siya ng malalim. "Amber, ayos lang bang layuan mo nalang si Zooey?"

"Bakit naman?" Pagtataka ko. Pinsan niya yun diba? Bakit niya pinapaiwasan sakin yun?

"Basta, gawin mo nalang mag tiwala ka sakin para satin yun." Inilapat niya yung mga kamay ko sa pisnge niya tsaka tumitig sa mga mata ko. Hindi ko talaga maintindihan, bakit ayaw niyang sabihin sakin? May problema ba kay Zooey? Kung iisipin pati si Luisa ayaw dun sa pinsan niya. Mmm.. bakit kaya?

"May tiwala ako sayo Damon. Sana lang pati ikaw may tiwala sakin."

"May tiwala ako sayo, bakit mo naman nasabi yan?"

"May wall sayo Damon, may bagay na parang pumipigil sayong sabihin sakin ang lahat or kung ano man yun. Nararamdaman ko yun, sana lang ipagkatiwala mo sakin yun. Mahal kita, kaya kung ano man ang bagay na pumipigil sayong mas lalo pang maging bukas sakin, sana mawala na yun."

"I'm sorry, hindi ko alam na may ganyan ka palang nararamdaman."

"Ayos lang, siguro dahil medyo bago pa tayo kaya may wall pa sayo."

"I'll try to be more open."

I smiled. "Thank you for trying." I pulled his face, for me to kiss his lips. He response at my kiss, slowly laying me on my couch.

"I love you Amber."

"I love you too, Damon."

He kisses me again, but this time hindi nag tagal ang kiss na to dahil narinig naming nag ring yung cellphone ko. Umayos kami sa pagkakaupo at siya na ang kumuha ng cellphone para sakin.

As i looked at the screen, number sa bahay nila Mama ang nakita ko. Sinagot ko naman agad ito.

"Hello po?"

"Anak, malapit na ang fiesta dito samin. Siguro naman bibisita ka?" Boses yun ni Mama na may halong pagtatampo. For sure namimiss na ko nito.

"Oo naman Ma, bibisita ako. Pwede ko ba namang palampasin yun?"

"Mabuti naman, may isasama ka ba na boyfriend? Naku sana naman meron na, natatakot na kami para sayo baka tumanda kang dalaga."

"Grabe ka naman Ma, syempre ano uh.. may isasama ako." Tumingin ako kay Damon, na nakatitig lang din sakin. Sasama ba siya? Yung ang tanong.

"Talaga? May boyfriend ka na? Sa wakas!"

I chuckled. "Tatanungin ko pa siya kung sasama siya, busy rin kasi yun sa business niya eh."

"Okay, pero sana mapilit mo siya."

"Uh.. opo, subukan ko."

"Sige, ibababa ko na to para makausap mo na boyfriend mo."

"Opo, bye Ma. Love you."

"I love you too, hija." She ended the call.

I face my boyfriend and huminga ako ng malalim. I was about to ask him kung sasama ba siya sakin di ko na nagawa dahil nakapag salita na siya.

"Oo sasama ako."

"Di pa nga ako nagtatanong may sagot ka na?" I said laughing softly.

He grins. "Ganun talaga, ano bang meron?"

"Uh.. fiesta. It means, pupunta ang mga iba pa naming kapamilya, parang mini reunion nadin. Sure ka bang sasama ka? Kasi for sure makikilala mo na mga angkan ko."

"Oo naman sasama padin ako, gusto ko ng makilala buong angkan mo." Laking ngiti niyang sabi kaya di ko maiwasang matawa.

--

Keep voting. ☆

His Secret AFFAIRTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon