Narating namin ang Apartment niya ng siya ang nagmaneho. Kahit di ako ang nagmaneho atleast feeling ko nahatid ko siya dahil kasama niya ko.
Pinatay niya yung engine ng kotse tsaka tumingin sakin. "Kaya mo pa bang pauwi?" She asked.
"Kaya ko." I reassured.
She sighed. "Sa Apartment ka na kaya muna mag palipas ng gabi? Hindi ako mapapakali nito pag hinayaan kitang mag taxi lang pauwi." It means, she cares.
"Well kung hindi pa ko gaanong nakakaistorbo, bakit hindi?" Di ko tatangihan yun dahil alam kong makakasama ko pa siya.
"Hindi nu." Sabay kaming bumaba ng kotse ko at naglakad papunta sa pinto ng Apartment niya. Kinuha niya lang yung susi niya tsaka kami pumasok.
Her house is simple, like her. Simple but beautiful.
Dumiretso kami sa sala niya at pinaupo ako. "Dito ka muna, mag sha'shower lang ako." I just nodded my head. Naglakad siya papunta sa tingin ko ay kwarto niya.
Tumingin ako sa paligid ng Apartment niya, hmm.. wala kaya siyang kasama sa dito? Di kaya delikado yun kasi babae siya? Di lang basta babae, napaka gandang babae. Dapat nag sama manlang siya ng isang kamaganak dito o kaya kaibigan para safe.
Lagpas kalahating oras din ata akong nag hintay sa sala nang finally lumabas siya sa kwarto ng naka pajama dress na. Bagay sakanya yung suot baby blue pajama dress lalo siyang nag mukhang matangkad dahil sa hanggang legs lang ito. Wow! May araw bang hindi siya maganda? Matyetyempuhan ko kaya yun? Mukhang imposible dahil lagi siyang maganda sa paningin ko.
She cleared her throat, making me look at her eyes. "Pasok ka." Ohh!! Ibig bang sabihin nun tabi kami? Kasi malamang kwarto niya yun. Hindi na ko nag hesitate na pumasok sa kwarto kasi chance ko na yun, pero nadismaya ako dahil may hinanda siyang higaan sa sahig.
"Since may sakit ka, dun ka na sa kama. Ako na sa sahig." She said.
"Ako nalang sa sahig, ako yung lalake eh."
"Damon, isinasalugar ang pagiging gentleman may sinat ka at malamig sa sahig, baka lalo ka lang lagnatin."
"Edi baka ikaw naman ang magkasakit."
"Don't worry about me." She reassured.
"Tabi nalang kaya tayo?" Okay alam kong alam niyang pumaparaan ako pero wala namang masamang subukan, baka din pumayag siya.
"No! Sige na, dun ka na kama." Eh hindi siya pumayag, sayang!
Wala na kong nagawa kundi sumunod, pumwesto na ko sa kama habang siya naman sa sahig. Haay, sayang talaga akala ko makakatabi ko na siya. Kung sabagay hindi naman kasi kami kaya bat naman siya papayag na tumabi sakin?
Hindi ko alam kung bakit di ako dinadalaw ng antok, siguro dahil puro tulog ako kanina at siguro dahil nasa kwarto ako ni Amber. Siya kaya tulog na?
Dahan dahan akong sumilip pero bago ko pa magawa yun nagtititili na siya sa di malamang dahilan, kaya napaupo at laking gulat ng bigla siyang pumunta sa kama at niyakap ako. Naramdaman ko ang mabilis na tibok ng puso niya dahil sa pagkakayakap niya sakin. Okaaay, lalake lang ako at nakakaramdam ng init dahil nakayakap sakin ang isang babae to think na nasa kama kami.
"Ayos ka lang?" Tanong ko, sinusubukan kong tangalin sa isip tong nararamdaman ko.
"May ipis." She whispered. Ipis?? Ipis lang?? Well salamat sa ipis na yun at nakayakap siya sakin ngayon. Unti unti na siyang bumibitaw sa pagkakayakap sakin at tumingin sa mga mata ko. I can tell that she's embarrassed.
"Sorry." She apologized.
"For what?" I innocently asked.
"For hugging you."
"It's a pleasure." I playfully said. She slapped my shoulder.
"So, sa kama ka na matutulog o sa sahig pa din? Baka guluhin ka na naman ng ipis dyan." I said grinning, chuckling a little.
Napaisip siya sa sinabi ko. "Uhm.. tabi nalang tayo." She shyly said. I grin, widely.
"Okay." Humiga na ko ng kama habang siya nakaupo padin at tila nagdadalawang isip na tumabi. "Don't worry, wala akong gagawin. I don't think kaya na ng katawan ko ang.. kung ano mang iniisip mo." O baka ako lang nagiisip nun.
"Wala naman akong iniisip nu!" Naglagay siya ng unan sa pagitan namin tsaka siya humiga. Wala daw pero naglagay siya ng unan sa gitna namin.
Hinayaan ko nalang yun kahit na ang totoo gusto ko tangalin yun para mayakap ko siya kaya lang baka bigla naman niya kong sampalin.
Mukhang ang pagtatrabaho ko sa gabi ang dahilan kung bakit hindi padin ako makatulog, si Amber naman mukhang tulog na. Ang bilis niyang makatulog, paano niya nagagawa yun gayong may katabi siyang lalake?
At dahil tulog na siya, may pilyo akong naisip. Tinangal ko ang unan sa pagitan namin at dahan dahan akong dumikit sakanya ng di siya nagigising at yumakap sakanya. Dahan dahan kong iniyakap sakin ang mga kamay niya then i kiss her forehead. "Goodnight, my Angel." I whispered. Dahil sa yakap niya, nakakaramdam na ko ng antok.
Naramdaman ko ang brasong unti unting inaalis sa pagkakayakap sakin na dahilan para magising ako. I open my eyes and i saw Amber, blushing. What a beautiful view!
"Good morning." I greeted.
Dali dali siyang tumayo. "Go'good m'morning." Nauutal niyang bati. I grin at her. "K'kamusta pakiramdam mo?"
Umupo ako. "Better, thanks to you." Dahan dahan siyang lumapit at hinaplos ako sa noo, she's still blushing. Hinawakan ko yung kamay niya at hinila ko siya ng mas malapit sakin kaya napaupo na din siya sa kama.
Hinawi ko ang buhok niya papunta sa likod ng tenga niya. "You're so beautiful." I admiringly said.
"Thanks." She shyly said. Hinawakan ko siya sa chin niya at unti unti nilapit ang labi ko sa labi niya. I lick her lower lip asking for permission to deepen my kiss. She hesitantly, agreed. I play my tongue inside her mouth, softly.
Dahan dahan ko siyang inihiga sa kama habang hindi inaalis ang halik sa labi niya. I break the kiss for her to catch some air and i look straight at her eyes.
She holds my both cheeks and presses her lips to mine, again. Our lips locked by our passinate kiss, again.
BINABASA MO ANG
His Secret AFFAIR
RomanceSi Damon Lawrence ay nakipagrelasyon sa isang babaeng may asawa na, na si Zooey Rodriguez asawa ng Youngest Billionaire ng bansa na si Ian Carlos Rodriguez. Aminado si Damon na hindi niya mahinto ang pakikipagapid kay Zooey dahil mahal niya ito. Pe...