Fight

54.8K 1.4K 35
                                    

"Damooon." Zooey said as she see me. Naglakad siya papalapit sakin at dahil sa kalasingan niya halos matumba siya sa paglalakad buti nalang at nasalo ko siya.

"Ano bang ginagawa mo dito?" Tanong ko.

"Nakalimutan mo agad?" She touches my both cheeks. "We still have time to celebrate our Annivesary." She kissed my lips. Hinawakan ko siya sa balikat niya para itulak siya ng mahina, sapat lang para makatayo padin siya.

"Umuwi ka na! Lasing ka na."

Hindi niya pinansin yung sinabi ko at inilagay lang yung mga kamay sa balikat ko. "We can still enjoy the night Damon." She seductively said touching my lips using her pointing finger. She was about to kiss me again pero umatras na ko at tinangal ang mga kamay niya sa braso ko.

"I'm sorry Zooey, ayoko ng lokohin si Amber."

Naglakad siya papasok at tila wala lang na namang narinig sa sinabi ko hanggang sa makarating siya ng sala at umupo sa couch. "Alam mo wala naman akong pakialam sa relasyon niyo nung Amber na yun. Makipag relasyon ka kung gusto mo, pakasalan mo pa kung gusto mo, ayos lang sakin yun. Basta yung satin Damon, walang mag babago."

"Mali ka, meron! Dahil yung satin tatapusin ko na."

She looked at me impassively. "You can't just end this!"

"Why not? Yung relasyon natin walang patutunguhan, may asawa ka at obvious naman na di mo magagawang iwan yung asawa mo. Ngayong nakahanap na ko ng babaeng mamahalin ko at mahal ako, may dahilan na para matapos to."

She stands. "No i won't allow that! You're just attracted to her Damon, you don't really love her, ako yung mahal mo."

"Zooey yung pag mamahal ko sayo sa simula palang mali na, pero yung kay Amber lahat tama."

She chuckled bitterly. "Mas magaling ba siya sa kama kaya mas pinipili mo siya?"

"Tama na! Wag mong pag isipan ng masama si Amber, hindi siya ganung babae!"

"Bakit perpekto ba siya?" She sarcastically said.

I sighed showing of my frustration. "Tama na!" This is useless, she's drunk and obvious naman na di kami makakapag usap ng matino.

"Ano bang meron ang babaeng yun na wala ako?"

"She can makes me smile and laugh Zooey, she gives me joy.. na nawala nung minahal kita, nawala nung nakilala kita. Ibinalik niya sakin yung mga nawala sakin nung minahal kita dahil wala na kong naramdaman sayo kundi puro sakit. Siya na ang rason ngayon kung bakit ako gumigising at nagtatrabaho dahil sakanya, para akong nabuhay ulit. Mahal ko siya at siya na, pasensya ka na pero tapusin na natin tong satin."

"No! You promise me ako lang!"

"No, i didn't." I run my fingers to my hair. "Please Zooey.." I kneeled down in front of her. "Hayaan mo na kong sumaya, magagawa ko yun sa piling ni Amber."

Her tears, falls. "Fine! Tama na ang pagpapamukha sakin na pinipili mo siya kesa sakin dahil masakit na." Pagkasabi niya nun, naglakad na siya palabas ng Unit ko.

Nanatili lang akong nakaluhod kahit wala na siya. Ngayon ko lang nakitang umiyak si Zooey dahil sakin, usually kasi ang asawa niya ang iniiyakan niya sa harap ko. Minahal ko siya and hindi mawawala yung pag aalala ko sakanya pero mas mahal ko si Amber at di ko makakayang mawala siya sakin.

Tumayo na ko mula sa pagkakaluhod at umupo muna sa couch ko. Mamaya na siguro ako aalis kapag medyo nawala na sa isip ko yung pag dating dito ni Zooey.

Hindi ko alam kung gaano na katagal nag stay at umupo sa couch ko ang alam ko lang matagal yun hanggang sa naisip kong umalis na para makapunta sa Club.

Lumabas ako ng Unit ko hanggang sa mamarating ako ng Parking at sinimulan ko ang byahe papunta ng Club, di rin naman ganun nag tagal at nakarating din ako. Dumiretso ako sa office ko at nag focus nalang ako sa trabaho para iwas sa pag iisip.

Nang matapos ako sa mga paper works ko, lumabas naman ako ng office at pumunta sa Bar Station para tulungan yung Bartender kong mag bigay ng orders.

Wala akong ibang ginawa kundi maging professional na businessman at di nag isip masyado kaya hindi ko namalayan ang oras at oras na ng pagsasara.

I decided na dumiretso sa babaeng mahal ko para dun mag pahinga at matulog. Gusto ko siyang makasama, buong araw. Kahit wala kaming gawin basta kasama ko lang siya, masaya na ko.

Nakarating ako ng Apartment niya at mukhang tulog pa siya, malamang dahil maaga pa naman. Gigisingin ko na ba siya? Syempre, gigisingin ko siya.

Dinial ko yung number niya at tinawagan.. unang call ko di niya nasagot, pangalawa hindi pa din. I grin instantly, mukhang masarap yung tulog ng Angel ko. Tinawagan ko ulit siya and this time, sinagot na niya.

"Hello?" Her kagigising lang na boses ang mas nag pa excite saking makita siya.

"Nasa labas ako, pwede mo ba kong pag buksan?"

"Mmm.. coming." She ended the call.

Bumaba na ko ng kotse at hinintay siyang pag buksan ako ng pinto. Nang mag bukas ito, nakita ko na ang mahal ko na humihikab pa. Lumapit ako sakanya at niyakap agad siya.

"Good morning." I whispered.

She hugs me back. "Good morning." Binuhat ko siya na parang newlywed lang papunta sa kwarto niya. Halata kasing antok na antok pa siya eh kaya binuhat ko na. Hiniga ko na na siya kama niya at hinalikan siya sa noo.

"Matulog ka na ulit, magbibihis lang ako."

"Mmm.. okay."

"I love you, my Angel."

"I love you too my Damon." She touches my both cheeks and kisses my lips. "Bilisan mo, tabihan mo na ko."

I grin. "Your wish is my command."

--

Again, slow update to. Sorry, babies. Haha. ✌😁

Vote po.

His Secret AFFAIRTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon