Call

60.2K 1.5K 51
                                    

Damon-

Ngayon na ang araw na papunta kami ni Amber sa bahay nila sa Cavite ngayon na kasi ang bispiras ng Fiesta sakanila. After ng klase niya kanina dumiretso na kami ng byahe. Request daw kasi ng Mama niya na dun kami matulog kaya nag baon na din kami ng damit.

Ihinabilin ko nalang muna yung Club kay Alfred, kasi isang gabi kaming mag iistay ni Amber sa bahay nila sa Cavite.

Ang totoo noong malaman kong mamimeet ko na yung parents niya, naexcite talaga ako. Kasi ibig sabihin nun, mas lalalim pa yung relasyon namin. Big deal na kasi saming mga lalake ang mameet ang parents ng babaeng mahal namin. Pero yung excite na yun, napalitan ng nerbyos ngayon. Papasa kaya ako sakanila?

"Ayos ka lang?" Amber asked, making me looked at her.

"Yah."

She laughed. "Parang nung isang araw lang excited ka pa, ngayon halata na sa mukha mo yung nerbyos." She teases.

"First time ko tong gagawin kaya medyo nakaka kaba talaga."

"Don't worry for sure magugustuhan ka nila." Pagpapalakas niya ng loob.

"Paano ka naman nakakasigurado?"

She smiles. "Dahil sigurado ako, pumasa ka nga sa puso ko eh. Sa pamilya ko pa kaya."

"Pumipick up lines ka ah." I joke making her laughed.

"I just wanted to lightened your nervous Damon." She said laughing, beautifully.

"Yah i know, thank you." I hold his hand and kisses it without taking my eyes on the road.

Nang makarating kami ni Amber sa bahay nila, sabay lang kaming bumaba ng kotse ko. Tsaka kinuha mula sa backseat yung bag na dala namin. Ngayong nasa tapat na kami ng bahay nila, mas lalo akong kinabahan.

Naramdaman ko ang pag hawak ni Amber sa kamay ko, kaya napatingin ako sakanya. "You'll be fine." She reassured, smiling. I just smiled back. Sana nga!

Nag doorbell na siya, ilang sandali nag bukas na yung pinto at nagpakita ang isang tingin ko ay nasa mid40's which i think Amber's mother.

"Anak, buti nakarating na kayo." Her Mom says. Niyakap siya ni Amber at bumeso dito.

"Wala pa po ba sila Uncle?" Amber asked.

"No wala pa sweetheart, mamaya pa silang gabi darating." Tumingin siya sakin hudyat para lumapit ako sakanya at nag mano, bilang pag galang.

"Magandang araw po Ma'am, ako nga po pala si Damon." Pormal kong sabi.

She smiles nicely. "Finally may dinala din na boyfriend ang anak ko, akala namin tatanda na siyang dalaga eh."

"Ma, wala lang talaga akong time sa mga ganun dati. Busy sa school." Amber explained.

"Okay sige, pasok na kayo. Kanina pa kayo hinihintay ng Papa mo." Pagkasabi nun ni Tita, tulad ng sabi niya pumasok na kami ng bahay nila. Hinawakan ko lang ulit sa kamay si Amber para bawas sa kaba.

Sa pag papatuloy namin sa paglalakad papasok ng bahay, nakita namin ang Papa ni Amber na nasa Sala at nanunuod lang ng Basketball sa tv. Mahilig siguro sa Basketball Papa niya, baka magamit ko yun sa pagpapalakas kasi mahilig din naman ako sa Basketball.

Tumayo mula sa pagkakaupo si Tito nang makita kami. Lumapit sakanya si Amber at niyakap ito. "I miss you Pa." Amber said hugging her father tight.

"I miss you too, sweetheart." Tito said, tapping Amber's head.

Tumingin sakin si Amber at ngumiti. "Pa, siya nga pala si Damon, boyfriend ko."

Naglakad ako papalapit sakanya at nag offer ng shake hands. "Damon Lawrence po, sir." Pagpapakilala ko.

His Secret AFFAIRTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon