Trust

55K 1.5K 52
                                    

Amber-

Naka survive ako ng klase ko na nakangiti kahit papaano, kahit na sa loob loob ko at pag naaalala ko yung sakit na binigay ni Damon gustong gusto kong umiyak.

Pero i need to be professional, hindi dapat makita ng mga bata na may problema ang teacher nila.

"Bye, teacher." Masayang pagpaalam ng student ko.

"Bye." I said forcing a smile.

"Amber.." i heard a familiar voice calling my name. Tumingin ako sa direksyon ng pinto at nakita ko si Justin na nakangiti sakin.

"Papa!" Julio runs to him.

"Hey, big boy ready to go home?" He asked his son. Julio just nodded to him. Then tumingin ulit sakin si Justin.

"Uh.. nabangit ni Damon yung nangyari," he speaks. "Natalakan na siya ni Luisa kaya-"

"Justin," Pagpuputol ko sa sasabihin niya. "I'm sorry ayoko munang pag usapan yun."

"I understand, hindi ko to sasabihin dahil tropa ko siya pero, mahal ka talaga niya." Ngumiti lang ako bilang sagot sa sinabi niya.

Noon alam kong mahal niya ko pero ngayon, nag dadalawang isip na ko tungkol dun.

"Sige, aalis na kami." He says.

"Mag ingat kayo."

Nang finally ako nalang mag isa dito ngayon sa classroom, umupo lang ako at inilagay ang mga kamay sa mukha ko.

Time now for crying.

Shocks!! Nakakainis talaga, naiinis talaga ako. Ang sakit talaga, sobrang sakit. Wala akong ibang maisip kundi sakit, ngayon ko lang to naramdaman. Never ko tong naramdaman sa ex ko, kay Damon lang.

Hindi ko tuloy maiwasang sisihin tong taksil kong feelings dahil ang bilis bilis kong nahulog sakanya, kaya ito nasasaktan ako ngayon. Dapat pala kinilala ko pa siya ng mas malalim, bwiset talaga!!

Nakarinig ako ng katok mula sa pinto, pinunasan ko lang yung mga luha ko at tumingin sa direksyon nung kumatok. Napatayo ako sa pagkakaupo dahil sa bigla kung sino ang nakita ko, si Zooey.

Kung noon ilang at hiya ang nararamdaman ko sakanya dahil sa pagaakalang kamaganak siya ng mahal ko, ngayon galit at irita ang nararamdaman ko.

What the hell does she wants?

"Bakit ka nandito?" Irita kong tanong.

She walks entering the classroom wearing a sarcastic smiles on her face. "Tutal alam mo naman na kung sino talaga ako sa buhay ni Damon di na ko magpapaka nice Dear. Nandito ako dahil, ewan ko.. siguro gusto kong makita kung anong nararamdaman mo nung malaman mo kung sino talaga ako. I must say, satisfied ako sa nakita ko."

Satisfied siya sa nakita niyang pag iyak ko? I'm a nice person pero, bitch side din naman ako. Gusto ba niyang makatikim?

"Umalis ka na bago ko pa makalimutan na teacher ako at dapat good influence ako sa mga bata, dahil sa nararamdaman ko ngayon gusto kong sampalin yang pisnge mo at sirain yang mukha mo. Nakakawala ng good manners yun diba? Oh wait, alam mo ba yung meaning ng good manners? Baka kasi hindi!"

She laughed, sarcastically. "Aalis din naman agad ako, pero may ibabalita lang din ako.. nalaman na ng asawa ko ang tungkol samin, he threatened me na kakasuhan niya kami pero luckily mas importante sakanya ang pride niya at reputasyon niya kaya hindi na niya gagawin."

Shit!!

"Ngayong tapos na kami ng asawa ko, gagawin ko naman ang lahat para bumalik na sakin si Damon. Na dapat noon ko pa ginawa!"

His Secret AFFAIRTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon