Nag patuloy lang kami sa pag kukwentuhan ni Ma'am Amber, habang paubos na niya yung isang boteng beer na ibinigay ko sakanya. Pero mukhang di pa naman siya tinamaan dun, tingin ko malakas tong uminum.
"One beer pa please.. uh.. what's your name again?" She shyly asked, making me laughed.
"Di mo pala naalala pangalan ko?"
"Sorry, mahina ako sa names eh. Lalo na pag di ko student."
"Well, Ma'am my name is Damon Lawrence." I said with a bow, making her giggle.
"I'll bear that in mind Mr. Lawrence." Inabutan ko na siya ng pangalawa niyang beer.
"Advice lang, don't let guys buy you a drinks." I said.
"Why?" She asked confused.
"Kasi baka may balak."
She laughed. "Wala akong intensyon na magpabili ng alak sa lalake."
Nahinto ang pag eenjoy kong kausap si Ma'am Amber dahil pareho kaming napatingin sa dance floor dahil may nagkakagulo. Dali dali akong umalis ng Bar station para puntahan ang nagkakagulo at makiawat.
Salamat nalang sa bouncers at nahinto din ang gulo, nagkaroon kasi ng hindi pagkakaintidahan sa dalawang grupo at nung kalmado na ang lahat nagkanya kanya na silang punta sa tables nila pero sinabihan ko ang bouncer na wag ialis ang tingin sakanila hangga't di sila nakakaalis ng tahimik sa Club.
Tsaka ako ulit tumingin sa Bar Station kung nandun pa si Ma'am Amber and i saw her talking with a guy. I think ginugulo siya nung lalake kasi base sa gesture nila di niya ito kilala.
Naglakad ako papunta sa Bar Station at pumunta sa pwesto ko, base sa itsura ni Ma'am naiinis na siya.
"Sige na number mo lang naman eh." Pangungulit nung lalake, mukha siyang disperado.
"Ayaw ko nga eh, bat ba ang kulit mo?"
"How about I'll buy you a drink?"
"No!" She hissed.
"Okay, bahala ka." Umalis nalang yung lalake at mukhang gumive up na.
"Mukhang maayos mong nahandle yung lalake yun ah." I said.
She chuckled. "Sanayan lang."
"So it wasn't your first time to encounter a guy like that?"
"No." She said shaking her head. Mukha naman dahil maganda siya at paniguradong pag naglakad siya mapapalingon ka talaga.
May isang babaeng biglang lumapit sakanya mula sa likod at hinalikan ito sa pisnge na dahilan para malagyan siya ng lipstick sa pisnge. Siya siguro yung brokenhearted niyang kaibigan.
"Eww! Maj, kadiri ka talaga."
"I know but you love me."
"Nagdadalawang isip na ko tungkol dyan." Ma'am jokes to her friend. She scowled her and seats beside her.
"Who's your friend here?" Her friend asked looking at me. Ako siguro yung tinutukoy niya.
"Si Mr. Lawrence, kaibigan siya nung parents ng studyante ko." Pormal niya pagpapakilala sakin na akala mo nasa business meeting siya dahil sa tawag niya saking Mr. Lawrence.
"Hi, im Damon." Pagpapakilala ko.
"I'm Majah, best friend niya. Are you single?" She frankly asked. Wow! Just wow! I can tell, she's drunk.
"Maj!!"
"What?? I was just asking. Parepareho lang ang mga lalake, taken na nga lumalandi pa!"
"I'm sorry about that." Ma'am apologized.
"Ayos lang, well yes, im single." I lied. Sinabi na kanina ni Justin sakanya na single ko at sa pagkakaalala ko pa nga tinawanan lang yun ni Ma'am.
"Oh good! Iwan ko na ulit kayo." Majah said after niyang masiguradong single ako. Inabutan ko ng tissue si Ma'am Amber dahil sa lipstick niya sa pisnge. Tila siya naguguluhan nung inabutan ko siya ng tissue.
Tinuro ko yung right cheek ko, sabay turo gamit ng labi ko yung pisnge niya. "Lipstick." I explained.
Nagets na niya kaya sinimulan na niyang burahin gamit ang tissue ang marka ng lipstick sa pisnge niya. "Thank you." She said after niyang punasan ang pisnge niya pero may naiwan pa din pero may naiwan pa din. Dahan dahan kong inilapit yung kamay ko sa malambot niyang pisnge para at binura yung natirang lipstick gamit ang thumb ko.
Napansin kong nakatitig siya sakin kaya napatingin ako sa mga mata niya na halatang naiilang sa ginagawa ko. Kaya dali dali kong tinangal yung kamay ko. "Uh.. kasi ano uh.. may natira pa kasing lipstick." I awkwardly explained.
"Okay." She smiles, weakly. "Girls room lang ako." She said as she stand.
"Okay, uh.. go to right nandun yung girls room."
"Salamat."
"Welcome." Pinanuod ko lang siyang lumayo. Langya, dyahe! Ano ba yung ginawa ko? Parang bigla nalang kumilos yung kamay ko para punasan yung lipstick sa pisnge niya. Baka isipin niya dumadamoves ako sakanya kahit di naman, nabigla din ako sa ginawa kong yun eh.
Ilang minuto lang din naman bumalik na siya at mukhang nakapag retouched na siya kaya mas lalo na naman siyang gumanda. Okay, aaminin ko na, im attracted to her.
Tumitingin siya sa paligid at mukhang may hinahanap tingin ko yung kaibigan niya na maski ako di ko mahagilap. Pero nagpakita din naman agad ito at may kasama na siyang lalake.
"Mario?" Pagtataka ni Ma'am na mukhang kilala niya yung lalakeng kasama nung kaibigan niya.
"Hey, Ambi." He greeted Amber. Bumeso siya dito at nagngitian silang dalawa sa isat isa.
"What are you doing here?" Amber asked him.
"Plano ko sanang uminum tapos nakita ko tong si Maj."
"Nagyaya siya sa Apartment niya, gusto mong sumama?" Majah asked her.
"I really want to go home."
"Pero ako yung may dalang kotse." Majah said.
"Magtataxi nalang ako."
"No! I won't allow that, may mga loko lokong taxi driver na din ngayon nu." Tumingin sakin si Majah. "Busy ka ba?" Tanong niya sakin kaya napatingin yung dalawa niyang kaibigan sakin.
"Uh..hindi naman masyado, why?" I asked.
"Ayos lang bang ihatid mo si Amber?"
"Oh my god! Maj, tumigil ka nga! Nakakahiya!"
"Kesa naman umuwi kang magisa."
"Ayos lang!" I said, making them look at me again. Ngumiti ng wagas sakin si Majah at si Amber naman halatang nagulat sa sinabi ko. Sinong di magugulat ngayon niya lang ako nakilala pero ihahatid ko na agad siya sa bahay niya.
"Pero may kapalit.. number mo." I said to Amber.
BINABASA MO ANG
His Secret AFFAIR
RomanceSi Damon Lawrence ay nakipagrelasyon sa isang babaeng may asawa na, na si Zooey Rodriguez asawa ng Youngest Billionaire ng bansa na si Ian Carlos Rodriguez. Aminado si Damon na hindi niya mahinto ang pakikipagapid kay Zooey dahil mahal niya ito. Pe...