Restaurant

55.5K 1.4K 50
                                    

Damon-

Tapos na ngayon yung klase ni Angel ko, pero nag hihintay pa din siya ng mga sundo ng mga students niya.

Habang busy pa siya ako naman nilalaro muna si Julio, dahil wala pa naman yung sundo niya.

Masaya akong kumagat si Amber sa pakana kong hindi ako kumakain. Buti nalang mautak ako.

Sana lang talaga mapatawad na niya ko dahil namimiss ko na siya, nababaliw na ko sa sobrang pagkamiss sakanya. Kagabi nung lasing na lasing siya, nabigyan ako ng pagkakataong mahalikan siya kasi.. hinalikan niya ko dahil sa kalasingan niya.

Pero mas maganda parin kung mahahalikan ko siya o hahalikan niya ko ng walang alak sa katawan niya.

Tapos yung kaibigan naman niyang si Majah, tinalakan din ako na parang si Luisa. Tingin ko kaya sila agad nag kasundo ni Luisa dahil magkaugali sila. Di ko rin naman masisisi yung kaibigan niya sa pagtatalak sakin kasi kasalanan ko naman talaga.

"Damon?" I heard Luisa's voice, calling me.

Humarap ako sakanya ng karga karga ko si Julio. "Anong ginagawa mo dito? Ayos na kayo ni Amber?" Tanong niya sabay turo ng direksyon ni Amber gamit lang ang labi niya.

Tumingin ako sa direksyon ni Amber, na nakangiti lang sa mga studyante niyang nag papabibo sakanya. Sana lang ngumiti siya ulit ng ganyan sakin.

"I hope so, pero hindi eh."

"Dibale, maaayos din yan." She said tapping my shoulder. "Give me my son." Ibinaba ko na mula sa pagkaka karga si Julio tsaka to lumapit sakanya at nagpa karga din.

"Say bye to teacher." Luisa said to her son.

"Teacher, bye!" Pagpapaalam ni Julio. Kumaway lang sakanya si Amber habang nakangiti. Ngiti ka din sakin, promise ibabalik ko yung ngiti na yun.

"Alis na kami." Pagpapaalam ni Luisa. Tumango lang ako bilang respond.

Nang finally nakaalis na lahat ng students niya, nag simula naman siyang maglinis. Kaya ang ginawa ko ay tinulungan ko siya.

Tahimik at talaga namang napaka awkward ng paligid habang inililigpit namin yung kalat ng mga students niya. Gustuhin ko man siyang magsalita para mawala ang awkward sa pagitan namin di ko naman alam ang sasabihin.

Nang matapos kami sa paglilinis, umalis na kami ng school. She decided na, separate car ang gamitin namin. Since ako ang nakagawa ng kalokohan ako ang susunod.

Nag kanya kanyang sakay lang kami sa kotse namin. Hinayaan ko siyang maunang mag maneho para masundan ko lang siya, hangang sa makarating kami sa pinaka malapit na restaurant.

Pag park ko, wala na siya sa kotse niya siguro pumasok na ng loob, ni hindi manlang ako hinintay.

Pumasok ako ng restaurant at hinanap siya ng paningin ko and nakita ko siyang nakaupo habang may isang lalake na tingin ko ay nagpapakilala sakanya habang nakatayo. Dali dali akong lumapit sakanila at hinawi yung lalakeng nag papacute sa mahal ko.

"What the hell, dude?" That guy asked, irritatingly.

"Boyfriend niya ko! Back off!"

"Damon hayaan mo nalang, umupo ka na!" Utos ni Amber. Sinamaan ko muna ng tingin yung lalake para umalis na siya and buti naman at umalis siya kung hindi makakatikim na siya ng sapak.

Umupo na ko tulad ng gusto ni Amber, tsaka saktong may dumating na waiter para kunin yung order namin.

Nang maibigay namin yun, umalis din naman agad to.

Tumitig nalang muna ako sakanya, habang siya nakatitig lang sa labas ng restaurant.

"Miss na kita." I said. Hindi siya sumagot na tila wala lang narinig sa sinabi ko.

Hinawakan ko yung kamay niyang nasa ibabaw ng table. "Gusto kong malaman mo na, mahal na mahal kita. Alam kong kulang ang sorry sa na gawa ko kaya-"

"Damon nasa public place tayo, ayaw kong pag usapan ang mga ganyang bagay." Pag puputol niya sa sasabihin ko tsaka hinila yung kamay niya na hawak ko.

"Okay, sorry." I apologized.

Dahil wala naman akong ibang maisip na sasabihin kaya tahimik lang kami hangang sa dumating yung order namin at masimulan ang kumain. Pero tulad kanina habang kumakain kami, tahimik pa din kami.

Haay! Kasama ko nga siya ngayon, pero parang wala din.

Kung noon ang sabi niya ako may wall, ngayon siya naman. Mas worst pa ay, ang cold niya.

Hangang kailan kaya siya magiging ganito sakin?

Nang matapos kaming kumain, nag bayad lang kami ng kinain namin na medyo napag talunan pa namin ng bahagya dahil ang gusto hati kami sa bayad pero di ako pumayag hangang sa samaan niya ko ng tingin at wala ng nagawa kundi pumayag.

Nakarating kami sa kanya kanya naming kotse, humarap muna siya sakin bago siya bago sumakay. "Umuwi ka na." She coldly said then sumakay ng kotse niya.

She was about to closed the door pero pinigilan ko. "Amber, alam kong ang dumi na ng tingin mo sakin pero sana mapatawad mo na ko. Miss na miss na kasi kita eh, yung mga ngiti mong nag pahulog sakin, gustong gusto ko na ulit yun makita. Mahal na mahal kita Amber, hindi ko alam kung paano ko papatunyan yun sayo lalo na ngayon dahil niloko kita pero totoong mahal kita."

"Mahal din kita Damon kaya ako nasasaktan ng ganito, sana noong may mga pagkakataon kang sabihin sakin ang lahat ginawa mo. Siguro nga magugulat ako sa rebelasion ng lihim mo pero at least sa bibig nag mula at hindi dun sa babaeng si Zooey! Gusto gusto na rin kitang patawarin dahil miss na miss din kita pero lagi kong naalalang niloko mo ko kaya ang hirap."

Her tears start to fall again, gustuhin ko mang punasan ang mga luha niya alam kong hindi pwede dahil ikakagalit niya.

"I'm sorry." Langya, wala na kong ibang masabi kundi sorry!

She wipes her tears. "Umuwi ka na." She said as she start the engine.

Umalis na ko sa pinto ng kotse niya at isinara na ito para sakanya. Tumingin muna siya sakin na punong puno ng hinanakit sa mga mata niya bago tuluyang sinimulan mag maneho.

Nag lakad nalang ako papunta sa kotse ko at sumakay, i was about to start the engine nang biglang nag ring yung cellphone ko. Tinignan ko muna yung cellphone ko at nainis lang na makitang si Zooey ang tumatawag.

"Ano bang problema mo? Diba sabi ko sayo, tigilan mo na ko?!" Inis kong sinagot yung tawag niya. Ayokong maging mean sakanya dahil minahal ko din naman siya pero kung hindi dahil edi sana okay kami ngayon ni Amber, kung tinangap lang niya na hindi nalang siya yung babaeng pwede kong mahalin edi sana okay kami ng mahal ko.

"Gusto ko lang naman na mag usap tayo."

"Para saan pa? Tapos na tayo! Wala na tayong pag uusapan pa kaya wag ka ng tatawag sakin o wag na wag mo ng lalapitan pa ulit si Amber, pag ginawa mo pa yun.. i swear Zooey, hindi kita mapapatawad." I ended the call.

Isinandal ko yung ulo ko sa sandalan ng upuan ko at hinampas hampas yung manebela sa sobrang inis sa sarili ko.

Ito na ang karma ko sa pakikipag relasyon ko sa babaeng may asawa na.

Fuck!

--

Keep voting babies. 😞

His Secret AFFAIRTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon