Hindi ko mapigilang maging pasaway at suwayin yung sinabi ni Amber na magpahinga lang ako sa kwarto ko. Gusto kong masilayan yung mga nakakahawa niyang ngiti at nakakabaliw niyang tawa.
Kaya kahit kakalabas lang niya lang ng kwarto ko at matigas ang ulo ko, lumabas ako ng kwarto ko dahil hindi na ganun kahina yung katawan ko tulad kanina.
Naglakad ako diretso sa Sala pero napahinto din naman agad ako dahil nakita ko siyang hinuhubad yung suot niyang polo shirt. Ano bang masasabi ko? Wala kundi ang sexy niya. Nakatalikod siya kaya makikita ang hubog ng katawan niya.
Shit! Nakakasala ang mata ko. Pumasok kaya ulit ako sa kwarto ko? Pero ayaw namang gumalaw ng katawan ko lalo na nung sinusuot na niya yung T-shirt na hiniram niya sakin.
Biglang may nag ring na cellphone na dahilan para tumalikod siya at mapatingin sa direksyon ko laking gulat niya ng makita ako. "Kanina ka pa dyan?" She asked.
"Uh.. medyo?!"
"You saw.. me.."
"Yah." Sumagot na ko kahit hindi pa tapos yung sasabihin niya, alam ko na kasi ang tanong niya.
"Oh Gosh!" Napaupo siya sa couch ko sa sobrang hiya siguro. Naglakad ako papalapit sakanya. Her hands are on her face, her face is red.
"Sorry, kasalanan ko." I apologized. I kneeled in front of her then tinangal yung mga kamay niya na nakaharang sa napaka ganda niyang mukha. "Sorry." I apologized, sweetly.
Her phone rings again.. sinagot niya yun.
"Beb?" Beb? "I'm with a.." she paused awkwardly. ".. friend." Me? A friend?
"You already met him. Yah! him.. why so surprise?" She rolled her eyes. "Just shut up, beb.. K, tomorrow lunch.. see yah." She hangups.
Sino kaya yung beb na yun? Magkikita sila bukas ng lunch? Date ba yun?
"Who's that?" I asked. I sounded like a jealous boyfriend. Damn it!
"Si Maj, the girl who pushes you to sends me home nung nasa Club kami." Oh siya lang pala. Nagselos ako sa wala.
"Hindi ako natulak para ihatid ka, kagustuhan ko yun."
"Tumayo ka na nga dyan, may sakit ka na nga lumuluhod ka pa."
"Ayos lang, ikaw naman eh."
"Alam mo yang pagpapacute mo hindi ka pagagalingin sa sakit mo." She said making me laughed pero nahinto ako pagtawa dahil napaubo ako. "See?? Ang kulit mo kasi eh. Daig mo pa nga studyante ko!" She scolded. Tumayo na ko at umupo sa couch para tabihan siya.
"Magluluto na ko." Aakma na sana siyang tumayo pero pinigilan ko siya sa pamamagitan ng pag hawak sa kamay niya.
"Five minutes."
"Hindi ka pa ba nagugutom?" She asked.
"Hindi pa." Isinadal ko yung ulo ko sa balikat niya. Hmm.. ang bango niya. Hinaplos niya ko sa noo.
"Ang init mo." Hinawakan ko yung kamay niyang nasa noo ko at pinaglapat ang mga palad namin. Sobrang komportable ako sa ganitong posisyon kung hindi lang siguro siya mangangalay baka gawin ko to magdamag.
"Damon.." she called.
"Hmm?" I hummed.
"Tapos na ang five minutes."
I chuckled. "Okay." Tinangal ko na sa pagkakasandal yung ulo ko sa balikat niya at binatawan na din yung kamay niya. Naglakad na siya papunta sa kusina ko habang ako nag stay lang muna sa couch. Uupo muna ko dito siguro ng ilang minuto.
Di ko alam kung ilang minuto na kong nakaupo lang sa couch ko, naamoy ko nalang bigla yung niluluto ni Amber kaya nakaramdam ako ng excitement na matikman yun.
Naglakad ako papunta sa kusina para samahan siya, busy siya sa pagtikim nung niluluto niya kaya umupo nalang muna ko habang pinagmamasdan lang siya. Ayaw ko na muna siyang istorbohin.
Natapos din naman siya sa pagluluto at pinagsaluhan namin ang niluto niyang sinigang na bangus. I wonder kung alam niyang paborito ko ang sinigang na bangus pag may sakit ako, yun kasi ang laging niluluto ni Mama para sakin.
"Sabi ni Mrs. Sebastian favorite mo daw ang sinigang na bangus, kaya niluto ko para sayo." She said sensing my thought. Kaya naman pala, sinabi ng kaibigan ko. Daldal talaga niya.
"Salamat." I shyly said. "I was just wondering.. since ayaw mong magpatawag ng Ma'am, ano kaya kung my Angel nalang?" Pagbibiro ko.
"Ano kaya kung kumain ka nalang dyan!" She hissed making me laughed.
"Yes, my Angel." I winked.
She rolled her eyes. "Kumain ka na, iinum ka pa ng gamot."
"Ah.. so bossy, so cute." I playfully said. Hinampas niya ko ng mahina sa braso.
Natapos kaming dalawa sa pagkain, tulad nga ng sinabi niya pinainum niya ko ng gamot. Sa totoo lang ang sarap mag paalaga sakanya, kung ganito ba naman lagi ang tagaalaga parang ang sarap lagi na may lagnat.
Nag stay lang muna kami sa sala para magpalipas ng oras, nagbabasa lang siya habang nakikinig kami ng mga 90's songs. Kung siya nagbabasa ako tamang tabi lang sakanya kasi enjoy na ko dun. Pagnagpatuloy to, baka di na ko makapunta ng Club. Pero kung iisipin mukhang di pa kaya ng katawan ko ang puyatan.
Tumingin siya sa relo niya. "Uhm.. tingin ko oras na ng paguwi." She said then sinarado niya yung libro at inilagay yun sa bag.
"Already?"
"Yah, it's already 9pm. It's late, may klase pa ko bukas." She said as she stand.
Tumayo din ako. "Ihahatid kita."
"Damon, may sakit ka. Isa pa, nasa school ang kotse mo." Pagpapaalala niya.
"Edi ako ang magmamaneho ng kotse mo, papunta sainyo tapos mag tataxi nalang ako pauwi."
"Hindi mo kayang mag drive."
"Kaya ko!"
"Hindi!"
"Kaya ko!"
"Damon!"
"Kaya ko!"
"Ang kulit mo!"
I sighed. "Gusto ko lang masiguradong safe ka."
"Okay, ganito nalang.. ako ang magmamaneho ng kotse kasama ka hanggang makarating tayo ng Apartment ko. Deal?"
"Deal! Hintayin mo ko, magbibihis lang ako." She just nodded her head, sign of her giving up.
Pumunta lang muna ako sandali sa kwarto ko at nagpalit ng jogging pants, at T-shirt tsaka jacket.
Binalikan ko siya sa sala na nakaupo lang habang hinihintay ako. "Let's go?" I asked.
"Are you sure kaya mo ng bumyahe?" She asked, concerned.
"Yup, my Angel." I said with a bow.
BINABASA MO ANG
His Secret AFFAIR
RomanceSi Damon Lawrence ay nakipagrelasyon sa isang babaeng may asawa na, na si Zooey Rodriguez asawa ng Youngest Billionaire ng bansa na si Ian Carlos Rodriguez. Aminado si Damon na hindi niya mahinto ang pakikipagapid kay Zooey dahil mahal niya ito. Pe...