Amber and i were on our way to her Apartment. Tahimik lang kami sa byahe hindi dahil sa walang nag sasalita, gustuhin ko mang mag salita at ipaliwanag yung tungkol samin ni Zooey pinuputol niya agad ako at sinasabing mamaya na pag dating ng Apartment niya.
Ginagawa talaga niya ang lahat para maiwasan ako, tulad kagabi at kanina bago kami umuwi. Pero ginagawa niya yun ng hindi ipinapahalata sa pamilya niya. Ngumingiti siya sakin pero halatang pilit, kinakausap niya lang ako pero halatang pilit, hinahawakan niya ko sa kamay pero pag wala ng nakatingin bibitaw siya agad. Lahat ng kilos niya pilit, dahil ayaw niyang ipaalam sa pamilya niya na ang kauna unahang lalakeng pinakilala niya sakanila eh sinaktan lang siya at niloloko siya.
Hindi ko na alam tuloy ang gagawin ko, natatakot akong baka iwan na niya ko. Mas lalong lumalakas yung takot kong yun sa pananahimik niya.
Bakit kasi sa dami ng panahon na malalaman niya ang totoo, yung araw pa na kasama namin ang pamilya niya or pwede hindi nalang sana niya, nalaman!
Oo wala akong planong sabihin sakanya yun, mas gusto ko ng dalhin sa hukay yung lihim ko na yun. Pero huli na, alam na niya at galit na siya sakin.
Nang makarating kami ng Apartment ni Amber, hindi ko pa man napapatay yung makina ng kotse bumaba na siya at naglakad papasok ng Apartment niya.
Pag patay ko ng makina, kinuha ko lang yung bag namin sa backseat tsaka na ko nag lakad papasok ng Apartment niya, bitbit din yung kaba, takot na iwan niya.
Sana hindi! Matatangap ko yung masasakit niyang sasabihin pero sana hindi niya ko iwan.
Dumiretso ako sa sala kung saan nandun si Amber na nakatayo lang at nakapamewang na tila hinihintay akong mag salita. "Oras na ngayon ng pag uusap, pwede ka ng mag salita." Kalmado niyang sabi pero nandun yung tono ng galit.
Huminga ako ng malalim. "I uh.. don't know where to start." Totoo yun, natatakot ako na baka kung anong sabihin ko maging dahilan para iwan niya ko.
"Kailan pa kayo nag simula?" She asked.
"Taon na."
"Minahal mo ba siya? Oh wait-" She chuckled bitterly. "How stupid, syempre naman minahal mo siya, di ka papayag makipag relasyon sakanya kung hindi."
"Tapos na kami ni Zooey."
"Don't mention her name!!" She snapped angrily, glaring at the same time. There's a hint of jealousy on her voice. She's starting to cry again and it hurts me more see her like that.
"Kailan pa kayo wala?"
"Noong unang beses mo siyang makita."
"Fuck!"
"Sorry."
"Sorry? Yang bang sorry mo mawawala niyan yung sakit dito.." she pointed her heart. "Marami kang pag kakataon na sabihin sakin ang tungkol sakanya, sa Unit mo, sa nila Luisa at noong binangit kong nakita namin siya noon sa lunch kasama ang kaibigan ko, pero wala kang ginawa!" Huminga ng malalim at pinunasan ang mga luha niya.
"Ang mas nakakainis pa Damon, sinabay mo ko sakanya! Alam mo kung anong naiisip ko? Na kapag di ako ang kasama mo, siya ang kasama mo at ang sakit nun. Ginawa mo kong reserba na kapag yung babaeng yun nasa asawa niya, sakin ka pupunta!"
"I'm really sorry." I sincerely apologized. Naglakad ako papalapit sakanya at hinawakan siya sa magkabilang pisnge. I kissed her lips softly. Hindi ko na naiwasang tumulo yung nga luha ko sa pagtama ng labi ko sakanya.
"I'm sorry." I kissed her again. "I'm really sorry my Angel." I kissed her again this time tinulak niya ko ng bahagya."I told you to speak not to kissed me!" She angrily said.
"Patawarin mo ko, hindi ko gustong saktan ka my Angel. Noong umiwas ako sayo kahit na may meron na kong number mo, yun ang naging dahilan ko. Alam kong mali dahil alam kong masasaktan ka sa malalaman mo samin, pero ginawa ko pa din dahil noon alam ko na sa sarili ko na importante ka. Mahal kita at ayaw ng lokohin pa kaya tinapos ko na yung samin. Pakiusap wag mo akong iwan, Amber."
BINABASA MO ANG
His Secret AFFAIR
RomanceSi Damon Lawrence ay nakipagrelasyon sa isang babaeng may asawa na, na si Zooey Rodriguez asawa ng Youngest Billionaire ng bansa na si Ian Carlos Rodriguez. Aminado si Damon na hindi niya mahinto ang pakikipagapid kay Zooey dahil mahal niya ito. Pe...