Breakfast

64.1K 1.3K 14
                                    

Hinayaan ko na siyang mag shower at ako naman lumabas ng kwarto para maghanda ng breakfast para samin.

Hindi maalis ang matamis kong mga ngiti sa labi dahil sa make out session ko with her. I must admit this, kung hindi niya sinabing may klase pa siya baka may nangyari na samin dahil nadala talaga ako sa halik namin. Plus, she's so sexy.

Binuksan ko yung ref niya na punong puno ng mga pwedeng lutuin, malamang dahil babae siya. Ito ang ineexpect na makitang laman ng ref ng mga babae. Nakita kong and dami niyang box ng pancake so, siguro pancakes ang gusto niya pag breakfast. Kaya yun nalang niluto ko. Then coffee, meron siyang cappuccino flavor bigla kong naalala na yun pala ang favorite niyang coffee, kaya yun din ang tinimpla ko para saming dalawa gustong kong tikman yung cappuccino na iintriga kasi ako kung bakit niya favorite.

Natapos akong mag prepared ng breakfast at hindi parin siya tapos sa pag shower, so habang nag hihintay gumawa ako ng paper flower at inilagay yun sa tabi ng plato niya. Sakto naman ang pag dating.

"Nagluto ka?" Tanong niya.

"Yup." I confidently said.

Hinila ko yung kamay niya at pinaupo tsaka ko inabot yung paper flower. "For you, my Angel."

She laughed. "Thank you, this is beautiful."

"No, you are much beautiful."

"Okay, enough lets just eat." She snapped making me laughed.

"Bakit parang di ka sanay bigyan ng compliment kung gaano ka kaganda?" Natatawa kong.

"Dahil hindi ako maganda, Damon."

"Yes you are." I snapped. "You're beautiful inside-" i didn't finish my words kasi sinubuan niya ko ng pancakes.

"Let's just eat." She said chewing. Umupo na ko sa tabi niya at sinabayan na siyang mag breakfast. Hmm.. ngayon na lang ulit ako nag breakfast, kasi naman lunch at dinner nalang ang naabutan ko. Tulog pa kasi ako pagumaga.

"Ihahatid kita sa school ah." I said while eating.

"Kaya mo na mag maneho?"

"Subukan mo pa." I winked.

"Yah, i already do." Hmm.. why do i feel na tinutukoy niya yung making oit session namin kanina?

"Alam mo gusto ko sanang mag shower.." tumingin siya sakin. "Kaso wala akong dalang damit." She laughed softly.

"Ayos lang yan ako lang naman nakakaalam." She winks playfully. Ahh.. she's winking, so pretty.

I grin. "Ihahatid kita then, babalik ako ng lunch mag sha'shower lang ako."

"Hmm.. magkikita kami ng lunch ni Maj eh."

"Can't i join?" Nag paawa look ako.

She chuckled. "Okay, sige." I grin excitedly at her.

Natapos kaming kumain at ma settled kung anong plano namin ngayong araw, pumunta muna ko ng kwarto niya para makapag hilamos manlang o makapag toothbrush at dahil wala naman akong bitbit na kahit na ano ginamit ko toothbrush niya.

Lumabas ako ng kwarto niya and i saw her seating on her couch waiting patiently at me. "Shall we go?" I asked, making her look at me.

"Yah." Naglakad na kami palabas ng Apartment pero bago pa kami makalabas pinigilan mo muna siya.

"Wait lang, may ipapaamoy lang ako sayo." I said grinning. She raised her eyebrow, confused. I kissed her lips softly. "I used your toothbrush." I winked, playfully. Then lumabas ng Apartment at iniwan siyang tumatawa.

Binuksan ko yung pinto ng kotse niya para sakanya. She's grinning, biting her lower. I grin at her, ridiculously.

Pagkasakay niya ng kotse, ako naman ang sumakay sa driving seat. Tsaka namin sinimulan ang byahe papunta sa school niya.

So far.. ang perfect ang araw na to. Me waking up with her, making out with her, we eat breakfast.. Hmm. Ayos din.

Narating namin ang school pero nag stay pa muna kami sa kotse. Aakma na sana siyang bumaba ng kotse pero pinigilan ko siya. Then nag pout sakanya asking for a kiss. Ngumiti siya at hinalikan ako ng mabilis sa labi.

"See you later." She said after the kiss then bumaba na siya ng kotse ko.

Bumaba na din ako ng kotse at lumapit sakanya at inabot ang susi ng kotse niya. She wave her hand on me, i wave back then kissed her cheek. Pinanuod ko muna siyang pumasok ng school at batiin ng mga magulang at studyante niya tsaka ko pinuntahan ang kotse ko.
Sumakay ako dito tsaka nagmaneho paalis ng school at dumiretso sa Unit ko.

Humiga agad ako sa kama ko pagkarating na pagkarating ko. Hmm.. hindi na ko makapag hintay ng lunch, gusto ko na siyang makasama. Parang ang bagal ng oras dahil may gusto akong makasama.

Dahil naiinip ako ipinikit ko nalang muna yung mga mata ko at inalarm yung cellphone ko ng 10:30am para magising ako sa saktong oras at makapag prepared pa bago dumating ang lunch. Iidlip muna ko.

Nagising ako mula sa alarm at dali dali akong tumakbo sa bathroom para makapag shower na at mapuntahan ko na si Amber.

Natapos akong maligo at nag suot ako black polo, di na ko nag abalang asikasuhin pa yung buhok ko kasi baka matraffic pa ko.

Bago ako magsimulang bumyahe nagtext muna ko sakanya..

*** I'm coming my Angel. ***

Nag simula na kong magmaneho papunta sa babaeng kinababaliwan ko ang ngiti, o baka pati siya na mismo kinababaliwan ko na.

His Secret AFFAIRTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon