Jealous

63.7K 1.4K 11
                                    

Araw na ngayon ng pag punta ng mga kaibigan ni Amber sa Club ko. Nasa Club na ko at hinihintay sila, sabay sabay daw kasi silang pupunta kasama ang Angel ko.

Sabi ko sakanya dito na niya hintayin ang mga kaibigan niya pero ang sabi naman niya sabay sabay nalang daw sila.

Nag reserve na ko ng table para saming apat, since tatlo lang naman daw sila yung isa si Mar daw na sa tingin ko ay yung kasamang lalake noon ni Majah.

Nagsisimula ng magsidatingan ang mga costumer kaya habang wala pa ang mga bisita ko nag stay lang muna ko sa Bar Station kung saan lagi ako pumupwesto.

"Pogi.." a girl called. I don't think kung ako yung tinatawag niya o si Ken yung Bartender. Pero sakin siya nakatingin kaya tingin ko ako yun.

"Yes, may i help you miss?" I asked nicely. Ginamit niya ang hintuturo niya para palapitin ako, kaya lumapit ako. Hinawakan niya ko sa kwelyo.

"Buy me a drink." She whispered seductively then may nilagay siyang papel sa bulsa ng polo ko. Kinuha ko yung piraso ng papel na nilagay niya sa bulsa ng polo ko at tinignan, nakasulat dito yung cellphone number niya.

Hmm.. now i know, she's flirting with me.

Inabutan ko siya ng cocktail at inabot pabalik sakanya yung pirasong papel na naglalaman ng number niya. "Sorry im taken. Don't worry, libre na yang cocktail."

"Girlfriend pa lang naman." She said.

"Baby!!" I heard my Angel's voice. Tumingin ako banda sa likod nung babaeng costumer at nakita ko dun ang napaka ganda kong girlfriend na naka make up, black dress and naka pusod ulit ang buhok niya. Bihis na bihis siya at sobrang... sexy niya.

Teka.. tinawag ba niya kong Baby kanina?

"Ayy, may maharot na bruha dito oh. Gusto mong mabura yang mukha mo?" Mataray na sabi ni Majah sa nakikipag flirt na costumer sakin kanina.

"Whatever!" Costumer said flipping her hair then nag walk out na siya. Lumapit sa Station ko si Amber at ininum yung hindi nagalaw na cocktail na ibinigay ko dun sa babae. Tsaka niya binasa yung piraso ng papel na may nakalagay na cellphone number.

"I told her im taken." Pagpapaliwanag ko.

"I know, narinig ko." She snapped. I grin. Why do i feel na nagseselos siya? Bakit parang ang saya ko pa at nagseselos siya? Nababaliw na ata ako.

Hinawakan ko siya sa chin niya at inangat yung ulo niya para tumingin sakin tsaka hinalikan siya ng matagal sa labi.

Tinangal niya yung kamay kong pagkakahawak sa chin niya at lumayo ng kunti para mahinto yung kiss ko sakanya. "Ano ka ba ang daming tao, nakakahiya." She said blushing. Her cheeks are the same color of her lips.. they are red.

"I was just informing all the girls that im taken.. by you." I said grinning. She grins back. She holds my lips using her thumbs.

"Nalagyan ka ng lipstick."

"Ang tamis! Nikikilig ako." Majah said giggling. I grin at her.

Umalis na ko ng Bar station at nilapitan ang pinaka magandang babae sa Club, ang girlfriend ko. Tsaka siya hinawakan ang kamay niya. "May pinareserve na kong table, sumunod kayo." I said to Majah and to her date. They just nodded their heads. Magkahawak kamay kaming ng Angel kong pumunta sa table namin habang nakasunod lang sila Majah at yung kadate niyang si Mar ata, ewan di pa nga kami nakapagpakilala sa isat isa ng pormal.

Nakarating kami sa table namin at pinaghila ko ng upuan ang Angel ko ng makaupo siya, kumindat ako sakanya pero tila wala siya sa mood. Hmm.. dahil parin kaya to dun sa babaeng costumer? Selosa pala siya.

"By the way Damon this is Mario.." pagpapakilala ni Majah kay Mario. "..and Mar this is Damon, boyfriend ni Amber." Nag shake hands kaming dalawa.

"Nice to finally meet the one who captured Ambi's heart." He said smirking. "Bato kasi yan eh." Bumubulong ba siya? Parang hindi eh kasi mukhang narinig nila.

"Hoy, anong bato! Grabe ka!" Pagaangal ni Amber.

"Ang dami mo na kasing binasted." He said laughing. Majah join him to laughed.

"Gaano kadami?" I asked.

"Like super duper dami." Majah said laughing. "Di naman makakailang maganda ang friend ko diba? Kaya malamang ang daming napaiyak na niyang lalake."

"Wow!" I look at her in shocked. Well nabangit na niya noon na may mga manliligaw siyang di tumagal dahil sa pagiging workaholic niya pero di ko alam na may iba pa palang nabasted pa.

"Don't listen to them." Amber said.

"Swerte ko pala." I said grinning widely. Umupo na kami para masimulan na namin ang uminum, pero ako walang planong magpakalasing dahil plano ko pang ihatid ang Angel ko pauwi. Nag pa order na sila ng beer.

Tahimik lang ang Angel ko kaya naninibago ako. "May problema ba?" Bulong ko sakanya.

"Wala." Matipid niyang sagot.

"Can you call me baby again?" I teased, smirking. She instantly blushed making me laughed softly. She's really cute when blushing. Siniko niya ko ng mahina sa tagiliran ko bilang pag angal sa pag tawa ko.

"Damon, nakita mo na bang malasing si Amber?" Majah asked, making me look at her.

"Beb, tigilan mo yan!" Amber warns her friend.

Hmm.. curious ako. "Hindi pa eh, bakit?"

"Lasingin mo para malaman mo." She answered laughing.

"Ohmygosh!" Amber groans.

"Paano ka malasing?" Tanong ko sakanya kasi talaga namang curious na curious ako.

"You don't want to know."

"I do want to know." I snapped. Uminum siya ng beer at di na nagsalita. Ano ba kasi yun?? Gusto kong malaman.

Kumuha ako ng beer at habang umiinum inilapit ni Amber sa tenga ko ang mukha niya. "Naghuhubad ako." She whispered. Nasamid ako sa iniinum kong beer at nakaramdam ako ng kati sa lalamunan ko kaya di ko maiwasang maubo. "Are you okay?" She asked trying to stop her laughed.

"You what??" I asked, coughing.

"I already told you."

"Seryoso yun??"

"Yah." She shyly said. "Pero isang beses palang nangyari yun. Kaya nga wala akong hilig uminum dahil nadala ako dun."

I stared at her, surprised. Like seriously? "I want to see you drunk." Pilyo kong sabi. She shakes her head disapprovingly. Sayang!

His Secret AFFAIRTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon