Coffee

76.2K 1.5K 15
                                    

She's just staring at me. Alam kong nabigla siyang makita ako pero nakakailang na yung pag titig niya.

I cleared my throat. "Hi." I greeted.

Tinangal niya yung earphone sa tenga niya at tumayo tsaka naglakad palapit sakin. "Hi." She finally greeted. "What are you doing here?" She asked.

I brushes my lips using my fingers. "Nabura ko kasi yung number mo, kaya naisip kong pumunta dito para hingiin ulit."

She chuckled, amused. "Pumunta ka pa talaga dito para lang dun?"

"Oo?" Oo nga nu! Number lang naman yun pero pinuntahan ko pa talaga siya.

"Dala mo na cellphone mo?" Tanong niya.

"Yup." I confidently said. Inabot ko sakanya yung cellphone ko. Kinuha niya yun at sinimulan na niyang itype sa cellphone ko yung number niya. Ibinalik niya sakin yung cellphone ko.

"What now?" She asked. What now? Nakuha ko na yung number niya, anong ng sunod?

"Uh.. do you want to drink coffee?" I asked.

"Pero may ginagawa pa kasi ako eh."

"I'll wait."

"Are you sure?"

"Yup."

"Okay." Pumunta na ulit siya sa table niya kaya pumasok na din ako ng classroom at kumuha ng upuan tsaka pinuwesto yung upuan sa tapat ng table niya at dun umupo.

Nag simula na siya sa pagtatrabaho niya habang ako nakatitig lang sa maganda niyang mukha. Maganda siya pag ang seryoso ng mukha pero mas maganda talaga siya kapag nakangiti.

Nakita kong bills ang inaasikaso niya at financial report ng school. Bakit siya ang gumagawa niyan?

"You own this school?" I asked. Tumango lang siya at di na nag abalang tumingin sakin. Nanahimik nalang muna ko habang hindi pa siya tapos sa trabaho niya ayaw ko naman siyang istorbohin dahil lalo lang tatagal yung ginagawa niya.

So.. pinanuod ko lang siya habang nagtatrabaho ni parang di nga ko napapansin dahil sa sobrang focus niya. Parang ang sarap tuloy nag papansin sakanya kaya lang baka mainis naman siya sakin kaya hinayaan ko na. Nageenjoy naman ako sa view ng beautiful face niya.

Hindi ko alam kung gaano katagal akong nakaupo habang pinapanuod siya sa trabaho niya, tila nakalimutan niyang may kasama siya. I yawn, waiting. Napatingin siya sakin.

"Naku, sorry ha. Nakalimutan ko mag co'coffee pala tayo." She apologized. Seriously?

"Ayos lang." I reassured.

"Kunti nalang to, promise."

I chuckled. "Ayos lang, sige." Tumingin siya ulit sa papers niya, mukhang nag sabi siya ng totoo na kunti nalang yung gagawin niya dahil ilang minuto lang finally natapos na siya. Kaya nung inilalagay na niya sa folder yung papers tumayo na ko at di ko maiwasang mag unat dahil ang sakit sa likod ang umupo ng tingin ko halos dalawang oras.

"Sorry talaga ah, ang tagal mo tuloy naghintay." She apologized again.

"Grabe ka pala mag focus sa trabaho nu?"

She half a smile. "Yun siguro ang dahilan kung bakit walang tumatagal na manliligaw sakin."

"Bakit naman?"

"Workaholic kasi ako."

"Naghihintay din sila ng matagal sayo para lang makasabay kang kumain?"

"Yah." She shyly said.

"Well nahintay kita kaya...coffee na tayo?" I asked grinning. She nods smiling.

Nilock niya muna yung classroom niya tsaka kami nag lakad palabas ng school. "May alam ka bang coffee shop na malapit dito? Kasi sa totoo lang wala akong alam eh." Tanong ko sakanya.

"Meron naman, don't worry."

Nag offer akong sa kotse na sumakay kasi may dala siyang kotse at gusto niyang separate na kaming pumunta sa shop pero di ako pumayag kaya nag pumilit akong sa kotse ko nalang para sabay at magkasama kami.

Nakarating kami sa coffee shop. Inalalayan ko siya sa pagpasok ng shop hanggang sa makaupo siya. "You're very gentleman." She said playfully.

"Thank you." I bow playfully. Nag simula na kaming mag order ng coffee and slice of cake for dessert. Cappuccino ang flavor na inorder niya both coffee and cake. Favorite niya siguro.

"Paano mo nalaman tong lugar na to?" Tanong ko.

"Madalas kami dito ng mga kaibigan ko."

Narinig kong may nagtext sa cellphone ko kaya habang wala pa yung order namin binasa ko muna yun. Nakareceived ako ng text kay Zooey.. tumingin ako sandali kay Amber na nakatingin lang sakin.

*** Who's that girl with you? *** paulit ulit kong binasa yung text ni Zooey sakin. Paano niya nalamang may kasama ako? Di kaya nandito din siya sa shop? Tumingin ako sa paligid at hinanap siya, i saw her sitting not that far from us with some girls. Nandito nga siya.

*** A friend. *** i replied.

Dumating na yung inorder namin. "Ayos ka lang?" Tanong ni Amber.

"Uh.. yah, im fine." I smile to reassured her.

*** She's beautiful. *** She replied. Itinago ko nalang yung cellphone ko sa bulsa ko.

Hindi ko alam ang mararamdaman dahil kasama ko ngayon sa iisang shop si Zooey na never pa nangyari simula ng nagkaroon kami ng relasyon. Dahil malamang hindi pwedeng idate sa labas ang babaeng asawa ng kilalang youngest Billionaire ng bansa kung ayaw naming parehong masira ang buhay namin.

"Aray." Amber said kaya napatingin ako sakanya. "Sabi nung cake, kawawa naman kasi tinutusok tusok mo lang ng tinidor mo." Dagdag niya.

Napatingin ako sa cake ko at tama siya mukha na siyang lamog. "Ang lalim ata ng iniisip mo." She said.

"Medyo lang." Gusto ko nang matapos ang oras na to para makaalis na dito. Hindi ako  komportable, naiilang ako dahil kasama ko si Amber pero yung mahal ko nasa di kalayuan pang sakin at malamang pinagmamasdan kami.

Finally natapos din namin ang paginum ng coffee at pagkain ng cake. Kaya niyaya ko na siyang ihatid papunta sa school kasi nandun ang kotse niya. Habang nasa byahe nagtanong siya.

"Ayos ka lang ba? Para kasing bigla kang nawala sa mood mu."

"I'm fine, medyo sumakit lang yung ulo ko."

"Ah.. akala ko dahil nainis ka sa pagpapahintay ko sayo sa school kanina."

"No!" I hissed. "Hindi dun, pasensya na kung yun ang dating sayo."

"Ayos lang, naintindhan ko na." She smiles to reassured me. I smiled back at her.

His Secret AFFAIRTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon