Chapter:3-Hello Young master

5.6K 183 3
                                    

*Marry Claire Asuna Sandoval*

This is it! Pancit! Ito na talaga ang araw na hinihintay ko, ito na talaga ang araw na magtatrabaho ako bilang butler ng asungot na 'yun.

Linggo na ngayon kaya ito na ang araw na magsusimula ako sa trabaho ko at na transfer na din ako sa highligth university. At gaya ng sabi ni lolo siya na ang bahala aa lahat.

"Oh anak naka empake kana ba huh? Dalian dahil malapit na mag ee 11:00 am na! Oh siya ako na diyan." Sabi ni mama pero pinigilan ko siya sa pag agaw ng maleta ko.

"Nay tapos na po ako, ready na ready ang sundo nalang ni lolo william ang hinihintay ko" saad ko.

"Mamimiss kita anak. Mag pakabait ka dun ha? kumain ka ng mabuti 'wag na 'wag kang mag papagutom mamimiss ka ng mga kapatid mo." sabi ni mama at hinaplos ang mukha ko. Hindi ko mapigilang mapangiti sa sinaad niya.

"Ma! tatlong buwan lang naman ako dun eh!! mamimiss din kita at 'wag ka ring magpapagutom." aniko sabay yakap kay mama.

"Oh siya! tara na sa baba" At ayon. Bumaba na kami ni mama maliit lang ang dinala kong gamit dahil pabigat lang 'yun. Para pag katapos ng tatlong buwan wala ako masyadong dadalhin.

*♡*

"Ate andyan na ata ang sundo mo ate." sabi ng kapatid ko na skylet 15 years old pangalawa sa amin.

"Oo sandali lang!" sabi ko.

"Oh Skyket alagaan mo Mico at si mica tulongan mo si mama sa gawaing bahay, Magaaral kang mabuti kiss niyo nga ako" at lumapit na ako sa kanila at kiniss sila at isa isa. Ma mimiss ko kapatid ko.

"Ma pa mag i-ingat kayo, bye bye po." naluluhang sabi ko sa kanila. Kasi first time ko na mag trabaho ng malayo eh! Hindi ko pa naranasang malayo sa kanila. Ngayon lang ako mag i istay in s trabaho.

"Oo, anak sige na nag hihintay na ang sundo oh" Saad ni papa at bago ako umalis ay hinalikan muna ni papa ang noo ko. Napaka swerte ko talaga sa mga magulang ko. Sinunod ko naman ang sinabi ni papa at kumilos na ako.

Lumabas na ako ng tuloyan at hindi ko parin maiiwasang hindi lumingon.

'"Bye mga bunso! Magpapakabait kayo" sigaw ko sa kanila habang umiiyak. Para akong aabroad pero hindi! Sa pinas parin ako. Hindi ko lang maiwasang maluha. Sa ganitong edad kailangan kong mag trabaho para sa pamilya.

"Opo, Ingat ka ate, we love you." sigaw nila nginitian ko lang sila at tuloyan na akong pumasok sa kotse in lolo.

"Sorry po kuya natagalan ako nagdradramahan pa kasi kami eh, sorry talaga." Panghihing ko ng paumanhin kay kuya cheuffeur. Ngumiti lang naman siya sa akin.

"Ok lang maam tungkolin ko po" Sabi nito. Kaya napa ngiti ako.

"Salamat po. Ay ako nga po pala si Asuna nice to meet you po." Nakangiting aniya ko. At pagpapakilala sa sarili.

"Ako naman si mang juan" saad niya. Ang funny ng pangalan niya, kasi mang juan. Pagkain lang ang peg? Diba pag kain yun? Chitchirya?

Hindi na lamang ako mag salita at hinayaan siyang dalhin ako sa destenasyon na pupuntahan ko.

*♡*

"Maam Asuna, andito na po tayo." Bigla na lang akong nagising dahil sa sinabi ni mang juan! Agad naman akong umupo ng matuwid sa pinunasan ang mukha ko. Kakahiya! Baka may panis laway ako. Di ko naman kasi namalayan na naka tulog na pala ako sa byahe. Kaya agad naman akong nanghingi ng paumanhin.

"Ah sorry po, Nakatulog ako andito na po ba tayo?"

Paulit ulit asuna? Huh? Huh?

Palihim naman akong napa irap sa sinabi ng utak ko. Oo na! Shunga shuga ko.

My Arrogant Young Master (NOT EDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon