Chapter:19-Wallet

2.8K 167 3
                                    

*Marry Claire Asuna Sandoval*


Namamaos ako sa galit kung alam niyo lang. Nang gigil is me! Hayst! Masama ang tingin ko kay great master. Namomoot ang dibdib ko sa irita. Nakaka intriga! My gosh!

Kasalukuyan siyang naka upo sa sofa namin. Ako dapat ang andoon ey! Pero ito ako ngayon naka upo sa sahig.

"Ammm. Hijo kaano ano mo ba anak ko? Jowa kaba niya?"

"Mama!" I hissed. Kaya lumingon siya sa akin at tinignan ako ng pa inosente. Na akala mo walang mali sa sinabi niya. Andito nanaman tayo.

"Bakit nag tatanong lang naman ako ah!" Napa ismid na lang ako sa sinabi niya. At palihim na umirap. Mag sasalita sana si great master nang inunahan ko.

"Amo ko po siya okay! Hindi ko siya chikwa!" Sabi ko. Kaya lumingon si mama sa akin at masama akong tinignan.

"Bakit?!" Pa inosente na din sabi ko.

"Panira ka ng moment!" sigaw niya sa akin. At dinuro ako ng sandok. Si mama talaga.

"Kasi naman ey! Hindi ko nga siya jowa! Umaandar nanaman yan pagka hopeless romantic mo!" Sabi ko. And this time sinapak niya talaga ako nang sandok.

"Mama naman eh!" pag poprotesta ko.

"Hindi naman ikaw ang tinatanong!" Sigaw niya. Ito si mama gumaling lang bumalik nanaman sa dati. Napa simangot na lang ako.

"So ikaw po ba ang amo niya?" Mahinahong tanong ni mama. Ngumiti naman si master at tumango.

"Sayang! Kala ko kasi shota ka ng anak ko!" Sabi ni mama. Hayst! Bakit ba ata na atat si mama na mag ka chikwa ako?

"Mama hindi paba luto ang niluto mo. Gutom na ako ey!" Sabi ko sa kanya. Kaya naman napa ngiti siya at lumapit sa akin.

"Ay ang dyosa ko anak gutom na. Sige tara samahan mo ako mag hain. Kakain tayo pang tanghalian! Iho feel at home ka lang okay. " Sabi ni mama.

"Sige po!" Sabi niya.

At tumayo na ako. Tinignan ko si great master ng diyan ka lang look.

*♡*


"Okay mga kapatid ko kain na tayoo!" Sigaw ko. At lumabas sa kusina. Papuntang sala. Pero nagulat na lang ako nang nakita ko si great master nakikipag laro sa kambal. Kaya napa sandal ako sa pinto. At nakinig sa kanila.

"Kuya carl gerlpren mo ba ate ko?" Sabi ni mico. Kaya nanlaki ang mata ko. At saan naman niya nalaman ang salitang yun?

"Hahaha! Hindi ko si gf. " Sabi ni master. Kaya napa sign relief ako.

"Ay! Sayang kuya. Bagay po naman kayo!" Napa irap na lang ako sa pag sabat ni sky.

"Basta ako. Krass ko si kuya!" Halos nanluwa ang mata ko sa sinabi ni mica. Krass daw? Ka bata bata pa lumalatik na!

Kaya naman lumabas ako sa pinagtataguan ko.

"Hoy! hoy hoy! Ano yang krass krass na yan. Hala tumayo na kayo nang kumain na!" Sigaw ko habang naka turo ang kamay ko sa kanila. Ngumiti naman si mica sa akin.

"Joke lang iyon!" Sigaw ni mica. Kaya napa iling ako. Tumakbo naman sila papuntang kusina.

"Mag hugas kayo ng kamay bago kumain!" Sigaw ko.

"Yes atee!"

Bumaling naman ako ng tingin kay great master.

"Kain na tayo!" Sabi ko. Kaya tumango naman siya sa akin.

My Arrogant Young Master (NOT EDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon