Naka tayo ako sa puntod ni papa. At ako na lang mag isa. Nakatitig lang sa lapeda niya. Kung saan nakasulat ang pangalan niya.
Hapon na at makulimlim pa. Hinahangin ang dress ko pati na rin ang buhok ko.
It's been a month 3 months? I guess bago nawalan ng buhay si papa. At pagkatapos non. Sunod sunod ang malas na pangyayari sa buhay namin. Naibenta namin anh jeep namin. At ilang araw bago inilibing si papa may dakok na dumating.
Saying na mawawala na ang bahay namin. Ang bahay namin kung saan nandoon lahat ang memories namin. Sabi ng may ari ng lupa ipapa demoles niya ang bahay namin. Kaya wala kaming magawa. Bilang bayad daw namin sa upa ng lupa ng ilang taon ay ang pagsira ng bahay namin. An saya diba?
Kaya ngayon nasa maliit na barong baro kami nakatira. Inshort nasa kalsada. Ang scholarship ko nawala. Dahil sa page absent ko at page bagsak ko sa exam. Hindi na rin nag aaral si sky para tumulong kay mama sa pag titinda na sampaguita sa kalsada. Wala na kaming matirhan. Dahil wala kaming pera pang renta. Kaya ako ngayon kasalukuyang nag hahanap ng trabaho.
"Pa alam mo pa. Hindi nanaman ako natanggap sa trabaho pa. At di ko ja alam kung anong gagawin ko. Pa. Sana andito ka para gabayan ako. Kasi di namin toh kaya. Alam mo pa. Wala na ang bahay natin. Nasira na. Kaya sa gilid ng kalsada kami naka tira." Umupo ako at hinaplos ang lapeda niya.
"Pa. Di ko na alam ang gagawin ko. Wala akong ke idea idea kung anong gagawin ko. Si mama naawa na ako nasa kalsada nagtitinda ang sampaguita para maka pagpakain sa mga kapatid ko. Si sky po pa di na nag aaral. Pa? Sana andito ka. Sana di mo kami iniwan. Sana kasama ka namin ngayon!"
*Someone*
Hindi na namalayan ni asuna na naka higa na siya sa gilid ng lapeda ng papa niya. Dumaan ang isang oras sa kakausap niya sa papa niya hanggang sa nakatulog siya.
Samantala may isang babaeng lumapit sa kanya at pinayungan siya. Dahil umuulan. At napa luha siya ng nakita niya ang dalaga. Umiiyak ito habang tulog at mukhang napapanahinipan nito ang pag kawala ng papa niya sa harap niya.
Minamasdan niya lang si asuna hanggang sa gumalaw ito.
At nakita niya kung gaano ka amo ang mukha niya. Halata na umiiyak siya dahil sa namamaga ang mata nito. At halatang walang tulog dahil sa kakahanap ng trabaho.
Isang buwan na din siya itong sinusundan at in-imvestigahan. Unang kita niya pala dito sa airport may naramdaman siya na parang luksong dugo. Oo isa siya sa naka saksi kung paano ibinaba nang dalaga ang pride nito para lang tulongan siya nung lalaki. Na awa nga siya dito eh. Kaya sinundan niya ito at nalaman niya na kailangan niya ng dugo. Nung una nagulat siya dahil bumaba ito sa hospital kung saan nag tatrabaho ang anak niyang doctor.
Kaya nasundan niya ito. Siya ang babaeng nag bigay ng dugo sa papa niya. Siya ang nag hanap ng donor.
Napa alaman niya din na ang anak niyang lalaki ang doctor ng papa niya. Kaya agad niya itong tinanong. Kung bakit siya interesado kasi kamukha niya ito.
Para silang pinag biyak na bunga. At nakikita niya kay asuna ang nawawalang anak niyang babae. 18 years ago. Nakikita niya sarili niya kay asuna hindi lang sa labas patu na rin sa loob.
Kaya umasa siya na ito ang anak niya. Nakiusap siya sa asawa niya pwede ba nilang investigahan si asuna. At ilang araw lang nang pagkamatay ng ama nito ay nalaman niya na Hindi siya tunay na anak ng mag asawang Sandoval kaya mas lalong lumakas ang pakiramdam niya.
Ang sabi ng private investigator nila nakita lang daw si asuna ng mag asawa 18 years ago. Nakita nila ito sa isang bench kung saan niya iniwan si asuna.
At bukod sa physical na mag kapareho ay mag kapareho din sila ng pangalan ng anak niya. Kung saan nakaburda sa damit niya ang pangalan niya.
"Anak. Gustong gusto na kitang mayakap unting tiis na lang at makikilala mo na rin ako. " ani niya kay asuna habang hinaplos ang mukha nito. Bahangya itong kumilos kaya agad niyang tiniklop ang payong dahil wala ng ulan.
BINABASA MO ANG
My Arrogant Young Master (NOT EDITED)
Novela JuvenilWill she be able to tame her arrogant young master?