*Marry Claire Asuna Sandoval*Nag taka na lang ako nang may biglang kumatok sa pinto ng kwarto ko. Kaya na kunot noo ako. Bakit naman may kakatok sa ganitong oras? Baka si lamie ito. Ano naman kaya kailangan ng bruha?
Pumunta naman ako sa pinto at binuksan iyon.
"Lamie----" Bigla akong natigilan dahil hindi pala si lamie ang nasa harap ko. Kundi ang galit na mukha ni great master.
Anong ginagawa niya dito?
Bigla naman akong nawalan ng kulay at tumalikod iniwan ang pinto na naka bukas. Pimikit muna ako nang mariin bago nag salita at lumingon sa kanya. Sabay ngiti.
"Great master? My ipag uutos kayo?" Tanong ko sa kanya with my sweet smile. Pero hindi siya umimik.
"Pinag lalaruan mo ba ako asuna? Bakit mo ako iniiwasan sa loob ng ilang araw?" Sigaw niua kaya napa igting ako ng unti.
"Great master ano po ibig niyong sabihin? Ano po ba ang nagawa kong mali?" Tanong ko. Pero tumawa lang siya ng pagak.
"Anong ginagawa mong masama? Bakit mo ako niyakap nung nakaraan sa fountain? Tapos ngayon nakikipag date ka kay luke!" Sigaw niya. Kaya na irap na lang ako.
"Kaya lang naman kita niyakap noon kasi kailangan mo nang comfort. At iniiwasan kita dahil nag aadjust ako na bumalik sa dati. Walang nag hahatid sa akin sa school, walang nag bibigay ng baon at higit sa lahat malayo sayo at sa sweetness mo. Eh ano naman kung makipag date ako ng iba? Atsaka friendly date lang naman 'yun!" I hissed.
" Maski ano payang date! Date paring tawag doon! At anong ibig mong sabihin na umiiwas ka? Bakit huh? Dahil kay luke?" Sabi niya. Napa iling na lang ako.
"Hindi para sa kanya. Kundi para sa inyo. Nakaka hiya naman kasi ipinag sisiksikan ko sarili ko sayo kung alam kona na bumalik na ang hinihintay mo. Nakaka hiya naman kasi kung lalapit pa ako sayo kung alam ko in the very first place ay hindi ito totoo. " Mahabang litana ko at pinag patuloy ang pag lalakad.
At umupo sa edge ng kama ko."What?" Huwow! parang gulat na gulat pa siya. Kung maka react siya parang di totoo.
" Hindi na ako mag papaligoy ligoy pa great master, alam kong mag balikan na kayo ng ex mo. Kaya tapos na ang papel ko sa plano mo. " Sabi ko. Nakita ko naman ang paglaki ng mata niya.
"Great master. Tinatapos kona ang anong merong kunwarian tayo. Wala na hindi na tayo. Kaya malaya ka nang ipaalam sa mundo na kayo na." Sabi ko. At tumayo ako at kinuha ang iphone niya sa bag ko na naka patong tabi ko. Kinuha ko naman iyon at inabot sa kanya.
"I guess hindi na ako dapat ang nag mamay aro dito. Kaya ibinabalik kona. Paki balik na lang din sa akin. Huwag kang mag alala. Mag be break tayo na nakasanayan mo. Ikaw ang nakilag break at hindi ako. Bukas na bukas please lang ibalik mo sa pagiging single ang facebook ko. Kasi wala naman talagang tayo. " Sabi ko sa kanya pero tinitigan niya lang ang phone niya. Kaya iniwagay way ko iyon at tumayo at kinuha ang kamay niya at nilapag sa palad niya ang iphone niya.
" I already change your wallpaper. Baka kasi mapag awayan niyo iyon at mag break ulit kayo." Ngiting saad ko pero siya walang ka ngiti ngiti.
"Is this called fake break up?" tanong niya kaya napa tawa ako.
"Yes. I'm Asuna Claire Sandoval break up with you. I end this fake relationship we have. " Sabi ko sa kanya. Unti na lang numumuo na ang luha sa mga mata ko.
" So makikipag break ka? Ano naman ngayon! I don't want to see you. Mag sama kayo ni luke! And let me remind you asuna. Hindi pakikipag date ang pinunta mo dito! Kundi ang pag silbihan ako tandaan mo yan!" Malamig na saad niya. Napa kagat labi naman akong tumango.
BINABASA MO ANG
My Arrogant Young Master (NOT EDITED)
Ficțiune adolescențiWill she be able to tame her arrogant young master?