THE HORROR TRIP
5. Signboard
xxxx
"AHHH!" Tili ni Bianka at nanlalaki ang mga matang tumingin sa mga kaibigan. Pigil ang paghinga niya at maging gano'n rin ang iba. Nagkatinginan silang pito habang nasa loob ng sasakyan. Kumakabog ang dibdib. Pinagpapawisan ng malamig. "Ano 'yon?!" halos bulol-bulol niyang tanong at napahawak na lamang ng kamay sa katabi niyang si Tulip.
Tahimik pa rin ang magkakaibigan at tila wala ng gustong umimik habang nasa labas ng van nila ang matandang lalaki.
Hindi nila alam kung paano o kung ano nga bang nangyari. Para silang nahipnutismo at tila nakakita ng propesiya o kung ano man. Hindi sila mapakaniwala!
"Manong. . ." mahinang tawag ni Tulip. "Ano'ng ginawa mo?"
Napatingin sa paligid si Suzy at nasa tabi pa rin sila ng lumang chapel. Buo silang pito sa loob ng van. Safe and sound. Walang dugo. Walang putol na kamay. Hindi pugot ang ulo ng matanda.
Napakapit din siya kay Tulip dahil sa takot na naramdaman.
"T-Tangina," mahinang mura ni Chester habang bakas pa rin sa mukha ang pagtatakha. "M-Manong..."
Mahigpit pa rin ang hawak ni Addison sa video camera habang kinukuhanan ang pag-uusap nina Chester at ang matanda. Napapalunok rin siya dahil sa kaba at dahil sa naranasanan nila kanina.
"Fuck. This is so creepy," bulong niya sa sarili.
Wala namang imik sina Zapp at Gigi, tila hindi pa rin makapaniwala sa nangyari. Tahimik ang dalawa habang nakatingin sa matandang lalaki.
"'Yon ang mangyayari sa inyo kapag ka hindi pa kayo umalis rito," biglang sambit ng matandang lalaki. "Ipinakita ko lang sa inyo ang hinaharap at kung ano'ng kaya kong gawin."
Luminga-linga ito ulit sa paligid. "Alis na! Umalis na kayo bago pa dumating ang mga ka-uri ko!"
Napatapik si Addison kay Chester na tila natulala.
"Bro. Let's go and drive."
Napatango si Chester. Mabilis na sinara ang bintana at binuhay ang makina ng sasakyan. Hindi na niya alam kung saan pa sila pupunta. Dahil sa pagkalito at pagkataranta, diniretso na lang niya ang sasakyan.
Tinignan lang sila ng matandang lalaki habang palayo ang kanilang sasakyan. Nang biglang may itim na ibon na dumapo sa balikat nito. Nag-ingay ang ibon, tila may sinasabi.
Sumagot ang matanda. "Hindi natin sila kaya," anito sa mababang boses. "Malakas ang kapit nila. Mas mabuti ng pakawalan kesa mapahamak tayo."
Tumalikod ang matanda at naglaho kasabay ng paglaho ng karatulang Baryo Pag-asa.
"Ano 'yon?! Ano'ng klaseng nilalang 'yon?!" medyo malakas na tanong ni Suzy nang medyo nakalayo na sila. Ni lumingon hindi na nila ginawa dahil baka nasa likuran lang ang matanda.
"Bi," sambit ni Tulip kay Bianka. "Wala ka pa bang nababasa sa mga libro na gano'n?"
Inayos ni Bianka ang salamin niya at tila nag-isip. Umiling ito nang walang matandaang nabasa sa mga binabasa niyang libro ng mga misteryo na kagaya ng matanda kanina.
"Wala," sagot nito. "Sobrang kakaiba. Akala ko talaga totoo na 'yong nangyayari kanina. Akala ko katapusan na natin."
Napatango si Suzy. "Onga! Sa 'kin pa kumapit 'yong kamay. Pucha. P'wede namang kay Zapp na lang!"
Napalingon si Zapp kay Suzy.
"Nanahimik ako, ah!" anito. "Pero, hanep 'yon! Natakot talaga ako!"
"Lagi ka namang takot Zapp, walang pagbabago," mabilis na sagot ni Tulip.
"Sabi ng nanahimik ako, e!" pagmamaktol ni Zapp, nakalukot na ang mukha nito.
"Gigi?" tawag pansin ni Chester dahil napansin nito na nanahimik si Gigi. Kahit nasa daan ang atensyon niya, nakikinig pa rin siya sa mga usapan ng mga kaibigan niya. Tulad nila, hindi rin niya alam kung ano'ng klaseng nilalang ang matanda.
Napatingin si Gigi kay Chester.
"Bakit?" tanong niya.
"Ano iniisip mo?"
"Yeah," singit ni Addison. "You're quiet. You must thinking about something."
Napatingin si Gigi sa mga kaibigan niya, mula ka Chester, Addison, Zapp hanggang sa mga kaibigan niyang babae na nasa likuran niya.
"Iniisip ko lang 'yong kanina," aniya. "Kung ipinakita sa 'tin no'ng matanda 'yong mangyayari kung nagstay pa tayo ro'n sa lugar na 'yon – bakit feeling ko putol?" tanong niya.
Nagkatingin sina Suzy at Tulip. Bianka at Zapp. Chester at Addison dahil sa sinabi niya.
"What do you mean?" tanong ni Addison nang walang magtangkang magsalita sa mga kaibigan niya.
"Nang masipa ni Zapp 'yong ulo sa loob ng Chapel, nadasalan namin 'yong tubig, pero biglang tumalbog 'yong ulo niya sa likuran namin kaya't nadapa kami. 'Di ba sunog na sunog na 'yong ulo niya? Ibig sabihin nasaktan siya."
"Wait... wait..." sambit ni Bianka. "Ibig mo bang sabihin, makakaligtas tayo ro'n if ever na mangyari talaga 'yon?"
Napatango si Gigi. "Oo, may possibility na gano'n. Pinakita niya sa'tin ang mangyayari pero hindi niya ginawa. Ibig sabihin, may pumipigil sa kanya. Siguro kasi baka makaligtas talaga tayo ro'n."
"At baka ayaw niya lang talagang maging barbecque head!" singit ni Zapp.
"So, ang tano'ng na lang dito, ano'ng klaseng nilalang siya?" singit ni Tulip. "We know nothing about that creature but thank God, we survived!"
"Why not. . . let's name him?" giit ni Addison. "Nakuhanan ko 'yong pag-uusap nila Chester kanina, p'wede tayo ang gumawa ng tawag o bansag sa kanya according on what we experienced."
"Maganda 'yan!" mabilis na sambit ni Suzy. "Tama! Tayo ang magpangalan sa kanya."
Lumingon kay Suzy si Addison at kumindat dahil sa pagsang-ayon nito sa sinabi niya. Napakunot ng noo si Suzy at bahagyang ngumiwi.
"Shit?!" Mabilis na utas ni Chester.
At nagulat nalang sila nang biglang prumeno si Chester nang hindi sila sinasabihan. Nahulog ang salamin ni Bianka. Nauntog sa sandalan nila Gigi at Zapp si Tulip. Nakangiwi naman si Suzy habang nakahawak sa sandalan ng mga nasa harapan niya nang mahigpit. Muntik namang magka-untugan sina Zapp at Gigi dahil nakaharap sila sa isa't isa habang naka-upo. Hindi naman naiwasan na mauntog sa winshield ng sasakyan si Addison.
"Chester, ano na naman 'yan?" tanong ni Suzy. "Don't tell me my dumaan o kaya sumulpot or worst baka nasa tabi na ni Zapp!"
Napalingon si Zapp nang mabilis kay Suzy. "Tangina?" Inis niyang sagot.
Hindi napigilan matawa ni Gigi kaya't sinamaan siya ng tingin ni Zapp, pero dinilaan niya lang 'to.
"Shez," sambit ni Bianka. "Buti na lang matibay salamin ko." Nasa kamay na niya ang salamin na nahulog kanina.
"Oh my... oh my..." biglang tili ni Tulip na kanina pa tahimik sa paglibot ng mga mata sa paligid. "Alam ko na kung bakit ka huminto!"
Naglaho na ang liwanag nang tuluyan kinain ng kadiliman ng gabi. Tanging ang sinag ng bilog na buwan at iisang poste lamang sa gilid ng daan ang nagbibigay ng kaunting liwanag, pati na rin ang ilaw mula sa kanilang sasakyan. Nakapaligid sa poste ang isang matandang malabong na puno. Sa gilid nito ay lumang karatolang hindi na maayos ang pagkakatayo.
"Bakit?! Ano 'yon?!" tanong naman ni Bianka.
Itinaas ni Tulip ang daliri niya at itinuro ang labas. Sa may gilid ng sasakyan nila – ang karatola.
'Maligayang pagdating sa Baryo Pag-asa'
STOP OVER 5.
BINABASA MO ANG
The Horror Trip (Completed)
HorrorHorror confessions and one horror trip. Pitong kabataan sa isang barkada na kung tawagin nila ay "The Trippers" na mahilig sa mga kababalaghan at misteryo na gustong maging myembro ng Horror Society. Gusto mo bang sumama sa kanilang byahe? Halina't...