THE HORROR TRIP
20. Guru
xxxx
"Ano ba Zapp!" inis na suway ni Gigi sa kaibigan dahil kanina pa nakapalupot ang mga kamay nito sa kanya. "Para kang linta kung makakapit sa 'kin!"
"Chansing lang 'yan," pasaring ni Bianka sabay labas ng dila para asarin ang kaibigan.
"Hoy Bianka, mamatay man ako hindi ako na-na-nanching kay Gigi!" sagot ni Zapp na masama ang tingin kay Bianka.
"E, ano lang?"
"Ewan! Basta, gentleman ako."
Ngumiwi na lamang si Bianka at hindi na pinansin pa sina Zapp at Gigi habang itinuloy nila ang paglalakad at paglilibot kasama si Paci.
"Tanong lang, bakit parang wala 'yong mga ibang creatures ngayon?" Tanong ni Tulip na katabi ni Chester. "Ba't parang ang tahimik simula pa kaninang umaga, wala na kaming nakita kun'di kayo-kayo lang nina Ordi?"
"Yeah," pagsang-ayon ni Addison. "Fiyen is no where to be found too."
"Dahil bukas darating ang aming guro, kaugalian sa 'min na kapag bibisita siya sa 'min ay mag-aalay kami ng dasal magdamag," sagot ni Paci habang nangunguna pa rin sa paglalakad. "P'wera na lamang sa mga nilalang na may kailangan gawin. Tulad namin ni Ordi."
Nakahawak naman si Chester sa video camera habang kinukuhanan ang kapaligiran. Nakakita sila ng mga bolang apoy na nagliliparan sa paligid. May mga sangay ng puno na gumagalaw.
"Bakit parang namumuhay kayo na kagaya sa 'min?" Tanong ni Chester at ipinokus ang camera sa likuran ni Paci. "May kuryente kayo. Mga may batas. 'Yong mga tirahan niyo parang mga bahay sa amin. Bakit gano'n?"
"Noon, gusto ng mga ibang nilalang na mapadpad sa inyong mundo dahil wala kaming pernamentong tirahan o 'di kaya'y laging may gulo. Nang makilala ng aking Ama't Ina ang guro namin, nabago ang lahat." Huminto si Paci sa paglalakad kung kaya't nahinto rin sila. Lumingon ang babaeng bampira sa magkakaibigan at muling nagsalita. "Binigyan niya ang mga iba't ibang nilalang ng panibagong buhay; ng pag-asa. Dahil kapag nagtuloy-tuloy ang gulo sa pagitan ng bawat nilalang, lahat kami mapupunta sa impyerno. Naniniwala man ang mga tao na kami ay nilikha ng mga demonyo at walang ibang gagawin kun'di ang manakit, wala na kaming pakialam pa sa mga 'yon. Basta alam namin sa mga sarili namin na meron kaming disiplina at alam namin ang mabuti sa masama. Lahat ng 'yon itinuro sa 'min. Sabi nga nila, kahit sino may karapatan na magbago at magbagong buhay."
"So, hindi kayo umiinom ng dugo?" tanong ni Zapp na nasa likuran pa rin ni Gigi habang nakakapit sa dalaga na para bang tuko.
Tinignan ni Paci si Zapp. "Ano sa tingin mo?"
Nanlaki ang mga mata ni Zapp pagkatapos ay lalong ipinagkasya ang kanyang katawan sa likuran ni Gigi. Yumuko pa siya dahil mas matangkad siya sa kaibiga.
"H-Hindi na ako magtatanong!" impit nitong sambit.
Siniko-siko na lamang siya ni Gigi.
"Ano ba Zapp!"
"Eh, kasi naman, nagtatanong ako ng maayos tapos gano'n sagot niya," pangangatwiran ni Zapp. "Dapat cool lang siya kagaya ni Edward Cullen."
"Si Edward Cullen pa talaga binanggit at hindi si Bella Swan." Napa-iling si Gigi. "Bakla."
"Natuto kami rito na mamuhay gaya ng mga tao. Lahat rito sa 'min normal sa kabila ng iba't ibang kakayahan ng bawat nilalang," lintanya ni Paci. "'Wag kang mag-alala. Hindi naman ako umiinom ng dugo ng tao. May mga alaga kaming mga hayop rito na pinagkukunan ng pagkain sa araw-araw."
BINABASA MO ANG
The Horror Trip (Completed)
TerrorHorror confessions and one horror trip. Pitong kabataan sa isang barkada na kung tawagin nila ay "The Trippers" na mahilig sa mga kababalaghan at misteryo na gustong maging myembro ng Horror Society. Gusto mo bang sumama sa kanilang byahe? Halina't...