24. Consequences

1.2K 49 6
                                    

 Hope you just enjoy reading. Thank you! Vote and comments are highly appreciated. <3

THE HORROR TRIP

24. Consequences

xxxx

"Hina ni Chester, e." Tila nang-aasar na sambit ni Zapp habang hawak-hawak ang sira ng video camera. Marami ng gasgas ang bawat parte, basag na rin ang lente at bali-bali na ang ibang pang parte. "Buti na lang rich kid 'tong si Addison. Kingina kung akin 'to, isang taon kong hindi kakausapin si Ches."

Nagulat si Zapp nang halos halikan niya ang likod ng upuan ng driver's seat. "Oa mo bakla!" Tila naiiritang sambit ni Gigi sabay kuha ng video camera sa kamay niya. "Akin na nga 'yan!"

"At nagsisimula na naman po sila," pasaring ni Bianka habang nakangisi.

Ipinasok ni Gigi ang video camera sa loob ng kanyang bag kasama ng isa pang video camerang dala nila.

"Ba't ang tagal ni Suzy?" Naiinip na tanong Tulip. Nakabenda na ang sugat niya at nalagyan na rin ng paunang lunas. Sinilip nito ang kinalalagyan nila mula sa bahagyang nakabukas na bintana sa tabi ni Zapp. "Ligtas naman siya, 'di ba?"

Nasa loob na sila ng van, hinatid sila kanina nina Paci at Fiyen. Hinihintay na lamang nila ngayon si Suzy dahil wala pa ito.

"The kid is still not here, too," singit ni Addison na katabi ni Chester sa harapan. "Mag-a-alas dose na."

"Don't call him a kid. Angel 'yon!" pagsuway ni Chester sa kaibigan.

Ngisi-ngising itinaas ni Addison ang kanyang mga kamay. "He's still a kid to me. Pero, ako lang ba talaga 'yong nakakaramdam na-"

"Ano na naman 'yang nararamdaman mo?!" Nagulat sila sa sigaw na 'yon ni Zapp. "Walang nagtatanong, ha!"

Siniko ni Gigi si Zapp. "Ang dami na nating pinagdaanan dito, duwag ka pa rin!"

Napaismid na lang si Zapp sa sinabing 'yon ni Gigi.

"Pero pansin niyo ba?" Panimula ni Chester. "Dalawang araw palang tayo rito, pero parang ang tagal-tagal na natin nandito?"

Mabilis na tumango si Bianka. "Oo! Siguro kasi iba 'yong timeline nila?"

"Well, what do you expect? Ibang mundo 'to." Pakikisali sa usapan ni Gigi. "Makakabalik na rin tayo sa 'tin."

"Hindi na. 'Wag na tayo bumalik, dito na lang tayo forever," tila nang-aasar na bulaslas ni Zapp kaya't sinamaan siya ng tingin ng kanyang mga kaibigan. Bigla siyang tumawa. "See? Gan'yan katitigas ang mga ulo niyo! No'ng sinabi kong 'wag na tayo tumuloy, go pa rin kayo nang go. Ngayon naman sinasabi kong 'wag na tayong bumalik, go na naman kayo nang go." Kunwaring napapa-iling si Zapp na may kasama pang palatak. "Ako na lang talaga ang matino sa 'kin."

"Asa ka forever!" sabay-sabay na sambit ng kanyang mga kaibigan sabay tawa ng mga ito.

Napanguso na lamang si Zapp sabay baling ng atensyon sa bintana sa kanyang gilid. At sa isang iglap, nagulat ang lahat sa sunod-sunod niyang pagsigaw.

"Ahhh! Ahhhh! Ahhhhh!"

Halos mapatalon si Gigi sa lakas ng sigaw ni Zapp dahil katabi niya ito. Mabilis niyang hinila ang damit nito sa may likuran.

"Shit Zapper! Ano ba?! Para kang nakikipag-ano d'yan sa sigaw mo! Kairita!" Inis na turan ni Gigi sabay takip sa bibig ni Zapp. "Ano ba kasi 'yon?!"

Tinanggal ni Zapp ang kamay ni Gigi na nasa kanyang bibig. Nanlalaki pa rin ang kanyang mga mata nakatingin sa may bintana.

Alam niyang may nakita siyang babae do'n kanina!

"M-May babae!" Tila buhol-buhol niyang sambit sabay turo pa sa direksyon ng bintana. "Putakte! May babae d'yan kanina!"

The Horror Trip (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon