4. Baryo Pag-asa

2.2K 79 21
                                    

THE HORROR TRIP.

4. Baryo Pag-asa

xxxx

"Wala pa man tayo sa Baryo Pag-asa, ganito na inabot natin," sambit ni Suzy habang nasa gitna pa rin sila ng byahe. Halos kalahating oras na ang nakalipas nang lubayan sila ng batang babae kanina.

Hindi naman nagsayang ng oras si Chester kanina at pinaharutot ang sasakyan palayo sa mga talahib at mga puno. Dire-diretso ang pagmamaneho nito.

"Come to think of it," giit ni Bianka. "Ibig sabihin, totoo 'yong mga sabi-sabi tungkol sa daan na dinaanan natin? Hindi lang pala talaga 'yon kwento. Though, ibang version ang naranasan natin."

Napatango si Tulip sabay yakap sa unan na dala. "Onga. Isa pa, ito ang unang beses na lahat tayo nakakita. 'Di ba?"

Tumango si Suzy bilang pagsang-ayon. "Oo. Lalo na si Zapp." May kung ano'ng pang-aasar sa tono nito kaya't napalingon si Zapp sa kanila.

"Tigilan niyo ko," anito kaya't natawa sila nang bahagya. "Kinikilabutan pa rin ako hanggang ngayon. Putakte."

"Gusto mo-"

"Gigi!"

Nabigla si Gigi nang sabay-sabay na sigaw ng mga kaibigan niya dahil lang sa sinabi niyang hindi natuloy.

"What?" takhang tanong niya at sinamaan ng tingin si Zapp dahil ito ang pinakamalakas ang boses.

"Bawal ng gamitin ang words na 'Gusto mo' ngayon. Nakakatrauma kaya!" sagot ni Suzy.

Napakamot ng ulo si Gigi at pinakita sa mga kasama ang hawak niyang malaking balot ng Piattos.

"Mag-ooffer lang naman ako nito. Ayaw niyo, 'di wag."

Nilahad ni Addison ang kamay niya.

"Give me some."

Napa-irap si Gigi. "Kitams. Gusto niyo rin."

Lumipas pa ang ilang minuto ng byahe at natanaw na nila ang malaking karatula na tila niyayakap ng mga baging at halaman na nasa gilid ng daan at poste.

'Maligayang pagdating sa Baryo Pag-asa!'

"At last!" sambit ni Addison habang kinukuhanan na naman ang lugar. "We're finally here! Though, it's already six in the evening."

Dinungaw ni Bianka ang lugar mula sa bintana sa tabi niya.

"Wooah, kinda creepy," kumento niya sabay kalbit kay Tulip. "Dasal tayo?"

Tumingin din sa labas si Tulip at tila kinilabutan sa atmosphere ng lugar. May mga nakasinding ilaw naman sa bawat gilid ng daan, ngunit napakatahimik ng lugar. Tila wala ng mga taong magtatangkang lumabas kahit pa mag-a-ala-sais pa lamang ng gabi.

"Hinto ko muna rito, ah?" sambit ni Chester at inihinto ang sasakyan sa tabi ng isang maliit na chapel. Ang pintura sa pader at pundasyon ng chapel na 'yon ay halos naagnas na.

"Hindi ba uso rito ang Holy week?" tanong ni Suzy dahil hindi nila naririnig ang Pabasa. "Or, baka hindi uso rito ang tao?"

"E, ano'ng mga nandito? Maligno?" sarkastikong sabi ni Zapp at tumingin rin sa bintana sa tabi niya. "AY KINGINA MAMAW!" Bigla niyang sigaw nang makitang may nakatayo sa tabi ng pinto ng sasakyan nila.

Isang matandang lalaki. Nakasuot ng kulay itim na damit. Napa-urong si Zapp sa tabi ni Gigi nang kumatok ang matanda sa bintana.

"Open the window," utos ni Addison habang hawak ang video cam.

The Horror Trip (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon