22. Worse comes to worst

1.3K 47 2
                                    


THE HORROR TRIP

22. Worse comes to worst

xxxx

"Paano ako makakalabas dito?" Tanong ni Suzy kay Dwendina matapos silang kumain. "Saka nasa labas na raw si Ordi?"

Tumango ang kaibigan niyang dwende. "Isipin mo lang na gusto mo ng lumabas." Ngumiti ito at hinawakan sa magkabilang kamay si Suzy. "Magkita na lamang tayo ro'n mamaya. Magpaalam ka sa 'kin bago kayo umalis, ha?"

Sunod-sunod ang pagtango ni Suzy. "Oo naman!"

Pumikit na siya at handing isipin ang paglabas nang muli niyang dinilat ang kanyang mga mata. Hinarap si Dwendina habang bahagyang nakakagat sa ibabang labi.

"Bakit Suzy?"

Napahawak ng batok si Suzy – tila nahihiya. "Uh... ano... Dwendina, may uling ba kayo?"

Nakita ni Suzy ang pagkalito sa mukha ng kausap. "Uling?"

"Oo, 'yong ginagawang apoy? 'Yong kahoy na sinunog na kulay itim?"

"Alam ko naman kung ano ang uling Suzy." Bahagyang natatawang sambit ni Dwendina. "Ang ibig kong sabihin kanina, aanhin mo ang uling?"

Malawak na ngumiti si Suzy na ipinagtakha ni Dwendina. "Basta bigyan mo na lang ako ng uling bago ako lumabas."

-+-

"Saan ba nagtitipon-tipon 'yong mga nakatira dito kapag nandito 'yong Guro?" Tanong ni Bianka habang naglalakad-lakad silang magkakaibigan. Dala-dala na nila ang kanilang mga back packs. Nakapagpalit na ng damit at nakapag-ayos.

"Why are you asking us, we're not from here," tila nang-aasar na sagot ni Addison kaya't sinamaan siya ng tingin ni Bianka.

"E, bakit ka sumasagot? Call center agent ka ba? Ha? Ha?" Sagot ni Bianka kaya't natawa si Addison. "What the-" Nagulat si Bianka nang kuhanan siya bigla ng litrato ni Addison sa hawak nitong video camera. "Mister Rich kid, binabalaan kita, burahin mo 'yan!"

"Nope," sagot ni Addison. "Lahat sila may stolen dito, ikaw na lang wala. Kung matulog ka kasi nakadapa." Natatawang pang tuloy niya.

"Addi!" sambit ni Gigi."May pictures kami dyan?"

Natigilan si Addison sa pagtawa nang mapansing nahinto na sila sa paglalakad dahil nakatingin na sa kanya ang mga kaibigan niya.

Pilit siyang ngumiti. "I didn't say anything like that. Guni-guni niyo lang 'yon."

"Burahin mo 'yan!" sabay-sabay na sigaw nila sa kanya kaya't napalunok siya.

"Fine! Chill, okay?" Humigpit ang hawak ni Addison sa video camerang nakasabit sa leeg niya. "I'm going to delete it later."

"Siguraduhin mo lang tsong," sambit ni Zapp."Pero kung pogi naman ako 'wag na."

"Edi shing, 'di lang pala 'to duwag, lumevel up na, nagiging bagyo na," bulong ni Gigi na ikinatawa ni Chester dahil sila ang magkatabi.

Napatingin si Gigi kay Chester. "Narinig mo ko?"

Mas lalong tumawa si Chester. "Sumbong kita gusto mo?"

"Hoy! Ano'ng pinagbubulungan niyo dyan? Share naman. Share your blessings!" singit ni Zapp na dahilan nang sabay na pagtawa ni Chester at Gigi.

"Si Chester kasi!" sambit ni Gigi. "Binaback-stab ka bakla."

Nahinto si Chester sa pagtawa. "What?"

"Trippers! Is that Fiyen?!" Rinig nilang bulaslas ni Tulip kaya't napalingon sila kung saan ito nakatingin.

The Horror Trip (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon