16. The coast is not clear

1.3K 53 10
                                    



THE HORROR TRIP

16. The coast is not clear

xxxx

Naramdaman ng magkakaibigan ang paglakas ng hangin kung kaya't mas lalo nilang hinigpitan ang kanilang hawak sa isa't isa.

Nililipad na ang kanilang mga buhok at natatakpan nito ang kanilang mga mukha at mata ngunit walang nag-atubiling kumalas ng kamay sa kanila.

Dahan-dahan silang dumilat habang patuloy na nag-uusal ng dasal si Suzy. At gano'n na lamang ang panlulumo nang wala pa ring sindi ang kandila.

Muling tinignan ni Zapp ang orasan at lalong nanlumo nang makitang dalawang minuto na lamang ang natitira.

Nagkatingin silang lima, bakas sa mukha nila ang takot at pag-aalala. Ang kanilang mga mata'y tila nangungusap na sana sumindi ang kandilang kahel kahit sa huling segundo man lang.

Nang matapos si Suzy sa pag-usal ng dasal ay pinalitan siya ni Addison. Ang kanilang mga mata ay nakapokus lamang sa kandilang kahel. Patuloy pa rin na umaasa at nagtitiwala na makakaligtas ang kanilang mga kaibigan.

"60 seconds left," mahinang bulong ni Zapp.

Tuluyan nang pumatak ang luha sa mga mata nina Suzy at Tulip. Habang pinipigilan naman ng tatlong binata ang sa kanila.

"35 seconds," muling sambit ni Zapp.

Malakas pa rin ang hangin na hindi nila alam kung saan nagmumula dahil kulob ang bahay ni Fiyen. Hindi na sila nagtanong pa at tanging nagdasal na lang ng taimtim sa kanilang isip habang malakas naman ang pagdasal ni Addison.

"10 seconds," tila nanghihinang bulaslas ni Zapp at tuluyan na namang pumatak ang luha sa kanyang mata kung kaya't napayuko na lamang siya.

Sa isang iglap, nagulat sila nang biglang bumitiw si Tulip. Bigla itong umiyak nang malakas. Hagulgol - na sinundan ni Suzy.

Nagtatakhang ini-angat ni Zapp ang kanyang ulo upang tignan ang kanyang mga kaibigan at alamin ang pag-iyak ng mga ito nang mapako ang atensyon niya sa kandilang kahel.

Sunod-sunod ang pagpatak ng kanyang luha at tinignan ang mga kaibigan. Pagkatapos ay dahan-dahan na kumurba sa kanyang labi ang isang ngiti.

"It works." Lumunok siya. "They are saved! Thanks God."

Napatango naman sina Addison at Chester, namamasa na rin ang kanilang mga mata habang may naka-ukit na ngiti sa kanilang mga labi.

"And I just realized something, trippers do trip. Nadapa na tayo. Muntik na tayong nawalan ng mga kaibigan." Nakangiting sambit ni Chester sa kabila nang pamumula ng kanyang mata. "We may lose, we may fall but at the end of the day, we can stand because we are one and that's the reason why trippers don't trip."

Dahil sa pagod, pangangalay at halo-halong emosyon na kanilang nararamdaman hindi na nila namalayan ang pagbukas ng pintuan sa bahay ni Fiyen.

"Trippers do trip. Trippers don't trip. Ano ba talaga?" nakangiting tanong ni Gigi.

"Oo nga, e. Gulo mo. Ano ba trip mo, ha?" Natatawang komento naman ni Bianka habang naka-akbay kay Gigi. "Nakahithit ka ba ng isang drum ng lion-tiger?"

Napatingin si Gigi kay Bianka. "Lion-tiger?"

Tumawa na naman si Bianka. "Giyanne, katol 'yon! Katol! Parang hindi ka tao, e."

Napangiwi si Gigi. "E, kung ibalik kita sa ilog kasama no'ng peke kong kalansay?"

Nanlaki nang bahagya ang mata ni Bianka pagkatapos ay napanguso. "Me shall not return. No way." Pagkatapos ay tinignan ang mga kaibigan nila na nakatingin lang sa kanila. Tila natulala pa ang mga ito. Siniko niya si Gigi.

The Horror Trip (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon