8. Utopia

1.5K 53 7
                                    

THE HORROR TRIP

8. Utopia

xxxx

"Okay guys, hindi ko kayo gustong takutin pero. . . something's off," mahina man ang pagkakasabi ni Bianka ng mga salitang 'yon ay rinig na rinig pa rin ng kaniyang mga kaibigan na kasabay niya sa paglalakad.

"Ano ba ang gusto mong sabihin Bi?" Tanong ni Suzy.

Huminga muna nang malalim si Bianka bago nagsalita. "Bibihagin nila tayo. Kakainin. Kukunin nila ang kakaluluwa natin." Kinagat niya ang kanyang ibabang labi. "Mamili kayo."

Napahinto ang kanyang mga kaibigan at nilingon siya. Pinanlisikan ng mga mata. Kaya't nagtaas siya ng kamay na animo'y sumusuko.

"Sabi ko nga hindi ko kayo gustong takutin, hinahanda ko lang kayo sa posibleng mangyari sa 'tin."

"Maybe they are powerful than us. Maybe they can kill us or worst eat our flesh." Ngumisi si Gigi sa kabila ng mabilis na pagtibok ng kanyang puso. "But we can't let them. Hindi tayo nagpunta rito para mamatay lang o kaya gawing ulam nila. Pumunta tayo rito para sa pangarap natin kaya. . ." Lumunok siya. "Stay alive." Ibinaling niya ang atensyon niya kay Addison na katabi ni Chester sa kanang bahagya. "Kuhanan mo ng video ang dalawang 'yon. We need it for our documentary." Ininguso niya ang dalawang nilalang na nangunguna sa kanila sa paglalakad. "Hindi tayo sigurado sa intensyon nila; kung bakit nila tayo pinapasunod. Pero malakas ang kutob ko na baka matagpuan natin si Zapp kung saan man tayo dadalhin ng dalawang 'yan. Just be alert. Never let your guard down."

Napatango sila sa sinabi niya kung kaya't naglakad na silang muli. Nakasunod sa dalawang nilalang. Hindi alam kung saan papunta. Walang ideya kung ano ang madadatnan nila sa lugar ng dalawa.

Habang patagal nang patagal ang kanilang palalakad, gano'n din kabilis ang tibok ng kanilang puso. Kaba. Takot. Pag-a-alinlangan. Hindi nila maipaliwanag. Ngunit sa kabila ng lahat ng kanilang nararamdaman, hindi nila ma-i-ka-ka-ila ang preskong hangin na dumampi sa kanilang balat. Ang magandang panahon na dala ng sumikat na araw. Ang mga alapaap na napakaganda sa kanilang paningin. Maging ang kalinisan sa konretong sementong inaapakan at dinadaanan nila ay hindi nakaligtas sa kanila.

"I want to feel uncomfortable because Zapp is still no where to be found but man! This place is like a paradise. Malinis. Walang kalat. Walang polusyon," namamangha sambit ni Addison habang nakahawak sa kanyang video camera.

Napatango ang katabi niyang si Chester; tila sumasang-ayon ito. "Tignan mo 'yong mga puno, napakalabong. Bukod pa ro'n may mga bunga."

"Kanina pa ang ako natatakam sa mga manggang 'yan," bahagyang nakasimangot na sambit ni Suzy.

"Matakam ka lang Zy pero 'wag kang kukuha," tila may pagbabanta sa boses ni Tulip. "Hindi tayo sigurado kung safe 'yan. Paano kung nililinlang lang nila tayo? What if, ang totoong anyo ng mga manggang 'yan ay nabubulok na at inuuod?"

Lalong napasimangot si Suzy dahil sa sinabi ng kaibigan. "Tups, minsan naman 'wag kang panira."

"What? I'm just warning you," sagot na lamang ni Tulip.

Nagulat sila nang sumigaw si Bianka. Nakaturo ang hintuturo niya sa direksyon ng dalawang nilalang na nauuna sa kanila. Nakatayo ang mga ito sa harap ng isang lumang tulay. Kawayan ang pundasyon. Tila ano mang oras ay bibigay na ito sa ilog na nasa ibaba.

Nakaharap sa kanila ang dalawa kaya't nahinto sila sa paglalakad.

"What now?" bulong ni Addison habang mahigpit ang hawak sa video camera.

"Hindi namin alam kung ano ang intensyon niyo, malalaman lang namin 'yan kapag ka tumawid kayo rito," sabi ng babaeng naka-itim na bestida. Hindi na namumutla ang balat nito. Normal na ito kung titignan.

"Tatawid lang tapos. . . ano'ng mangyayari? What will happen next?" Tanong ni Suzy.

"Ang makakatawid hanggang dulo ibig sabihin may magandang intensyon, o di kaya ay sinugo upang makarating dito sa aming mundo." Ang tikbalang na nagkatawang tao na ang sumagot sa tanong na 'yon.

"At kapag hindi nakatuwid hanggang dulo?" Patanong na sambit Bianka. Bakas sa mukha niya ang kaba.

Ngumisi ang lalaki. "Kakainin ng ilog."

Nagitla sila sa sinabi ng lalaki. Muling bumilis ang tibok ng kanilang dibdib. Tila dumoble pa nga ang kaba at takot na namuo roon. At muling nagulat ang magkakaibigan nang nagmura si Gigi.

"I knew it," sambit pa niya. "This place is too good to be real."

Tinignan siya ng kanyang mga kaibigan na tila nagtatakha sa sinabi niya kahit pa nababakas ang takot sa kanilang mga mukha.

"W-What do you mean?" Tanong ni Bianka na siyang nasa kanan niya.

Huminga nang malalim si Gigi habang nakatingin nang diretso sa dalawang nilalang.

"This place reminds me of Utopia. And for the record Utopia is not a perfect place. Its not even existing." Niyukom niya ang kanyang kamao. "Prepare yourselves Trippers. This is not going to be easy. Tatawirin natin ang tulay na 'yan."

"What?!"

Kanya-kanyang reaksyon ang kanyang mga kaibigan kung kaya't hinarap niya ang mga ito. Natatakot man ay kailangan niyang makumbinsi ang mga kaibigan. Hindi man sigurado ang patutunguhan ay kailangan nilang sumubok. They need to; they have to - for the sake of friend.

"I told you, we need to get Zapp back. Whatever it takes." At walang anu-ano'y naglakad palapit sa dalawang nilalang na nakikinig sa kanilang usapan.

"It's okay," nakangiting sambit ni Tulip na tila kinukumbinsi ang mga kaibigan. "Everything will be okay."

Tumango-tango sila. Nando'n pa rin ang takot at pangamba ngunit mas namamayani ang kanilang paniniwala at determinasyon na makikita nila si Zapp. For their friend, Zapp, who didn't turn his back on them. They will do it. Whatever it may cost. Whatever it takes.

Sabay-sabay na umusal ng taimtim na panalangin ang magkakaibigan, bago sumunod kay Gigi at sa dalawang nilalang.

They weren't in Utopia. Those two creatures aren't Utopians. Utopia isn't real after all. Maganda man ang kapaligiran. Malinis. At tila isang perpketong lugar para sa mga tao ay hindi pa rin maikakaila na may tinatago itong kasamaan.

Ang tulay. Ang ilog. Wala na silang pakialam pa kung ano'ng mangyayari sa pagtapak nila rito. Mahuhulog ba o makakatawid sa dulo? Pinilit nilang inalis sa isipan ang katanungang 'yon.

What should matter is Zapp; their friendship and their faith.

STOP OVER 8

The Horror Trip (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon