12. Judge and judgment

1.5K 61 15
                                    


THE HORROR TRIP

12. Judge and Judgment

xxxx

Malakas ang pag-alsa ng tubig sa ilog nang tumalon si Gigi dahil na rin sa taas ng kanyang pinagtalunan. Kaagad siyang nakaramdam ng pangingilabot dahil sa lamig ng tubig na ngayong sumasakop na sa buong niyang katawan.

Malinaw at malinis ang ilog kung kaya't hindi nahihirapan ang kanyang mga mata habang nakalubog sa tubig.

Sumisid siya pailalim upang hanapin si Bianka ngunit hindi niya ito nakita.

Aahon na sana siya upang ipa-alam sa mga kaibigan na gagawin niya ang lahat upang makita si Bianka ngunit mabilis na tumibok ang kanyang puso nang hindi siya maka-ahon kahit ano'ng gawin niya. Tila may humihigop na pwersa sa kanya para mapunta lalo sa ilalim ng ilog. At sa isang iglap, tila may hipo-hipo sa tubig na unti-unti hinihigop ang kanyang katawan. Gusto niya mang sumigaw ay hindi niya magawa dahil siguradong mapupuno ng tubig ang loob ng kanyang katawan kapag ginawa niya 'yon. Nahihirapan na siyang huminga habang paikot-ikot sa hipo-hipo na tinatangay siya pailalim.

Ang tangi niya na lamang nagawa ay pumikit ay nagdasal sa kanyang isip.


-+-

NARINIG ni Paci ang sigawan ng magkakaibigan sa loob ng bahay ni Fiyen kung kaya't mabilis siyang humakbang at pinasok ang mga ito. Nang makarating sa kwartong kinaroroonan ng magkakaibigan, naabutan niya kaagad ang mga ito na katabi ng isang lalaking nakahandusay sa sahig.

Umiiyak ang mga babae at tila takot na hawakan ang kaibigan nila. Ang tangi na lamang nilang nagawa ay pagmasdan ito habang tuloy-tuloy ang pag-agos ng mga luha.

Ang dalawang lalaki naman ay parehong tahimik sa gilid ng kanilang kaibigan habang tila tulala dahil hindi sila gumagalaw sa kanilang mga pwesto. Ngunit sa mga mata nila ay nakikita ang unti-unting pagkawala ng luha.

Napatingin din si Paci sa kanyang paanan nang makita ang pulang umaagos sa sahig mula sa ilalim ng isang papag sa gilid.

Pagkatapos ay mabilis na nilingon si Fiyen na nasa kanyang likuran.

"Fiyen!" sigaw ni Paci. May bakas ng galit sa tono niya habang pinanlilisikan ng mata ang babaeng manananggal.

Nanlaki ang mata ni Fiyen. Napa-urong sa sigaw ni Paci. Bakas ang takot sa ekspresyon ng mukha nito.

"A-Ano. . ." Na-u-utal ito. Tila nabuhol ang dila. Malayong-malayo sa manananggal na hinabol ang magkakaibigan habang tumatawa.

"You killed our friend!" sigaw ni Addison nang marehistro na sa kanya ang pangyayari. Susugod na sana ito kay Fiyen nang mabilis na hinawakan ni Suzy ang kamay niya - tila pinipigilan siya.

"Addison, no," bulong nito habang kinakagat ang labi. Mapula at namamaga ang mga mata. "We can't bear to lose another friend."

"B-But he killed Zapper!" Nakayukom na ang kamao ni Addison. Nanginginig siya sa galit.

"Fiyen!" muling sigaw ni Paci. "Ano'ng ginawa mo?!"

Umiling si Fiyen. "T-Teka. . . Teka . . . H-Hindi ko siya pinatay! Hindi ako mamamatay-tao at mas lalong hindi ako kumakain ng tao!" Pagdepensa niya sa kanyang sarili. "Sa katunayan nga friends kami ng lalaking 'yan!"

"Friends?" Hindi makapaniwalang tanong ni Tulip. "Isa kang manananggal for pete's sake! Hindi makikipagkaibigan sa 'yo si Zapp! Never." Suminghap siya at itinuro ang pulang umaagos sa panan ni Paci. "Isa pa, kung hindi mo siya pinatay ano ang dugong 'yon-"

The Horror Trip (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon