THE HORROR TRIP
19. Stubborn as a mule
xxxx
Nang makasakay si Suzy kay Ordi, nagulat ang dalaga nang bigla na lamang itong nagtatakbo palayo kaya't mabilis siyang napakapit rito. Narinig niya pa ang pagtawag ng kanyang mga kaibigan sa kanyang pangalan. Lilingon na sana ito nang marinig niyang nagsalita ang nilalang na kanyang sinasakyan.
"'Wag kang lilingon."
"B-Bakit?" Takot man at naguguluhan ay tinatatagan niya ang kanyang loob.
"'Wag ka ng magtanong. Kailangan natin maghanap ng pagtataguan mo," rinig niyang sagot ni Ordi.
"B-Bakit?"
"Dahil kapag naabutan ka niya, wala ka ng kawala."
Nanlaki ang mga mata ni Suzy. Nililipad ang kanyang buhok dahil sa bilis ng pagtakbo ni Ordi. Hindi na niya masyadong napapansin ang kapaligiran dahil sa kaba.
"B-Bakit?"
"Sabi ng 'wag ng magtanong, e." Tila naiiritang bulaslas ng tikbalang.
Napakunot ng noo si Suzy.
"E, sagot ka naman nang sgaot kaya nagtatanong ako!"
Hindi na siya nakarinig pa ng kasagutan sa nilalang kaya't nagsalita siyang muli.
"Gano'n ba ako kaganda para magkagusto sa 'kin 'yung engkantong 'yon? Gano'n ka ba kalakas ang charisma ko? Ang alindog ko?"
"Oo," rinig niyang sagot ni Ordi.
"Talaga?!"
"Pang-engkanto kasi ang ganda mo," sagot muli nito pagkatapos ay narinig ni Suzy ang bahagyang pagtawa nito.
Sa labas na pagkadismaya sa sagot at sa buhol-buhol na pag-iisip dahil sa gulat sa pangyayari ay mabilis na dumapo ang kamay niya sa ulo ni Ordi at bigla niya itong binatukan.
Bumagal ang pagtakbo ni Ordi hanggang sa nahinto ito nang tuluyan. Napatingin naman si Suzy sa kanyang palad at napalunok.
"Binatukan mo ba ako?" Seryoso ang tono ni Ordi, bahagya ng nakalingon ang ulo nito sa direksyon ni Suzy.
Mabilis na napa-iling si Suzy pagkatapos ay lumunok.
"Hindi ah!" sagot niya. "Imaginination mo lang 'yon." Tumawa siya at bahagyang tinapik ang balikat ni Ordi. "Oo tama, lawak ng imagination mo. Alam mo, p'wede kang maging writer." Tumatawa na naman siya. "Ako magiging number fan mo."
Narinig niya ang palatak ni Ordi. "Tsk. Para kang baliw."
At hindi na naman niya napigilan ang sarili at muli niyang nabatukan si Ordi.
"Hala. Hindi kita binatukan, ah! Gumagana na naman 'yang imagination mo." Tumawa na naman siya. "So galing naman this tikbalang."
Napa-iling na lamang si Ordi at nagsimula na muling ihakbang ang kanyang mga paa sabay bulong sa sarili.
"Kumpirmado. Malakas ang toyo ng babaeng 'to. Sayang maganda pa naman."
Ang hindi alam ni Ordi, narinig ni Suzy ang sinabi niyang 'yon. Mahigpit ang hawak ni Suzy sa kanyang kamay tila pinipigilan ang sarili na mabatukan na naman ang nilalang na kasama.
"'Wag kang mamisikal Suzira kung gusto mo pang mabuhay," bulong ni Suzy sa kanyang sarili at napapikit na lamang.
-+-
BINABASA MO ANG
The Horror Trip (Completed)
رعبHorror confessions and one horror trip. Pitong kabataan sa isang barkada na kung tawagin nila ay "The Trippers" na mahilig sa mga kababalaghan at misteryo na gustong maging myembro ng Horror Society. Gusto mo bang sumama sa kanilang byahe? Halina't...