THE HORROR TRIP
7. Hope and the other world
xxxx
Hindi pa rin huminto ang anim sa pagsigaw ng pangalan ng kanilang kaibigan na dinagit ng manananggal. Nakatingala pa rin sila sa itaas at tinatanaw ito.
"What to do? What to do?" Tanong ni Suzy. Natatakot ito para sa kaibigan. Hindi niya maiwasang pangilidan ng luha dahil sa kaba.
Maging sina Bianka at Tulip ay balisa na rin sa kakasigaw.
Napayukom ng kamao si Gigi habang nakatanaw sa itaas. Ngunit hindi na nila matanaw ang manananggal at ang kaibigan. Tanging ang bilog na buwan na lamang at mangilan-ngilang ibon na nagliliparan sa iba't ibang direksyon.
"He's scared as shit! He's always scared like hell. So, we have to get him whatever it takes." Matigas na sambit ni Gigi. "Baka sa takot 'yon mamatay at hindi dahil kinain siya no'ng manananggal."
Mabilis na tumango sina Addison at Chester na tila sang-ayon sa sinabi ng kanilang kaibigan. May takot at panlulumo silang nararamdaman ngunit hindi sila rito magpapatalo.
They can't just let that creature take Zapp away from them. Duwag man ito at laging takot, kaibigan pa rin nila ito. In the first place, Zapp didn't like the idea of this Horror Trip thingy. Pero dahil kaibigan sila ni Zapp, hindi sila natiis ng binata.
"Let's go over there!" sabay turo ni Addison sa kanilang harapan. "Zapp's still wearing his headband flashlight. Madali natin silang makikita dahil sa liwanag."
Naghawak-hawak kamay ang mga babae. Nanginginig man at may takot ay determinado silang mailigtas si Zapp.
"Don't forget to pray guys," bulong ni Tulip. "Kahit sa isip lang. Dasal pa rin tayo."
Tumango sila at hinahanda na ang mga sarili sa pagtakbo.
"Ngayon na!" sigaw ni Chester at sabay-sabay nilang tinahak ang madilim na daan. Habang tumatakbo, nakapokus ang kanilang atensyon sa kaliwang bahagi nang daan. Sinisigaw ang pangalan ni Zapp. Nagbabakasaling malapit na sila rito o marinig sila ng kaibigan. Hindi nila inindana ng bigat ng kanilang mga back pack na dala-dala. Ang importante makita nila ang kaibigan at matulungan itong makaligtas sa manananggal na dumagit dito.
"Zapp!"
"Zapp! Make a sound or else we're going to leave you!" Pananakot ni Gigi.
Nakalayo na sila ngunit hindi pa rin nila makita si Zapp. Panaka-kanang ina-angat ang ulo baka kasaling makita nila ito sa ere ngunit wala.
Patuloy sila sa pagsigaw. Tilang walang kapaguran.
"Zapp! You're a coward but a smart boy. Use your brain, idiot!" sigaw muli ni Gigi habang pinipigilan ang pagtulo ng kanyanng luha.
Ilang minuto na kasi ang nakalipas ay wala pa ring bakas ni Zapp o ng manananggal. Pawisin na ang kanilang noo't likuran ngunit tila hindi nila ito iniinda.
"Everything will be okay," pagpapalakas ng loob ni Chester sa kanila. "Zapp know what to do. Duwag lang 'yon pero hindi tanga. You guys know him."
Napatango na lamang ang mga babae habang patuloy sa pagtakbo. Tahimik na nag-uusal ng dasal para sa kaligtasan ng kanilang kaibigan.
"Zapp!" sigaw ni Suzy, bumigay na ang luha niya. "You have to be alive. Wala na akong maasar!
"K-Kapag namatay ka, magiging multo ka. Ayaw mo 'yon 'di ba? Takot ka sa multo 'di ba?" Sigaw ni Bianka habang pinipigilan ang pagbaha ng tubig ng kanyang mata. Pansamantala na rin niyang itinago ang salamin sa bulsa ng kanyang back back."S-Sige ka. . . bahala ka. Ikaw din."
BINABASA MO ANG
The Horror Trip (Completed)
HorreurHorror confessions and one horror trip. Pitong kabataan sa isang barkada na kung tawagin nila ay "The Trippers" na mahilig sa mga kababalaghan at misteryo na gustong maging myembro ng Horror Society. Gusto mo bang sumama sa kanilang byahe? Halina't...