Happy almost 7k reads Trippers!!! <3
THE HORROR TRIP
xxxx
25. UPSHOT
Isang linggo ng wala balita sa isa't isa ang magkakaibigan simula nang maka-uwi sila sa kani-kanilang bahay. Isang linggo na silang tila preso sa mga sarili nilang tahanan.
Walang gadgets, walang internet, bawal lumabas o manuod man lang ng telebisyon. Gano'n sila pinaghigpitan ng kanilang mga magulang dahil sa dalawang taon nilang pagkawala.
Hindi gano'n kadali ang pinagdaanan ng mga ito sa paghahanap sa kanila. Dalawang taon silang nagluksa sa pagkawala ng kanilang mga anak na akala nila'y hindi na magbabalik pa.
Ang paalam ng mga ito ay isang linggo lang. Pumayag sila nang mga panahon na 'yon dahil kilala naman nila ang mga ito. May kalokohan ngunit may takot sa Diyos. At isa pa, tiwala sila sa mga ito dahil halos sila-sila rin ang nagkakasama.
Ang apartment na inuupahan nila Gigi, Suzy, Bianca at Tulip ay pagmamay-ari ng pamilya nina Addison. May sarili ring apartment ang mga lalaki na malapit doon.
Ang kanilang mga magulang ay malapit sa isa't isa nang dahil sa pagkakaibigan nila.
"Mom, seriously, let me go out," tila naglalambing na pakiusap ni Addison sa kanyang Mommy nang matyempuhan niya ito na nagdidilig ng mga halaman sa kanilang hardin. "Please?"
Mabilisan lang siyang sinulyapan nito. "No, Addison."
Mabilis na naglukot ang mukha ni Addison. "Then, let me just use my phone or the internet-"
"No. Go back to your room. Magbasa ka nalang ng libro."
"Mommy!"
"What?"
Napanguso si Addison. "Why are you doing this to me? Ang dami nating gadget, mabilis ang internet pero ayaw niyong pagamit sa 'kin."
Ibinaba ng kanyang Mommy ang hawak nitong kulay pulang pandilig sa ibabaw ng mesa sa kanilang tabi saka siya nilingon.
"Addison Montemayor, may I remind you that you were gone for two years! Dalawang taon! You get me? Two years was not a joke. Your punishment doesn't even worth that two years, so please... just do what I said."
Napabuntong hininga si Addison. "I'm sorry Mom." Tinignan niya sa mata ang kanyang Ina. "I'm really sorry."
-+-
"Bunsoy!"
"What the?!" Inis na sambit ni Bianka sabay kuha sa hawak niyang libro kanina na bigla na lang initsa ng kanyang Kuya sa paanan ng kamang kinauupuan nila. "Kuya, please. Istorbuhin mo na lahat 'wag lang ako na nagbabasa."
Ginulo ng kanyang Kuya ang mahaba niyang buhok na hindi niya nagustuhan dahil humarang sa mata niya ang ilang hibla.
"Kuya!"
"Dalawang taon kang nawala, wala ka pa ring pinagbago. Mahilig ka pa rin sa pagbabasa kaya lumalabo mata mo, e." Kinuha ulit ng kanyang Kuya Bart ang hawak niyang libro. "Tss, horror na naman kaya ka nagmumukhang multo, e." Tawa-tawa pa nitong sabi kaya't nasuntok niya ito sa braso.
"Hindi ako mukhang multo!" Giit niya saka inayos ang salamin na suot at binuklat muli ang libro. "'Yang nasa gilid mo 'yong multo."
Napansin niyang nanahimik ang Kuya Bart niya kaya't lihim siyang napangisi.
"Bunsoy... 'wag mong sabihin na... meron kang nakikita na hindi ko nakikita?"Hindi niya sinagot ang tanong ng kanyang Kuya Bart kaya't hindi na siya nagulat nang yugyugin siya nito sa kanyang braso.
BINABASA MO ANG
The Horror Trip (Completed)
HorrorHorror confessions and one horror trip. Pitong kabataan sa isang barkada na kung tawagin nila ay "The Trippers" na mahilig sa mga kababalaghan at misteryo na gustong maging myembro ng Horror Society. Gusto mo bang sumama sa kanilang byahe? Halina't...