1. Still Holy

4.5K 90 10
                                    

THE HORROR TRIP

1. Still Holy

xxxxx

"Can you please make it faster?" ani Gigi sa tatlo niyang kaibigan na kasama niya sa i-isang apartment na inuupahan. "Parating na nyan ang mga boys." Pumalakpak ito habang nakatingin sa tatlo na naglalagay pa rin ng mga damit sa kanya-kanya nilang mga bag. "Dali! Dali! Dali!"

Sumimangot si Gigi nang batuhin siya ng kulay itim na t-shirt ni Suzy. Sapul na sapul 'yon sa mukha niya. Narinig niya pang natawa ang mga ito.

Nang tanggalin na niya ang damit, tinignan niya ng masama si Suzy na natatawa pa rin.

"You!" dinuro niya ito. "Ang pilya mo talaga kahit kailan!"

Sinara na ni Suzy ang zipper ng back pack niya pagkatapos ay tinignan si Gigi. Kumindat ito.

"At least maganda," sabay hagikgik.

Napa-iling na lang si Gigi at nilapitan si Tulip na nasa kabilang kama kasama si Bianka na hindi pa rin tapos sa pag-aayos.

"Mga ineng, 2016 na po baka gusto niyong bilisan?" aniya at muling napasimangot nang makitang sobrang daming damit ang inilalagay ng mga kasama. "Hoy! Ba't ang dami kasi nyan? Ano'ng akala niyo sa pupuntahan natin, outing? Party-party?"

Napalingon si Gigi nang marinig niyang natawa na naman si Suzy.

"Totoo naman, ah? Party-party pupuntahan natin." Kumurba ang isang ngisi sa mapula-pulang labi nito. "Party-party ng mga kababalaghan. Woo-" Hindi nito natuloy ang sinasabi nang binato siya ng face towel ni Tulip.

"Ang ingay mo Zy! Tumulong ka na lang kaya?" Hinarap din nito si Gigi na nakatayo malapit sa kanila. "Ikaw din Gigi, ang i-ingay niyo, 'di tuloy ako makapag-concentrate sa paglagay ng damit." Suminghal ito. "Manahimik please, baka masako ko kayo."

Umalingasaw ang malakas na pagtawa ni Bianka kaya't napalingon silang tatlo rito na may pagtatakha.

Napataas ng kilay si Gigi. Nakakunot noo naman si Suzy at nanliliit ang mga mata ni Tulip.

"Bakit?" sabay-sabay na tanong ng tatlo.

Isinara na ni Bianka ang zipper ng bag. Tumayo at isinuot bago nagsalitang muli.

"Pare-pareho lang naman kayong maingay, ako magsako sa inyo, e at itatapon ko kayo sa ilog pasig!" aniya at itinali ang itim na buhok at inayos ang salamin na suot. "Tara na sa labas at do'n maghintay."

Sakto namang nakarinig sila ng ilang sunod-sunod na busina kaya't nagsilabasan na.

"Yo, wassup?" bungad ni Addison nang makita ang mga kaibigang babae na kakalabas lang apartment. Nakita niyang nilock ni Gigi ang gate habang lumapit naman sa kanya 'yong tatlo. "Pasok na sa loob."

Nasa shot-gun seat siya, nakabukas ang bintana.

Kumunot ang noo ng mga babae.

"How can we enter if the door is still close?" tanong ni Suzy na nakakunot ang noo. Kinatok nito ang pinto.

Napalingon si Addison sa likuran niya at sinita ang isang kaibigan na ayaw buksan ang pinto.

"Zapp, open the door," utos nito.

Mariing umiling si Zapp nang ilang beses habang nakasiksik sa kaliwang bahagi ng puting van.

"Ayoko! Uwi na kasi ako, e!"

"Ano 'yan? Ano 'yan?" malakas na pagkakasabi ni Gigi matapos i-lock ang gate nila. Lumapit ito sa mga kaibigan.

Tumawa si Bianka. "Ayaw tayong pagbuksan. Sad life."

The Horror Trip (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon