9. Toying

1.5K 54 7
                                    



THE HORROR TRIP

9. Toying

xxxx

"Sino'ng mauuna?" Tanong ng tikbalang na nagkatawang tao. Katabi nito ang babaeng nakasuot ng itim na bestida.

Napa-irap si Suzy sa kabila ng kaba. "Psh, parang sinabi mo na rin kung sinong unang kukunin ni Lord."

"Suzy. ." saway ng kanyang mga kaibigan kaya't napangiwi na lamang siya sabay peace sign.

Nasa harapan na sila ng lumang tulay. Naririnig na nila nang mas maayos ang agos ng tubig sa ilog.

Itinaas ni Addison ang kanyang kamay kaya't napatingin sila rito. Nagulat pa si Chester sa ginawa niya.

"Oh, you wanna go first?" may pagkagulat pa ring tanong ni Chester.

Nanlaki nang bahagya ang mata ni Addison sabay iling. "N-No. I-Itatanong ko lang sana kung ano'ng lamang tubig ang meron sa ilog nila." Napipilitang siyang ngumiti. "There's no shark there, right?"

"Addi," singit ni Gigi. "Sharks are living in the sea. Hindi sa ilog."

Na siyang ikinatango ng kanilang mga kaibigan na tila sumasang-ayon sa sinabi ni Gigi.

"I know that," napapahiyang sagot ni Addison. "I just wanna make sure. Sabi nga nila nasa mundo nila tayo. Anything impossible in our world might be possible here."

Ngumisi si Bianka. "Naks. Taba ng utak."

Aasarin pa sana ng magkakaibigan si Addison kung hindi lang sumingit ang babae. Na-agaw kaagad nito ang atensyon nilang anim.

"Kung walang gustong mauna, sabay-sabay na lang kayong tumawid." Ngumisi ito. "Para kung may mahulog, sabay-sabay din."

"What the. . ." Nakakunot-noong sambit ni Tulip. "Why are you so mean? Isasama kita sa prayers ko baka sakaling bumait ka naman."

Hinarap siya ng babae. "Mabait ako. Hindi lang halata."

Napa-irap na lamang si Tulip. "Huh, really."

"Tups." Hinawakan ni Suzy ang braso niya. "Stop it. Stop arguing with that creature. Fear for your life."

"Yes, I do." Tumango si Tulip. "So, I shut up na."

"Trippers," tawag pansin ni Gigi kaya't tumingin sila rito. "I know we are afraid. I don't know what will happen too." Kinagat niya ang ibabang labi. "But if we die here, then okay. 'Di ba napag-usapan na na 'tin 'to, bago tayo tumuloy sa Horror trip na 'to? We already thought of possibilities. Kung oras na natin, oras na natin. Pero kung may magagawa tayo at hahayaan tayo ni God na makasurvive sa mga ginagawa na 'tin, then I think we should do our best." Ngumiti siya. "We're not here to make riot, or to destroy them. We're here to make discoveries - to unfold mysteries - to know ourselves well - to learn something that we could use in the future – to be a better person and last, to become a better friend." Nangilid ang luha sa kanyang mga mata. Suminghap siya pagkatapos ay tumango. "Are you ready?" Inilahad niya ang kanyang kamay sa harapan. "Let's go and get Zapp. . . together."

Hawak-hawak kamay ang magkakaibigan na pinapangunahan ni Chester sa harapan. Sa likuran niya ay si Gigi, sunod si Tulip, tapos si Bianka at Suzy, panghuli si Addison. Binalanse nila ang sarili kung sakali mang may mangyaring hindi maganda ay kaagad nilang magagawan ng paraan.

Nasa kabilang dulo na ang dalawang nilalang. Naghihintay sa mangyayari. Naka-abang lamang ang mga mata ng dalawa sa magkakaibigan. Minsa'y magbubulungan na sila lamang dalawa ang nakakarinig.

"Oh my gosh, gusto ko na atang magpahulog!" Hindi makapaniwalang sambit ni Bianka. "Totoo ba ang nakikita ko?! Ang linis ng ilog! Nakikita ko ang repleksyon natin at ng tulay sa tubig."

Dahan-dahan ang kanilang paghakbang habang mahigpit ang kapit sa isa't isa. Nag-i-ingat. Hindi nagpapakampante kahit nakita na nila ng tuluyang ang ilog sa ibaba.

"Look! May mga isda pa!" sabi naman ni Suzy.

"Oh my!"impit na sambit ni Tulip nang tumunog at bahagyang gumalaw ang kahoy na tulay.

"Guys! Be careful," paalala ni Gigi. "Remember, we sacrificed our back packs for this."

Iniwan nila ang kanilang mga dala-dalang back packs sa harapan ng tulay. Dahil makakabigat lamang ang mga ito kung bi-bit-bitin pa nila at baka ito pa ang maging dahilan ng pagkahulog nila sa ilog.

"Yeah," tila dismayadong bulong ni Addison. "Bye beng-beng chocolates."

"Rick kid pero sa beng-beng na tig-limampiso pa na-adik," pabirong pasaring ni Suzy. "You gotta be kidding dude."

"Ikaw kaya nagpatikim sa 'kin no'n!" balik naman ni Addison. "It's your fault."

"The fault is in the stars, okay?" Pang-aasar pa ni Suzy.

Sasagot pa sana si Addison nang suwayin na sila ng kanilang mga kaibigan dahil nasa gitnang bahagi na sila ng tulay. Ilang hakbang na lamang at makakatawid na sila.

And they succeeds. Nagtatalon sila sa tuwa nang makatapak sila sa kabilang daan. Sa sobrang galak, nagpatuloy sila sa pagtalon at pagsigaw na animo'y nanalo sa lotto.

Halos maiyak sila sa nagawa at nananitili ang pag-asa sa kanilang mga dibdib. At last! Mahahanap na nila si Zapp!

Ngunit ang mga masayang pagsigaw at pagtalon ay nahinto. Napalitan ito ng isang sigaw na puno nang takot. Gulat man sa nangyari ay hindi maalis ang labis na pag-aalala nang mawala sa balanse ang isa sa kanila at nahulog ito ilog.

"Bianka!"

Hindi magkanda-u-ga-ga ang magkakaibigan habang tinitignan ang tuluyang pagkabagsak ni Bianka sa ilog dahil na rin sa malakas na pag-alsa ng tubig. At mas lalo silang natakot nang hindi na nila nakita pa ang pag-ahon nito.

Samantalang ang dalawang nilalang ay tahimik lamang na nagmamasid sa mga ito. Walang reaksyon ang mga mukha habang pinapanuod ang magkakaibigan na hindi magkamaway sa pagsigaw habang nakadungaw ang mga ulo sa ilog.

At isa pang sigaw ng pangalan nang panibagong kaibigan ang namayani sa lugar.

"Gigi!"

Napatakip nang bibig si Tulip habang tuloy-tuloy ang pagbagsak ng luha ni Suzy. Ang kabang naramdaman nila kanina ay dumoble pa. Tumayo si Chester mula sa pagkakaluhod sa gilid ng ilog at pinuntahan ang dalawang nilalang.

"Tulungan niyo kami!" pakiusap niya. "Iligtas niyo ang mga kaibigan ko. Nakuha niyo na si Zapp, tama na! Pakiusap, tama na! Hindi kami masamang tao! Aalis na kami! Iligtas niyo sila. Ibalik niyo sila!"

Ang pag-asang namayani sa dibdib ni Chester ay naglaho nang ngumiti lamang ang tikbalang na nagkatawang tao, samantalang nakatingin lang sa kanya ang babaeng bampira.

Sa galit – pagkadismaya at sa halo-halong emosyon na nararamdaman niya at ang paka-asar niya sa reaksyon ng lalaki ay nasugod niya ito at nasuntok sa mukha kung kaya't bahagyang tumabingi ang ulo nito ngunit hindi ito gumanti man lang kay Chester.

"If you don't have any friends; don't know the meaning of friendship or worst you don't have any emotions then fuck you! Fuck you to death! Kapag hindi ko nakita ang mga kaibigan ko ng buhay, you better prepare yourself because I won't go easy on you." Dinuro niya ito. "Hindi ako matatakot kahit hindi ka tao."

"C-Chester. . ." Iyak ni Tulip habang nakayakap na sa kaibigang si Suzy. "P-Please let's do s-something."

"If we trust Zapp that he can make it alive then we have to trust Gigi too that she can save Bianka," sambit ng kanina pa nanahimik na si Addison. "Gigi's a swimmer. Varsity in our university, remember? We have to trust our friends too. They'll be safe."

Nagulat sila nang makarinig ng palakpak. Nilingon nila ang dalawang nilalang na patuloy pa rin sa pagpalaklak habang may mga ngiti sa labi ng mga ito.

Naguguluhan sila. Nalilito. Ano'ng ibig sabihin ng palakpak na 'yon at ang ngiti sa mga labi ng mga ito?

These two creatures. . . are they really toying them, for real?

Or. . .not?

STOP OVER 9.

The Horror Trip (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon