THE HORROR TRIP
15. A promise made is a promise kept
xxxx
Apat oras na ang nakalipas nang magsimulang magdasal ang magkakaibigan. Magkakahawak sila ng kanilang mga kamay habang nasa gitna nila ang kandilang kahel.
Seryoso ang lahat. Nakikinig sa dasal ng bawat isa. Salit-salitan sila. Hindi sila p'wedeng magsabay-sabay. Hindi sila p'wedeng magbigkas ng isang dasal na memoryado nilang lahat. Dapat mula sa puso. Dapat ang dasal na kanilang sasambitin ay mula sa kanilang emosyon upang matibag ang pader na ginawa ng tagapagparusa at makalaya ang kanilang mga kaibigan.
"Paalala lang, walang hihinto. Walang titigil. At isa pa, 'wag kayong magsambit ng dasal na memoryado ninyong lahat. Isa-isa sa pagbigkas." Paalala ni Paci sa kanilang lima bago sila nagsimula.
Habang nag-aalay ng dasal ay pare-pareho nakapikit ang kanilang mga mata. Mahigpit ang kapit sa isa't isa.
Para na naman silang nasa ibang mundo sa tuwing maririnig ang dasal ng bawat isa. Napakagaan ng pakiramdam. Para bang lahat ng imposible ay magiging posible. Tipong lahat ng masasama at hindi ka-aya-ayang pangyayari ay magiging maayos at balanse.
Samantalang nakabantay naman sina Paci at Ordi sa magkakaibigan. Isang oras na lamang at mag-a-alas-dose na ng hapon, ngunit hindi pa rin sumisindi ang kandilang kahel. Nanatili itong nakatayo sa gitna ng magkakaibigan ngunit walang kabuhay-buhay. Walang sindi. Walang apoy. Walang liwanag.
"Hindi pa rin sumisindi," bulong ni Ordi kay Paci. "Malapit na ang takdang oras."
Napatingin naman sa kanya si Paci at napalunok. "Heto ang kauna-unang may nagbalak na magligtas sa mga tao o nilalang na nahulog sa ilog. 'Eto ang kauna-unang nakakita ang ng matibay at totoong samahan. Ordi kahit ano'ng mangyari, kailangan natin silang tulungan."
"Ano'ng binabalak mo?" Tanong ni Ordi. Nakakunot na ang noo niya habang nakatingin sa kaibigan.
"Kung kinakailangan kong mag-alay ng isang taon ng buhay ko, gagawin ko," sagot ni Paci. "Kapag nabigo sila, wala na silang magagawa pa. Pero tayo. . . tayo Ordi, may magagawa."
Mabilis niyang hinawakan ang braso ni Paci at hinila palabas ng bahay ni Fiyen. "Naririnig mo ba ang sinasabi mo?"
Tumango si Paci. Determinado na siya. Kanina niya pa ito iniisip. Kakaibang pakiramdam ang nabibigay ng magkakaibigan sa kanya. Napakagaan. Komportable. Maaliwalas.
"Rinig na rinig ko Ordi," ngumiti siya. "Klarong-klaro pa sa sikat ng araw."
"Kung may kailangan mag-alay ng piraso ng buhay, si Fiyen 'yon! Hindi ikaw! Si Fiyen ang may sala kung bakit sila nandirito."
"Pero wala si Fiyen dito," sagot ni Paci. "Nakalimutan mo na ba? Ikaw mismo ang nagdala sa kanya sa Hopiro at sa makalawa pa siya makakaalis do'n." Umiling siya. "Hindi siya aabot Ordi."
"Pero bakit kailangan ikaw pa?" May bahid na ng pagka-irita sa boses nito. "Paci! Pinangako mo sa mga magulang mo na aalagaan mo ang sarili mo."
Bahagyang nagulat si Paci nang banggitin ni Ordi ang mga magulang niya. Ngunit sa kabila ng kanyang reaksyon ay pinilitan niya ito ng pagngiti.
"Pinangako ko rin sa kanila na kapag nakakilala ako ng taong magpaparamdam sa 'kin ng magaan at maaliwalas na pakiramdam ay gagawin ko ang lahat upang tulungan ang mga 'yon." Hinawakan niya ang kamay ni Ordi. "A promise made is a promise kept." Tinignan niya ito sa mga mata. "Naalala mo pa ba? Ang kwento kung paano naging maayos at balanse ang ating mundo? Dahil 'yon sa taong nakilala ng aking ina at ama. Dahil ang taong 'yon, ang nilalang na tumulong sa 'tin upang maging maayos ang pamumuhay nating mga taga-Hopian."
BINABASA MO ANG
The Horror Trip (Completed)
HorreurHorror confessions and one horror trip. Pitong kabataan sa isang barkada na kung tawagin nila ay "The Trippers" na mahilig sa mga kababalaghan at misteryo na gustong maging myembro ng Horror Society. Gusto mo bang sumama sa kanilang byahe? Halina't...