THE HORROR TRIP
6. Up the creek
xxxx
"Shit shit shit!" sunod-sunod na mura ni Suzy habang nasa loob sila ng sasakyan. Mabibigat ang mga paghinga at mabibilis ang pagtibok ng puso. Hinawakan niya ang kamay ni Tulip na nasa kanyang kaliwa. "Tups, nakakainis ka alam mo 'yon? Bakit mo tinuro?!"
Lumingon si Tulip sa kanya. "Kung hindi ko tinuro, edi ako lang nakakakita? Unfair 'yon! Ako lang takot, gano'n?!"
Umiling si Suzy. "Hindi. Dapat kay Zapp mo na lang tinuro tapos pinapikit mo na lang kami, 'di ba? Hina mo talaga."
"Hoy! Ako na naman?! Lagi na lang ako?! Putakte! Pati pagpatay kay Rizal, ako na rin!" sagot ni Zapp na nanlalaki pa ang mga mata.
"What should we do now?" tanong ni Addison at nilingon si Chester. Tinapik niya sa balikat ang kaibigan. "Bro, ano na?"
Nagkibit-balikat si Chester. "Hindi ko alam tsong. Hindi ko na nga rin alam kung tama pa ba 'tong ginagawa natin. Gusto natin ng kababalaghan, oo. Pero, parang sobra na 'to." Nakakunot ang noo niya habang sinasabi 'yon. Nilingon niya si Zapp na nasa likuran lang niya.
"Ikaw naman magdrive," pakiusap ni Chester.
Mabilis na umiling si Zapp. "Ayoko! Baka may sumulpot dyan sa harapan." Ininguso nito si Addison. "Si Addison na. Sa kanya naman sasakyan 'to."
"Sige bro," sagot ni Addison at ina-abot ang video camera na hawak niya kay Zapp. "Ako mag-da-drive tapos ikaw mag-re-record."
Mas lalong umiling si Zapp, nanlaki pa ang kanyang mga mata. "Mas lalong ayoko nga!" Nagulat naman siya nang itulak siya ni Gigi.
"Talagang 'wag! Baka puro sigaw mo lang marecord at marinig, baka akala nila nire-rape ka," seryosong sambit nito. "Magdrive ka na!"
Inis na nagkamot ng ulo si Zapp at nakipagpalit na ng pwesto kay Chester.
"Saan na tayo pupunta nyan?" biglang tanong ni Bianka na kanina pa tahimik. Nilingon nito si Tulip dahil narinig niyang bumubulong-bulong ito. Nag-uusal ng panalangin. "Hindi ba tayo bababa?"
"Bakit tayo bababa?! Walang bababa!" mabilis na sagot ni Zapp na nasa driver's seat na.
"E, anong gagawin natin n'yan?" Tanong ni Suzy. "Dito na lang ba tayo forever?"
Nilingon ni Bianka si Suzy. "Suzy, walang forever. 'Wag kang mangarap." Sabay baling niya ng tingin sa labas. "Kung titignan niyong mabuti, magka-iba ang lugar kanina atsaka ngayon pero pareho ng pangalan. What if, ito na 'yong totoong Baryo Pag-asa? Papalampasin pa ba natin kung dito talaga ang punta natin?"
Napalingon si Gigi. "Bianka's right. Sayang ang lahat ng efforts natin kung hindi tayo bababa. Kung takot ang papairalin sa bawat oras, wala tayong mapapala."
"Bawal matakot gano'n?!" Mabilis na tanong ni Zapp.
"Hindi ko sinabing bawal matakot! Baliw ka ba?" May bahid ng inis na sagot ni Gigi. "Hindi ka tao kung hindi ka natakot do'n sa mga pinagdaanan natin. Ang sinasabi ko lang, kailangan natin maging matapang para matapos na 'to. Heto ang gusto natin 'di ba? We freaking want to be part of that org!"
"Gigi's right," pagsang-ayon ni Addison bago isinabit ang camera niya sa kanyang leeg. "This horror trip is the best way to enter that org."
"Dati sa mga libro ko lang nababasa ang mga ganito hanggang sa nabuksan ang third eye ko. Tapos nakilala ko kayo na buksan din ang pangatlong mata. I badly want to do this with you trippers!" Nakangising sambit ni Bianka at inayos ang kanyang salamin.
BINABASA MO ANG
The Horror Trip (Completed)
HorrorHorror confessions and one horror trip. Pitong kabataan sa isang barkada na kung tawagin nila ay "The Trippers" na mahilig sa mga kababalaghan at misteryo na gustong maging myembro ng Horror Society. Gusto mo bang sumama sa kanilang byahe? Halina't...