p r o l o g u e

4.8K 120 16
                                    

THE HORROR TRIP

Prologue

"Maniniwala ka ba kapag sinabi kong. . . hinabol kami ng kabaong?!"

"E, kasi ganito 'yan. . . bigla na lang gumalaw 'yong bahay, hindi naman lumindol."

"May apoy na lumilipad akong nakita, akala ko wala lang pero putik muntik pa akong sunugin!"

"Nawalan kami ng ilaw as in kami lang tapos biglang naglitawan mga kulisap!"

"Uh. . . wala akong pakialam sa mga gano'n! Tigilan niyo ko sa mga kwentong ganyan, ah!"

"I think. . . I already seen one years ago. Medyo blur pero naramdaman ko talaga na tumagos sa 'kin 'yong puting energy. Though, not sure if that's a real ghost."

"Kapag takot ka, lalo ka nilang tatakutin."

Horror confessions and one horror trip. Pitong kabataan sa isang barkada na kung tawagin nila ay "The Trippers" na mahilig sa mga kababalaghan at misteryo na gustong maging myembro ng Horror Society. Isang organisasyon na gustong tuklasin ang mga misteryong nababalot sa mundo.

"Putakte! Sabi ng tigilan ako sa mga kwentong ganyan!"

"Ang bakla mo talaga tsong! Masaya 'to!"

"Pakyu times one thousand!"

Or not. May isa pa ring takot. At ang sabi nila, ang mga takot ay ang mga mas nilalapitan ng mga masasamang elemento at kung anu-ano pang panganib na nagbabadya sa kapaligiran.

Mga hindi nakikitang nilalang. Mga elemento na hindi kayang ipaliwanag ng siyensa. Mga kababalaghan na hindi malaman kung ano ang pinagmulan.

"Let's do Horror trip!"

"Ayoko nga!"

"Bakla!"

But one thing's for sure, God is with them. . . along the way. All the way, rather.

"Guys, dasal muna bago tayo umalis."

"In the Name of the Father, the Son and the Holy Spirit. . . ."

Amen.

The Horror Trip (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon