11. The why question

1.7K 63 13
                                    




THE HORROR TRIP

11. The why question

xxxx

They believe in ghosts and supernatural beings. They believe that there's a metaphysical world - and that place would give them answers to their questions. Bakit may multo? Bakit may mangkukulam? Bakit may aswang? Tikbalang? Manananggal? Kapre? At kung anu-ano pang iba't ibang nilalang na nasa paligid lang. Hindi man nakikita ng normal na mata. Alam nila na kapag nag-iisa ang isang tao, may kasama ito o 'di kaya'y nakamasid dito.

Maraming bakit ang gusto nilang mabigyan ng sagot. Gusto nilang imulat ang mga tao na hindi lang tao ang nabubuhay sa mundo.

Dahil simula pagkabata, may mga nagpapakita na sa kanila. Hanggang sa nagka-isip at napuno ng kuryusidad kung kaya't maraming bakit ang nagsulputan sa kanilang isip.

Ang sabi ng iba, wala daw multo. Ang mga kwentong aswang, manananggal, kapre at kung anu-ano pa ay gawa-gawa lamang ng mga matatanda para panakot sa mga batang matitigas ang ulo.

Multo lang naman ang nakikita nila, pero nang dahil sa Propesor nilang si David - na laging nagkukwento sa kanila ng tungkol sa iba't ibang nilalang ay umusbong muli ang kuryusidad sa kanilang dibdib.

"Sir Dave, niloloko niyo lang yata kami, e," nakasimangot na sambit ni Tulip. "Kung multo lang naman, maniniwala pa kami kasi nakakita na kami. Pero hello? Manananggal? Hindi 'yon totoo. Kwento lang 'yon ng mga matatanda."

Nagpa-iwan silang pito matapos ang klase sa loob ng kanilang classroom: kasama nila ang kanilang Propesor na si David.

Nakapabilog ang pagkaka-ayos ng mga upuan at tila may pinagpupulungan silang importanteng bagay.

"Yup," pagsalo naman ni Bianka sa komento ng kanyang kaibigan. "Nabasa ko sa mga lumang article na may mga manananggal o aswang daw na nagpapakita pero, duh, mukha namang gawa-gawa lang mga 'yon para kumita 'yong mga blog at dyaryo."

Bahagyang ngumiti si David habang nakatingin sa mga estudyante niyang hinihintay ang kanyang sasabihin.

"Do you believe in metaphysical world?" tanong niya sa mga ito.

Nakita niya kung paano nag-isip ang kanyang mga estudyante pagkatapos ay sabay-sabay na tumango sila pwera sa isa.

Napako ang atensyon nilang lahat kay Zapp na sunod-sunod ang pag-iling at tila naninigas sa mula kina-u-upuan.

"Bro?" Tawag pansin ni Addison dahil nasa kanan niya ito. "What's the matter?"

"Hindi ka naniniwala?" Tanong naman ni Suzy. "Sabagay, duwag ka kasi, e."

Imbes na maasar si Zapp, kabaliktaran ang reaksyon nito. Napapalunok at tila pinagpapawisan.

"K-Kapag ba sinabi kong naniniwala na ako dyan sa methaphysical na 'yan. . ." Lumunok itong muli. "Tatanggalin no'ng babae 'y-yong hawak niya sa p-paa ko?"

Napakunot sila ng noo sa sinabi nito kaya't nagkatinginan sila. Napangisi naman si David at ibinaba nito ang tingin sa may paanan ni Zapp.

"Babae?" Naguguluhang sambit ni Gigi. "Paa?"

"P-Putakte. . ." giit ni Zapp at huminga nang malalim. "Bat ang slow niyo?! May nakahawak sa paa ko! Kingina!" Atsaka ito mabilis na tumalon at sumampa sa upuan niya.

The Horror Trip (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon