3. The Prayer

2.1K 84 23
                                    

THE HORROR TRIP.

3. The Prayer

xxxx

Malakas ang tawanan nila nang biglang lumampas ang kulay pulang sasakyan na kanina'y nakabuntot sa kanila. Nagkatinginan silang pito at napa-iling.

"Pucha," ani Suzy. "Sayang ang kaba ko ro'n ah!"

Napangisi si Gigi. "Famous bhe."

"Pero, hindi ba kayo nagtatakha kung saan galing 'yong sasakyan na 'yon?" biglang tanong ni Tulip. "Wala naman kasi kanina sa likuran natin, e."

"Don't tell me pati sasakyan nagmumulto na?" tanong ni Bianka na medyo natatawa ba. "Ah, baka montero 'yon!"

Nagkibit-balikat na lang sila at tumingin sa dinadaanan. Umayos ang pagmamaneho ni Chester. Hindi tulad kanina na tipong liliparin na sila sa bilis.

"Oh, saan napunta 'yong pulang sasakyan na 'yon?" biglang tanong ni Gigi dahil hindi na mahagip ng mata nila ang sasakyan na kanina tanaw lang nila sa kanilang harapan.

"Addi! Where did the car go?" tanong ni Suzy.

Nilingon sila ni Addison. "I don't know. Nawala rin sa paningin ko." Tinignan nito si Chester. "Tsong, nakita mo ba kung saan lumiko?"

"Wala siyang p'wedeng likuan dito. Diretso lang ang daan." Nagkibit-balikat si Chester. "Nawala rin sa paningin ko. Alam ko nakasunod lang tayo, e."

Natahimik mula ang grupo. Kinuha ni Addison ang Video Camera niya at nagsimula muling magrecord.

"May nakasunod na sasakyan sa 'min kanina tapos nilagpasan kami. No'ng nasa harapan na namin 'yong sasakyan biglang nawala sa paningin namin. Parang bula na naglaho, tinangay ng hangin. Parang kaluluwa na-"

"PUTAKTE! PUTAKTE LANG TALAGA!"

Nagulat sila nang sumigaw si Zapp na kanina lang tahimik. Nilingon nila ito at nanlalaki ang mga mata.

Hinawakan ni Gigi ang kamay niya.

"Hoy! Napapano ka?!" Nag-aalala ang tono nito.

"'YONG SASAKYAN NASA LIKOD! TANGINA AYOKO NA!"

Sabay-sabay na nanlaki ang mga mata nila at dahan-dahang nilingon ang likuran ng sasakyan. Kumabog ang dibdib nang mabilis nang makitang ang pulang sasakyan na kanina'y nasa harapan nila, ngayo'y nasa likuran na naman nila at tila nakabuntot sa kanila.

"Shit got be real!" lintanya ni Gigi sabay on muli ng Video Camera niya. Binuksan ang bintana sa gilid at dinungaw ang ulo para makuhanan ang pulang sasakyan.

"Gigi! Close the window!" sambit ni Addison ngunit hindi ito pinakinggan ni Gigi at patuloy sa pagkuha ng video.

"Gigi pasok na!" giit din ni Suzy dahil kinakabahan ito para sa kaibigan.

"Oh my God!" bulaslas ni Gigi. Nanlalaki ang mga mata. "Tignan niyo 'yong pulang sasakyan!" sigaw niya. "Hindi talaga pula ang kulay. It's white!"

"Chester bilisan mo! Malapit na!" Tili ni Bianka dahil nakatingin din ito sa sasakyan na sumusunod sa kanila.

"Eto na nga." Ani Chester at mas binilisan ang pagmamaneho.

Naghawak kamay naman sina Zapp at Tulip at naimtim na nagdasal habang ang iba ang nakatingin pa rin sa sasakyan na sumusunod sa kanila.

"Putik! Dugo!" Sigaw ni Gigi habang nanginginig na ang kamay sa paghawak sa video camera habang kinukuhanan pa rin ang pulang sasakyan. "Shit! Walang driver!"

The Horror Trip (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon