THE HORROR TRIP
23. Game's over
xxxx
"Bakit ganyan istura mo?" May halo ng pagtatakha ang himig ni Ordi nang itanong niya 'yon kay Suzy pagkalabas na pagkalabas nito sa tahanan ng mga dwende.
Ngumiti si Suzy. "Bakit? Don't tell me, maganda pa rin ako?"
Naging matunog ang pagpalatak ni Ordi hanggang sa naging tawa ito.
"Maganda?" Pinigilan niya ang kanyang muling pagtawa. "Ganyan ba ang takot mo kay Shadwe? Kaya mo ginawa 'yan?" Itinuro ni Ordi ang mukha ni Suzy.
Nagkasalubong ang mga kilay ni Suzy saka hinampas gamit ang palad niya ang daliri ng tikbalang.
"Bakit ka natatawa?!" Tila naiinis niyang tanong. "Saka oo! Kaya ko ginawa 'to para lubayan ako ng anino na 'yon!"
Umayos nang tayo si Ordi. "'Wag kang mag-alala tungkol kay Shadwe, hindi ka niya gagambalain pa."
Bahagyang nanlaki ang mata ni Suzy. Napahawak pa ito sa braso ni Ordi dahil sa sinabi nito.
"Talaga?! As in, hindi na niya ako hahabulin? Hindi na niya ako gagawing asawa niya?!"
Nagulat si Ordi sa paghawak sa kanya ni Suzy ngunit hindi na lamang siya nagpahalata. Tumango siya bilang sagot sa tanong sa kanya ng dalaga.
Napapalakpak si Suzy na may kasama pang tili. "Yes!" Humawak siya sa kanyang dibdib. "Thanks God! I survived! I'm still alive. I;m still free!" Muli itong napapalakpak sa tuwa.
"Ano'ng ginagawa mo?" Tila na-we-weirdohang tanong sa kanya ni Ordi ngunit hindi niya 'yon pinansin at ipinagpatuloy ang pagpalakpak na may kasama na namang pagtili.
Nagulat si Ordi nang tapikin ni Suzy ang kanyang braso. "Pero kahit na hindi na ako a-anuhin no'ng anino, baka may iba naman dyang magkainteres sa ganda ko. Baka mamaya may sumulpot na namang ano'ng uri ng engkanto, maligno, semento, bato!" Ngumisi ito sa kanya. "O 'di ba, magkakatunog lahat ng binanggit ko? Ano bilib ka na ba?"
Napangiwi si Ordi habang nakatingin kay Suzy. "N-Nakakatakot ka," sambit niya na nagpalaho sa pangisi ng dalaga. "Wala ka na sa tamang katinuan. Iwanan na lang kaya kita rito?"
Mabilis na isinabit ni Suzy ang mga braso niya kay Ordi nang marinig niya ang sinabi nito. "What?! Iiwanan mo ko? Sinuswerte ka!" Medyo ekstraheradang sigaw niya. "Hindi mo baa lam 'yong biro, ha? Masyado ka kasing seryoso sa buhay! Gwapo ka pa naman!" Umiling si Suzy. "Kapag pumunta ka sa mundo namin, ipapasok kita sa bahay ni Kuya! P'wede kang mag-artista."
Napa-iling si Ordi habang nakangiwi pa rin. Napakamot na lang siya ng ulo bago niyaya si Suzy sa umalis.
-+-
"Ang lahat ng nilalang na sakop ng Hopian ay nasa central de pian, dito nagpupulong-pulong ang lahat kapag dumadalaw ako sa kanila." Pagsasalita pa ng Guro. "Hindi ko masasabi na magiging madali ang hinihingi niyo sa kanila, lahat ng aksyon may kaantabay na munting kapalit." Inilagay ng Guro ang dalawa niyang kamay sa kanyang likuran. Do'n lamang napansin ng magkakaibigan ang suot nitong mahabang damit na animo'y bestida. Pinaghalong kulay puti at bughaw. "Gaya ang aking paalala, maari nila kayong saktan o 'di kaya'y pagbigyan ang inyong hiling."
Nagkatinginan ang magkakaibigan. Parehong nakahawak sa kanilang braso sina Addison at Chester. Hindi lang nila napansin kanina ngunit tumama ang kuko ni Fiyen sa kanilang balat nang itulak sila ng babaeng manananggal.
Mabilis ang paghinga ni Tulip habang inaalalayan nina Bianka at Gigi. Iniinda nito ang suot din sa braso na 'di hawak na mas malala ang pinasalang natamo kesa sa dalawang binata.
BINABASA MO ANG
The Horror Trip (Completed)
TerrorHorror confessions and one horror trip. Pitong kabataan sa isang barkada na kung tawagin nila ay "The Trippers" na mahilig sa mga kababalaghan at misteryo na gustong maging myembro ng Horror Society. Gusto mo bang sumama sa kanilang byahe? Halina't...