2. Cliché

2.5K 89 6
                                    

THE HORROR TRIP

2. Cliché

xxxx

"Hindi ba 'to cliche' masyado?" biglang tanong ni Bianka sa mga kaibigan matapos ang stop over nila sa isang mini shop upang kumain ng pananghalian. Nasa likuran naman lahat ng gamit nila; tatlong galon ng tubig, ilang can goods, mga pagkain na madaling iluto, maliit na generator, gas stove at mga butaine gas. Tamang-tama 'yon para sa kanilang pito at sa isang linggo nilang trip.

"Huh?" tanong ni Suzy sabay angat ng tingin kay Bianka. "Alin ang cliche' at ano?"

Sinandal ni Bianka ang likod sa sandalan at pinag-ekis ang mga kamay. "Itong trip natin. Hindi niyo pa ba nabasa 'to sa mga horror movie?"

Nilingon siya ni Tulip na pinapagitnaan nila ni Suzy.

"You mean. . . the trip? The road? The van?"

Tumango si Bianka. "Yup. 'Di ba sa mga nababasa nating ganito, masisiraan daw ang ng sasakyan at ma-i-s-stuck sa isang liblib na lugar or sa gitna ng kawalan? Tapos, biglang patayan na ang magaganap? Isa pala do'n sa mga nasa loob ng van ang killer at nakaplano na ang lahat!"

"Putakte! Sabi ng tigilan ako sa mga kwentong ganyan!"

Napalingon sila sa biglaang sigaw ni Zapp.

Napa-iling si Gigi at siniko si Zapp. "Kwento palang 'yon, takot ka na. Paano kayo kung totoo 'yon at sa 'tin mangyari? Titili ka ba, huh?" Ngumiwi ito. "Ang bakla talaga!"

"Hindi ako bakla!" Umiling-iling si Zapp. "Palibhasa hindi ikaw ang nakaranas ng mga naranasan ko noon. Ikaw kaya makakita ng mga iba't ibang kaluluwa na naglalakad-lakad sa kwarto mo tapos sabay-sabay pa silang titingin sa 'yo na animo'y kakain ka nila ng buhay!"

Natahimik sila sa sinabi ni Zapp. Pinatay na rin ni Addison ang background music nila habang bumabyahe.

"You experienced that?" tanong ni Addison habang nakadungaw ang ulo sa kanila.

Napabuntong hininga si Zapp at bahagyang tumango.

"Shit Zapp," sambit ni Suzy. "Tapos ano'ng nangyari?!"

Siniko ni Gigi si Zapp kaya't napalingon ito sa kanya. "Hoy! Akala ko ba wala ka pang nakikita?"

Muling napabuntong hininga si Zapp. "Hindi ko sinasabi dahil ayoko ng balikan ang mga 'yon. That's the biggest shit I've ever encountered."

"Balikan mo na! Sabi nga ni Leah ng On the wings of love, kapag mahal mo babalikan mo!" ani Tulip.

Nilingon siya ni Zapp at sinamaan ng tingin. "Ang mahal ko, 'yong buhay ko. Payapa at tahimik. Ayoko na ng mga gano'n."

"Zapp. . . come on, tell us the story," pangungumbinsi ni Bianka. "Mukhang exciting, e."

"Putakte naman oh. Exciting?! Hindi 'yon exciting! Buwis buhay 'yon!"

"Sige, ganito na lang. Paano ang ginawa mo? Wala na ba sila?" tanong naman ni Suzy na halatang curious din.

Sa kanilang pito, si Zapp ang hindi palakwento tungkol sa mga kakaibang nilalang. Nakikinig ito pero tiklop ang bibig. Makikita rin sa ekspresyon ng mukha nito na ayaw niya ng mga gano'ng usapin.

Muling napabuntong hininga si Zapp.

"Wala na," anito. "At ayoko na."

"So, what did you do?" tanong naman ni Addison.

"We moved out. Umalis kami dahil hindi lang pala ako ang nakakita sa kanila, pati 'yong Ate ko. Tapos, no'n. . nagpabinyag kami." Lintanya ni Zapp.

The Horror Trip (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon