Chapter 4- faith (unexpected part 2)

13.4K 282 3
                                    

"ako na po ang bahala dun kailangan ni mama yung operasyon" san nga ba ako kukuha ng pampaopera kay mama umalis ako sa ospital di ko alam kung san ako dadalhin ng mga paa ko ano ba ang dapat kong gawin hindi ko alam kung saan ako kukuha ng pera pambayad sa ospital pero nagawa ko parin sabihin kay papa na ako na bahala pano na to?

"arrrgh" ginulo ko yung buhok ko. di ko na alam ang gagawin ko 

di ko alam kung nasaan na ako. habang naglalakad ako nakakita ako ng isang chapel di ko alam kung bakit pero feeling ko may kung anong humihila sakin para pumasok ako sa loob. pagpasok ko sa loob may nakita akong mga tao konti lang sila pero lahat sila tahimik lang na nagdadasalumupo ako dun sa pinka dulong upuan unti unti kong ipinikit yung mata ko.

"Lord alam ko na hindi ako karapatdapat na lumapit sa inyo sa dami ng pagkakamali na nagawa ko sa buhay ko at tiyak din ako na di rin ako naging mabuti sa paningin niyo. siguro nga naging mabait ako sa lahat ng oras pero alam kong hindi sapat yun para humingi ako ng pabor sayo,. sabi nila ikaw daw ay Diyos na puno ng awa, Diyos na Mapagpatawad. Diyos na mapagmahal. tinatake ko tong opportunity na to para humingi sa inyo ng tawad sa mga bagay na nakita niyong mali sa aking pagkatao tinatake ko din tong opportunity na to para humingi sa inyo ng tulong, alam niyo po kung gaano namin kamahal si mama, pls po wag niyo muna siya kunin samin siya po yung nagsisilbing inspirasyon naming buong pamilya para magpatuloy sa buhay. siya yung lakas namin di po namin kakayanin kung mawawala siya. di ko na rin alam Lord kung saan ako kukuha ng pampaopera ni mama please Lord. gagawin ko lahat ng gusto niyo wag niyo lang po kunin agad samin si mama" di ko na napigilang umiyak sobrang mahalaga samin si mama. siya ang dahilan kung bakit masaya yung pamilya namin, sobrang mapagmahal ni mama, maalaga, maaasahan din siya ayokong isipin na maaaring mawala siya sa oras na gawin yung operasyon sa kanya.

"alam mo ija di mo kailangan magmakaawa sa kanya. kaya niyang ibigay kahit ano basta malinis ang intensyon ng puso mo at alam niya na para sa ikabubuti mo.hindi niya tinitingnan yung mga pagkakamali na ginawa natin dahil para sa kanya mas mahalaga na mahal niya tayo. mahal tayo ng Diyos di niya tayo pababayaan sa lahat ng pagsubok sa buhay natin. magtiwala lamang tayo sa kanya. Faith. yun ang kailangan natin, faith na kahit gaano pa kaliit basta meron tayo mangyayari ang imposible." 

magtiwala?

yun na nga lang siguro ang kailangan kong gawin. pagkatapos niya sakin sabihin yun umalis na din siya di ko siya kilala pero ang lakas ng impact sakin nung sinabi niya

tama siya di niya ako pababayaan sa lahat ng pinagdadaanan ko.

"salamat Lord alam ko na di mo kami  pababayaan, nagtitiwala ako sayo"  lumabas ako ng chapel ng nakangiti alam ko na gagaling si mama at kung yun naman pampa opera ang iisipin alam ko na may dadating na blessing para matugunan yung pangangailangan namin. 

pagalabas ko ng chapel may nakita ako na park tumambay lang ako dun.hapon narin pala pero may mga bata parin na naglalaro. buti pa sila ang saya saya parang walang problema. ang sarap sigurong bumalik sa pagkabata. may tumulo na luha sa pisngi ko pinahid ko lang to kahit alam ko na gagaling si mama di ko parin mapigilan na hindi umiyak kasi alam kong nahihirapan si mama sa katatayuan niya ngayon.

*bssst*

*bssst*

*bssst*

tiningnan ko yung phone ko nung makita kong si papa yung tumatawag pinahid ko yung luha ko saka ko sinagot. ayoko na pati sakin magalala siya.

"hello pa?"

(nak, *snif* salamat ha kasi maooperahan na ang mama mo *snif* di ko alam kung san ka kumuha ng pera pero dahil dun masisimulan na yung operasyon.) kahit di ko nakikita si papa ngayon alam ko na nakangiti siya.

pero ang pinagtataka ko lang. yung sinabi ni papa na dahil daw dun sa pera maooperahan na si mama wala pa naman ako naibibigay na down payment dun sa ospital eh.

"pero papa...." di ko natuloy yung sasabihin ko kasi pinapunta na agad ako ni papa sa ospital baka daw kung mapano pa ko dahil basta na lang ako umalis at nagaalala na daw siya kung nasan na ako

"sige papa papunta na ko" di ko maiwasan ngumiti maybe God really made a miracle.....

Girlfriend Ako Ng Boss Ko?? (Under Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon