CHAPTER 37-KABA

6.8K 134 5
                                    



RC's POV

Kumakain na kami ng lunch ngayon kasama ko si ate abbie, si ivy at si aldrin. Himala nga eh dahil sumama samin yung mag jowa. Madalas kasi kami lang ni ate abbie, o kaya ay yung ibang ka close ko na na empleyado dito.




"so?" tanong ni ivy with matching taas ng dalawang kilay.




"anong so?" tanong ko pabalik.



"duh..alam kong mahal mo pa rin si sir Jacob, heller girl malapit na silang ikasal wala ka man lang bang gagawin para hindi matuloy ang kasal nila?" si ate abbie na ang sumagot sa tanong ko...




Bigla naman akong nanlumo, malapit na nga silang ikasal, mababalewala lahat ng pinaghirapan ko.huhuhu..... tuluyan na nga siyang mawawala sakin.




"hoy RC wag mo nga kaming bigyan ng ganyang tingin.... Pinanghihinaan kana agad ng loob eh hindi ka pa nagsisimulang lumaban duh." Si ivy ulit, si aldrin naman nakikinig lang din sa pinaguusapan naming.di man siya nangingialam sa ngayon, mamaya makikisali na rin yan sa pagkokoment tsk.




"eh ano pa bang magagawa ko? Eh ikakasal na sila, dalawang buwan na lang." malungkot kong sabi habang pinaglalaruan ko na lang yung pagkain ko, para kasing bigla akong nawalan ng gana eh.




"wag ka ngang panghinaan ng loob girl. Andito kaya kami, sabihin mo lang samin kung anong gusto mong mangyari at tutulungan ka namin" sabi ni ate Nicole na kadarating din lang at nakisali na din sa usapan namin.




"tama si Nicole girl...we're your friends. Kaya isang tanong isang sagot......." Sabi ni ivy wuth pa suspense pa habang tumatango na yung tatlo at kasama na rin si aldrin sa nakikitango.




"mahal mo ba si sir Jacob o hindi?" oh ayan nap o nag salita na si aldrin. Tiningnan ko muna sila isa-isa.




"syempre mahal ko."




"YUN NAMAN PALA EH.." sabay sabay nilang sabi at bumalik sa pagkain, oh anong nangyari?




"hoy anong nangyari sa inyo?" tanong ko sa kanila kasi bigla ba namang tumahimik.

Girlfriend Ako Ng Boss Ko?? (Under Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon