CHAPTER 25- torture

7.1K 126 1
                                    



Pag kauwi namin ni mel sa bahay agad akong dumeretso sa banyo ng kwarto ko at naglinis ng katawan para makapag pahinga na din. I was thankful na kahit madalas kami magbangayan ng kapatid ko lagi siyang anjan para sakin.



Kahit papano nakalimutan ko yung sakit na nararamdaman ko dahil sa pag gala namin kanina, gumaan ng konti yung pakiramdam ko. Since this moment come. Tsk naaalala ko na naman lahat nang nangyari that time..urgh ayoko na yung alalahanin. Pls lang rc move on ka na!!!



Tiningnan ko yung picture frame sa table katabi ng kama ko, kinuha ko ito at tinitigan. Gusto kung ngumiti habang tinitingnan yung ngiti niya dito sa larawan pero sa tuwing naaalala ko yung line niya that time parang may milyong milyong karayom na tumusok sa dibdib ko.


".....ginamit lang naman kita eh..."


"hindi na kita mahal, hindi naman kita minahal...."


"...pinagbigyan kita....."



Remembering those words of him was killing me. Hindi niya ba talaga ako minahal? Kahit konti? Pati ba yung mga ngiting yun hindi rin totoo? Ang sakit lang.. "ate umiiyak ka nanaman?.." di ko namalayan na may pumasok pala sa kwarto ko. Agad kong ipinatong yung picture frame sa side table ko ng nakataob at pinahid ng mabilis yung luhang lumamdas sa pisngi ko..tsaka humarap kay mel at ngumiti ng mapait.



Lumapit siya sakin at umupo sa tabi ko. Ilang minute din walang nagsasalita samin. Hanggang sa siya na ang bumasag sa katahimikan. "makikinig ako.." simpleng salita niya pero tagos sa puso ko. Kahit gabi gabi na ako umiiyak di ko magawang magburst out ng nararamdaman ko. Tanging pagluha ko lang ang nagsasabi na nasasaktan ako.



"bakit ganun? Ganun ba talaga ako kahirap mahalin?....." hinayaan ko na yung luha ko na dumaloy. Nanlalabo na rin ang paningin ko dahil sa luha ko. "kasalanan ko ba talaga na nagmahal ako? Kasalanan ko ba na inamin ko sa kanya noon na mahal ko siya?" tuloy tuloy lang ako sa pagiyak. Hinila na ako ni mel para mayakap niya habang hinahagod niya ang likod ko. Hindi siya nagsalita kaya pinagpatuloy ko lang yung himutok ko. "akala ko totoo lahat ng pinakita niya sakin....pero mali ako...lahat pala yun pagpapanggap lang niya..........two months, at sa two months na yun di man lang niya ako nagawang mahalin....ganun ba ako kahirap mahalin?"



umiyak lang ako ng umiyak sa kanya hanggang sa wala ng luha na tumutulo sa mata ko. Pinunasan niya yung mata ko tsaka ako binigyan ng tubig para mahimasmasan. "di lang naman siya an pwedeng magmahal sayo ate eh..... andito pa kaming pamilya mo..wag mong ikulong ang sarili sa isang tao na iniwan at kinalimutan ka na." mahina niyang sabi sakin, tama naman siya. Bakit ko nga ba iiyakan ang walang kwentang lalaki na yun. Andito yung pamilya ko at alam kong na yung pagmamahal nila sakin ay totoo.


******


"hoy girl para kang kinagat ng ipis sa mata ah..umiyak ka nanaman magdamag noh." Ganyan mag good morning si ivy. Ang ganda ng bungad niya sakin noh. *insert sarcasm here*

Girlfriend Ako Ng Boss Ko?? (Under Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon