CHAPTER 42-WE MEET AGAIN

7.8K 157 13
                                    



One week na ng malaman ko na si daddy ang totoo kong tatay and to be honest I never felt this good before.. wala pang ibang nakakaalam about that, pero kahit di naman ipagsigawan ni daddy na anak niya ako halos lahat ng taong nakakasalubong namin napapansin yung pagiging malapit niya sakin kaya kahit di niya sabihin sa iba, sa kinikilos pa lang niya ay halatang halata siya.. namana ko rin kaya sa kanya ang pagiging affectionate? Haha




Andito kami ngayon sa restaurant malapit lang sa office building. Sabay kaming kumakain ng lunch ni daddy.... "daddy naman...bibitayin na ba ako?" tanong ko dahil sa dami ng inorder niyang pagkain...at sa tingin ko hindi namin mauubos dalawa to..





"tsk kumain ka nga ang payat payat mo na at tsaka isa pa masyado kang stress sa trabaho kaya kumain ka..." sabi niya at siya na mismo ang naglagay ng pagkain sa plato ko..





Tinitingnan ko lang siya habang ginagawa niya yun at hindi ko mapigilang mapangiti, ganto niya ba ako namiss at gusto niya akong pagsilbihan?haha ano pa kaya pag kasama na naming si mommy bak hindi lang siya ganito mag asikaso. "alam kong gwapo ako kaya nga maganda ka eh kasi mana ka sakin. Pero mamaya mo na imemorized ang mukha ko at kumain kana dahil lumalamig ang pagkain oh...you have all the time to stare at your handsome father..eat first." Tsk saan ba 'to kumukuha ng self confidence? Ang dami niyang stock eh.. napaismid na lang ako sa kanya.




"buti na lang di ko namana ang kayabangan niya." Bulong ko at nagsimulang kumain.




"tsk narinig ko yun... kung di dahil sa gwapong kaharap mo wala ka.kaya wag ka ng kumontra."kumain na din siya. Natawa naman ako sa kanya... daddy ko ba talaga siya? Ang yabang eh..

**********




After naming kumain hindi agad kami bumalik sa office.. "anak, about dun sa sinabi ko sayo last week.." pansamantala siyang tumigil at huminga ng malalim bago nagpatuloy. " I'm persistent on convincing you to live in the mansion.. alam mo naman siguro kung gaano ako nangungulila sayo hindi ba?"





"pero dad.....hindi ko kayang basta iwan na lang ang pamilyang nakagisnan ko.you know that right?" sabi ko..




"oh, about that. Nakausap ko na sila....."hindi ko siya pina tapos magsalita.




"dad alam kong papaya sila, pero kasi ayaw kong mahiwalay sa kanila it's just that I don't want to leave them alone...they need as I need them." Seryoso kong sabi

Girlfriend Ako Ng Boss Ko?? (Under Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon